Chapter 7
Linggo ngayon at wala akong trabaho. Ngayon din ang araw na nakalagay doon sa invitation ni Natalia. At nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba o hindi sa kaarawan niya?
Wala kasi akong susuotin at regalong maibibigay sa kanya. Kaya lang, she texted me earlier that she's expecting to see me later.
Hindi ko tuloy alam kung tutuloy ba ako o mananatili na lang dito? Huwag na lang kaya akong magpunta? Sasabihin ko na lang sa kanya ang dahilan kapag nagkita kami. Kaso, siguradong magtatampo iyon kung hindi ako pupunta. Pero kasi... nakakahiya kung pupunta ako ng walang dalang kahit na anong regalo at ang suot ko'y hindi tugma sa theme ng event.
Mahigit dalawang oras o higit pa ata akong nag-isip saka nakapag desisyon.
Pupunta ako!
I checked my wallet. Kapag bumili ako ng damit at regalo, paniguradong hindi kakasya ang perang mayroon ako.
Napa-upo ako sa kama nang mapagtanto iyon.
Paano na?
Pero hindi. Pupunta pa rin ako! Sinadya n'yang makipagkita sa akin para ibigay iyong invitation niya. Isa rin siya sa dahilan kung bakit nakakapag pasa ako on time ng mga paper works dahil sa pagpapahiram nila ng laptop nila sa akin. At higit doon, bukod sa kaklase ko siya, itinuturing ko na rin siyang kaibigan. At ngayong kaarawan n'ya, dapat magpunta ako lalo pa at inaasahan niya ang presensya ko mamaya.
Nagbihis ako at umalis para pumunta ng Divisoria. Isang simpleng grey v-neck shirt at maong pants ang aking suot.
Habang naglalakad patungong sakayan, nakatanggap ako ng tawag mula kay Aleece.
"Ivanna," bungad nito sa kabilang linya.
"Aleece."
"Where are you?"
"Uhm... Paalis ako e," may pag-aalangan kong sagot.
"Where? Where are you going?" parang bata ang boses niya.
Nag-aalinlangan pa ako kung sasabihin ko sa kanya kung saan ang aking punta.
"Uhm... May bibilhin lang!"
"Saan? Pwedeng sumama? May bibilhin din ako," tanong niya.
"Sa Divisoria ang punta ko," amin ko.
"Really? Nasaan ka na? Can you please wait for me. I'm on my way na papunta sa apartment mo," parang natataranta na sabi niya.
"Huh? Ano... w-wala na kasi ako sa apartment. Nasa labas na ako nag-aantay na lang ng masasakyan," alangan kong sabi.
" 'Wag ka munang sasakay, Ivanna ha! Just wait for me," may halong banta niyang aniya. "On the way na naman ako. Mabilis lang 'to!" she added.
Natawa ako. I ended the call at naghanap ng mauupuan upang doon mag-iintay sa kanya.
Hindi naman nagtagal, like what she said, mabilis siyang nakarating.
Gulat pa ako nang makita si CJ sa driver seat. He smiled and greeted me. Like what he did, I smiled and greeted him, too.
Inihatid kami ni CJ sa Divisoria. Akala ko'y sasama s'ya sa amin sa pag-iikot, hindi pala. May pupuntahan daw s'ya kaya sinabi nito kay Aleece na i-text na lang s'ya kapag pauwi na kami.
Nagpakawala ako ng mahinang buntong hininga nang malaman iyon. Hindi pa rin kasi ako ganoon ka komportable pagdating sa mga lalaki. Lalo na sa kanilang magpipinsan. Unti-unti, medyo nababawasan na naman iyon pero nai-intimidate pa rin ako.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...