HCML 26

726 8 0
                                        

Chapter 26

Abala 'ko ngayon sa pag-aayos ng thesis namin. Tapos na kaming mag defense ng mga kagrupo ko. Mabuti na lang at hindi kami gaanong ginisa ng mga panelist kaya ngayon, inaayos na namin para maipa hardbound na.

Next week kasi mas lalo pa kaming magiging abala dahil simula na ng paghahanda sa graduation.

Nang mag weekend, umuwi ako sa Batangas para ipaalam kay Mama na gagraduate na 'ko.

"Ma!" panimula ko.

Nakain kaming tatlo ng hapunan ngayon. Wala si Tiyo, bukas pa ang uwi nito galing sa duty.

Sinulyapan lang ako ni Mama at nagpatuloy sa pagkain na tila ba walang narinig.

Bahagya akong nanlumo. Ang kaninang masaya ko sanang pagbabalita, unti-unting naglalaho.

"Ma, graduation ko na po next week," wika ko. "Gagraduate na po ako," ngiti ko.

"Talaga, Ate?" si Maa sa excited na tono.

Tumango ako at excited na ngumiti sa kanya.

"Congrats!" masiglang bati niya at pumalakpak pa. Umalis siya sa kanyang upuan at lumapit sa akin para mayakap ako.

"I'm so proud of you, Ate!" wika n'ya sa gitna ng yakap naming dalawa. May kung ano akong naramdaman sa puso dahil sa kanyang sinabi. Bahagyang nangilid ang aking luha ko na agad ko ring pinigilan.

Ang mga katagang binigkas ni Ara ay s'ya rin mga salita na gusto kong marinig kay Mama. Kaya lang... nang tumingin ako rito, hindi man lang nagbago ang expression ni Mama. Ni hindi ko man lang nakitaan ng ngiti ang kanyang labi. Hindi katulad tuwing may ibinabalitang masaya sa kanya si Mara. Hindi gaya kung gaano kasaya at ka-excited ang kapatid ko para sa akin.

Pabagsak na ibinaba ni Mama ang kanyang kubyertos at mataman akong tiningnan.

"E'di mabuti nang makapagtrabaho ka na," mataman niyang sabi.

Nanlumo ako.

"Dapat nga ay noon ka pa nag trabaho nang makatulong ka naman. Aba! Hindi sapat ang mga scholarship mo," dagdag n'ya na mas lalo kong ikinapanghina.

Umaasa akong magiging masaya s'ya para sa akin. Na sa wakas... ang pangarap kong makapagtapos, makakamit ko na rin. Pero sa naririnig ko ngayon kay Mama, para bang ang pangarap ko ay wala lang sa kanya.

Unti-unti muli na nangilid ang aking luha.

"Ma..." pigil sa kanya ni Mara.

"At bakit?" tanong ng aking ina.

"Hindi ka po ba masayang gagraduate na ang ate?"

"Mara..." pigil ko sa kapatid.

"Ma!" baling ko kay Mama. "Gusto ko po sanang... naroon kayo sa graduation ko," nanginginig at umaasa kong sabi.

"S'yempre... hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan, Ate..." si Mara. "S'yempre, naroon kami."

Sa sinabi ni Mara, nagkaroon ako ng pag-asa.

Kaya naman nang dumating ang araw na pinakahihintay ko. Sa dami ng pinagdaanan ko bago makarating dito.

Finally!

The day that I've been waiting for so long, is finally... dumating na!

I was nervous yet so excited for today's event. Coz finally, I'm going to walk, at the middle of the crowd patungo sa entablado para kunin ang diploma na ilang taon kong pinangarap at pinaghirapan na makuha.

Kinakabahan man ngunit ngiting-ngiti pa rin ako habang inaayos ang aking damit.

I was wearing an embroidery floral long sleeve splice dress and a silver pointed toe pump para sa araw na ito. Ang aking buhok, maayos na kinulot at may manipis na makeup.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon