Stay safe everyone. :)
Chapter 44
As time went by, I didn't realize my feelings for him. That I've already fallen for him.
Dala siguro ng pagod at ilang oras na pagpapatulog kay Clae, agad na nakatulog si Sebastian na nasa kabilang gilid dahil si Clae ang nasa gitna naming dalawa.
Ngumiti ako at imbes na pumikit, pinili kong titigan ang aking mag-ama na mahimbing na natutulog ngayon. Tumagilid ako ng higa at humarap sa kanilang dalawa. Una kong tinitigan si Clae sa marahan na paraan. Hinaplos ko ang kanyang maliit, malambot at maputing braso. At sa bawat haplos ko, parang hinehele ang aking puso.
Hindi ko napigilan at pinatakan ng isang halik ang pisngi ng anak, nag-iingat na baka magising siya.
Bumalik ako sa ayos ng pagkakahiga kanina. Ang sumunod kong tinitigan ay ang taong matagal na pa lang nagmamay-ari ng puso ko. Ang taong hindi ko inakala na mamahalin ko.
Tinitigan ko ang tulog na si Sebastian. Payapa ang kanyang mukha ngunit naroon pa rin ang pagiging suplado ng hitsura. At gaya kapag gising, tahimik at pino ang kanyang pwesto at kilos. Mas ngumiti ako at tinitigan siya. Gusto ko sanang haplusin ang kanyang mukha subalit pinigilan ko ang sariling gawin iyon, natatakot na baka magising at mahuli niya ako.
Habang tinititigan ko siya, mas lalo kong napapagtanto ang mga bagay-bagay at kilos na nararamdaman ko sa kanya. Na noon, talagang kinakabahan ako kapag malapit siya. Takot sa presensya niya dahil siya ang pinaka tahimik sa kanila. Mga pinsan lang ang tanging kausap at kasama.
A smart, quiet, cold and independent man who really knows what he wants in life. A man who's always confident in everything he does.
At sa mga nakalipas na buwan, kabado ako kapag malapit siya dahil unti-unti ko na siyang mas nakikilala. Unti-unti kong nakikita ang ugaling hindi ko inaasahan na ganoon pala siya. Unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.
Na mahal ko siya hindi lang dahil siya ang ama ng anak ko. Kundi sa kanya ko naramdaman na may taong nandyan para sa akin. Na simula noon hanggang ngayon, hindi niya ako iniwan. Ang taong tanggap ako ng buong-buo. Taong kaya akong intindihin sa pinakamalalim at mahirap na paraan.
Hindi ko pa iyon mapagtanto noon dahil masyado kong sinarado ang puso't isip pagdating sa pag-ibig.
Ngayon, kaya ko na iyong aminin sa sarili subalit hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko ipaparamdam na mahal ko siya. Hindi ko alam kung kaya ko ba iyon at baka mas pangunahan pa ako ng hiya. Dahil wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang salitang iyon.
Mabilis na dumapo ang mata ni Sebastian sa akin. Natigil siya binabasa at sinusulat dahil nagtagal ang tingin niya sa akin. Kita ko kung paano niya pasimpleng sinuri ang suot ko bago nagtaas ng isang kilay.
"Are you going somewhere?" His voice was soft. Subalit ramdam ko pa rin ang tinatago niyang kuryosidad.
Napatingin ako sa aking suot na pang-alis. Isang simpleng shirt na naka tucked-in sa isang high waisted fitted jeans at puting sapatos. May maliit na sling bag din ang nakasabit pa-diagonal sa aking balikat.
"Uhm... oo sana..." mahina ang boses ko. Kinakabahan sa sasabihin niya dahil ito ang unang pagkakataon na aalis ako.
Ngayon pa lang din ako magsasabi sa kanya. Nakalimutan kong magpaalam kahapon. Pero nagpaalam naman na ako sa Mommy niya na aalis at kung puwedeng gamitin ang kusina para sana mag-aral na magbake. Pumayag naman ang Mommy niya kaya mas lalo kong gustong subukan.
"Where?" He raised his brow a bit.
"May bibilhin lang," sagot ko.
Mas tinitigan niya ako, tinagilid ng bahagya ang ulo at mukhang hindi kuntento sa sinagot ko. Nakagat ko tuloy ang labi, ayaw sanang sabihin sa kanya ang totoo.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...
