HCML 47

1.7K 32 37
                                        

Chapter 47

Nang makarating kami sa private plane nila, naroon na ang kanyang mga Tito at Tita.

Pagpasok pa lang, sumisigaw na sa karangyaan ang disenyo ng private plane.  The interior design involved copious amounts of wood, marble and even glass mirrors. Mukhang malawak din ito base sa layo nang narating ng paningin ko.

Hindi ko alam kung ilang table iyon pero kung titingnan ko, lagpas tatlo siguro. Every table, I think, consists of rich leather sofas and woodwork, bespoke lamps and some original artwork.

Pakiramdam ko tuloy, nasa isang hotel ako sa ganda ng pagkakagawa ng disenyo.

Ngumiti ako kay Rikka nang magtama ang mata naming dalawa bago bumaling sa mga nakakatanda upang magmano.

"Mas gumaganda ka hija," si Tita Carina iyon. Magulang nina Rikka at katabi ang asawa na si Tito Raphael.

Nasa pinakaunang table sila pagpasok ng eroplano kasama ang iba pang nakatatanda. I gave her a simple smile after I kissed her cheek.

"Mas gumanda rin ang katawan," dugtong ni Tita Alexandra at ngumiti sa akin.

I smiled back, medyo nahihiya sa narinig.

Pagkatapos bumati sa mga magulang ng mga pinsan ni Sebastian, tumigil ako ng ilang minuto sa table kung nasaan si Ate Rafaella. Nag-usap kami saglit bago ako tuluyang nagtungo sa table kung nasaan si Sebastian. He was sitting together with his other cousins.

Alexander, CJ, Francis, Kuya Dustin, Beatrice at Natalia ang naroon. Ang iba ay nasa table kung nasaan si Ate Rafaella.

Pumuwesto si Uno sa tabi ng bintana, sa may mahabang sofa kaya roon din ako nagtungo. Nagising na rin si Clae dahil medyo malakas ang tunog ng eroplano at maingay ang usapan ng magpipinsan.

Nanahimik naman ako sa tabi ni Sebastian, nakikinig lang sa pinag-uusapan sa table at pina pakiramdaman ang takbo ng eroplano lalo na noong nag take off. 

Pumikit ako kasabay ng malakas na tawanan ng magpipinsan. Hindi naman ako takot sumakay sa eroplano subalit siguro dahil ito ang unang beses ko, bumilis ng kaunti ang tibok ng aking puso. Ramdam na ramdam ko rin ang pagtaas ng eroplano kaya para akong nahihilo.

Yumuko ako ng bahagya, nanatiling nakapikit at ilang sandali, hindi ko na napigilan at naihawak na ang kamay sa sentido. Unti-unting nagbabago ang pakiramdam ko. Sa bawat daan ng segundo, mas nakakaramdam ako ng pagkahilo at para bang mananakit na ang aking ulo.

Naramdaman ko ang kamay na humawak sa aking hita. Nagmulat ako ng mata at direktang tumama kaagad iyon doon. Hindi ko na kailangan tingnan kung sino iyon. Sa ganda ng kamay at daliri pa lang na mahahaba, isama pa ang relo na nakayapos sa palapulsuan nito, alam kong si Sebastian iyon.

"What's wrong?" hindi na ako nagulat sa pagbulong niya sa aking tainga.

Dahan-dahan ko siyang tiningnan. Mabilis kong hinanap si Clae sa kanya at nakitang wala ang anak namin. Ginala ko kaagad ang buong paningin sa table at nakitang hawak na ni Beatrice si Clae. Napansin niya ang titig ko kaya napabaling din siya sa akin. She gave me a small smile. Ginantihan ko siya ng ngiti kahit umiikot na talaga ang paningin ko at tuluyang naramdaman ang pananakit ng ulo. Pakiramdam ko'y masusuka rin ako.

Muli akong napapikit.

"Ivanna!" naramdaman ko ang marahan na paghaplos ni Sebastian sa hita ko. Ang boses din niya ay halatang nag-aalala.

Hindi ko na siya matingnan dahil sa bawat kilos ko, mas nahihilo at nasusuka ako.

"What's wrong?" muli niyang tanong.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon