Chapter 33
Hindi ako maalam humalik kaya nakalapat lang ang labi ko sa labi n'ya.
I felt that he stiffened for a second before he finally kissed me... back. Mapupusok ang una niyang halik ngunit kalaunan, naging mararahan iyon. Samantalang ako, parang batang tinuturuan lumangoy. Sumusunod sa ginagawa n'ya ngunit mas'yado siyang magaling na pakiramdam ko, naiiwan ako at nalulunod. Parang hindi ako ang unang beses na nahalikan n'ya.
I wrapped my arms on his neck so that, I can pull him closer to me. In between our kisses, I felt the side of his lips rose a bit. Itinuon n'ya ang dalawang palad sa magkabilang gilid upang ikulong ako. Hindi nagtagal, naramdaman ko na ang isa n'yang kamay sa aking likod. Holding my waist to be specific to guide me.
Pahiga na ako ng kama nang itulak ko s'ya at marealize ang ginawa.
Nakaawang ang bibig at mapupungay ang mga mata n'ya. Hinihingal sa halikan naming dalawa. He tried to kiss me again ngunit mabilis kong ipinilig ang mukha sa gilid.
Natigilan s'ya at ramdam ko ang titig n'ya. Hindi ko rin namalayan na sa pagtulak ko sa kanya, tuluyan na akong napahiga sa kama.
Sinulyapan ko s'ya at nakitang para siyang natauhan. Pumikit siya ng mariin at ilang mura ang pinakawalan bago muling nagmulat ng mata at tumingin sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi kayang makipagtitigan sa kanya pagkatapos ng nangyari ilang minuto pa lang ang nakakalipas at gayong ganito ang pwesto naming dalawa. He's on top of me, jailing on his bed using his strong arms with his deep eyes fixed on me.
Naiilang ako sa pwesto naming dalawa pero wala akong lakas na itulak sya dahil ang kaisipang mahahawakan ko syang muli ay nakakapanghina. Mas'yado siyang malapit na kahit bumaling ako sa gilid, ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga nya.
"I'm sorry..." he whispered huskily to my ear that made my eyes shut so tight.
Parang may kumiliti sa akin at nagtaasan ang balahibo sa katawan nang mas maramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga.
"I didn't mean to kiss you back..."
"Shut up!" I cut him off.
Nawala ang kiliti na nararamdaman ko. Mabilis iyon napalitan ng pagkakairita. Sa sobrang inis ko... malakas ko s'yang itinulak. Mabilis akong umahon sa pagkakahiga kahit pa nakayakap na sa tyan patungo sa aking baywang ang kanang kamay ni Sebastian.
Sinubukan kong tanggalin iyon ngunit kahit hindi naman ganoon kahigpit, mas'yadong malakas ang kanyang pagkakahawak.
"Sebastian... ano ba!" tawag ko sa kanya. Pinipilit tanggalin ang pagkakahawak n'ya sa aking baywang.
Sinulyapan ko s'ya sa aking gilid at nakitang padapa itong nakahiga. Nakasubsob ang mukha sa kama. Tila ba walang balak na gumalaw.
Aba! May balak pa atang matulog ang isang ito!
Mas lalo akong nairita sa pwesto n'ya. Dahil ayaw niya 'kong pakawalan... kinurot ko ang braso niya. Muntik ko pang pang gigilan kung hindi ko lang nakitang nagflex ito at bahagyang namula dahil sa ginawa. Ramdam kong nag-angat siya ng tingin at nang muli kong sulyapan, nagkatinginan kaming dalawa.
Ang masama kong tingin ay nawala nang mapansin na para bang ang lalim ng kanyang iniisip.
Tuluyan din na nawala ang irita ko sa katawan at parang may humaplos sa aking puso nang maramdaman ang kamay ni Sebastian na unti-unti at marahan na humahaplos sa aking tyan. Para bang pinakikiramdaman kung may gagalaw.
Naestatwa ako. Kalaunan, isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Unti-unting nag-iinit ang gilid ng aking mga mata.
Pinapanood ko ang kamay niyang sobrang dahan kung humaplos sa aking tyan na tila ba isa itong mamahaling kristal na pwedeng mabasag at mahulog kung hindi iingatan. Pakiramdam ko'y naninikip ang aking dibdib sa nakikita.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...