Chapter 25
We were so happy when Rikka won as Ms. MAcad.
Sobrang deserve n'ya 'yon dahil ang galing n'ya. The way she walked as if the stage was her. Sa kung paano n'ya dinala ang formal attire, costume, evening gown and so on ay nakakahanga.
Hindi ko nga alam kung bakit ayaw niyang mag modelo dahil paniguradong marami ang gustong kumuha sa kanya. just like Thalia.
Maganda, matalino, higit sa lahat... may confident na humarap sa maraming tao. Matangkad din s'ya. If I'm not mistaken, she's five-eight and half, iyon nga lang, mas matangkad sa kanya si Natalia dahil five-nine ata iyon.
"Congrats!" masayang-masaya kong bati nang puntahan namin siya matapos ang pageant. I hugged her too.
"Thanks, Ivanna!" ngiting-ngiti naman n'yang pasasalamat. Happiness was very visible on her face.
Dinumog s'ya ng mga pinsan at pamilya kaya bahagya akong lumayo, ibinibigay sa kanila ang pagkakataon.
Napatingin ako sa medyo malayong gilid nang marinig ang boses ni CJ.
"Congrats, brad!" wika niya at nakipag high five pa roon sa nanalong Mr. MAcad.
Si Rikka ang nanalo sa babae pero hindi iyong partner n'ya. Iyong pambato ng Engineering na lalaki ang nanalo at sa napapanood ko ngayon, kakilala s'ya ni CJ. Siguro ay kaklase at kaibigan.
Ang first runner up naman sa babae ay mula sa College of Architecture. Ang second, mula sa College of Tourism at ang pang third, mula sa College of Liberal Arts.
Sa lalaki naman ang third place ay nagmula sa College of Criminology. Ang sumunod, second place was from College of Medicine and the first place was... from our department, College of Accountancy. And of course.... iyon ngang College of Engineering ang champion at title holder ng Mr. MAcad for this year at si Rikka ang kanyang partner as Ms. MAcad.
Ang alam ko, hindi pa riyan natatapos dahil lalaban pa sila to represent Manila Academy sa Mr. and Ms. College of Manila. Labanan ng iba't-ibang school dito sa Metro Manila.
Ngayon pa lang... alam kong kayang-kaya at naniniwala na akong mananalo si Rikka. S'yempre... pati iyong partner n'ya.
At hindi nga ako nagkamali. Because I was there... watching and cheering them together with her family and other MAcad students, habang tinatanggap at kinokoronahan sila bilang Mr. and Ms. College of Manila.
Sobrang saya at nakakaproud lang bilang isang estudyante ng Manila Academy at kaibigan ni Rikka na makita at masaksihan ang pagkapanalo n'ya.
Nag celebrate ang buong school sa pagkapanalo nila at nagkaroon pa ng walang pasok. Nag celebrate rin kami, silang magpipinsan kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
Tuwang-tuwa si Aleece para sa pinsan, hindi s'ya nakauwi pero ipinangako niyang babawi s'ya rito.
Sa bawat pag-uusap namin ni Aleece, mas lalo ko siyang namimiss at may isang bagay akong napansin. Ayaw ko naman masyadong tanungin pero s'ya na ang nag-umpisang mag-open up sa akin na talaga naman ikinagulat at akala ko'y nagbibiro lang s'ya.
"Aleece!" masiglang bati ko nang magkausap muli kami.
Alam kong sobrang busy n'ya kaya masaya akong magkausap muli kaming dalawa. Ayaw ko naman siyang abalahin kaya nag-iintay na lang ako na siya mismo ang tumawag. Pero madalas ko naman siyang china-chat para kamustahin.
"Ivanna, I miss you so much..." wika n'ya.
Napangiti ako. Nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa magtanong s'ya na bahagya kong ikinatigil.
![](https://img.wattpad.com/cover/156048618-288-k409066.jpg)
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...