HCML 45

957 26 16
                                    

Chapter 45

Sunod-sunod kaming lumabas ng La Cabrera restaurant. Nang dumating ang itim na Lamborghini ni Uno, kumaway ako sa kanyang mga pinsan bago niya ako pinagbuksan ng pinto. 

"Una na po kami, Ate!" wika ko kay Ate Rafaella na siyang malapit sa akin. 

Nagsimula na rin maglakad patungo sa kanilang mga sasakyan ang iba. Ate Rafaella nodded at me. 

"Take care!" she waved her hand. 

"Kayo rin," sabay tingin ko kina Alicia na paalis na. 

They smiled at me. "Ingat!" aniya. 

Ngumiti ako bago tuluyang pumasok sa sasakyan ni Sebastian. Mabilis niyang sinarado ang pinto at umikot kaagad patungong driver seat. 

"Your seatbelt," wika niya sa mahinahon na tono habang inaayos ang sa kanya. 

"Uh... oo..." sagot ko at kinuha kaagad ang seatbelt para isuot iyon. 

Naabutan ko ang paningin niya sa akin. Nang makitang nasuot ko na ng ayos ang seatbelt, sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. I lean my back on the backrest to feel more comfortable while sitting. Itinuon ko ang mata sa mga establisyemento na aming nadaraanan. Inaaliw ang paningin sa mga ilaw at taong nakikita. 

Nasa kahabaan na kami ng highway nang tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Madali ko iyong hinanap sa loob ng aking sling bag. Nahagip ng aking tingin ang pagsulyap ni Sebastian sa akin. 

"Si Mara," sambit ko at mabilis siyang binalingan bago tuluyang sinagot ang tawag. 

Hindi naman na siya nagsalita o nagreact kaya binigay ko na ang buong atensyon sa tumatawag. 

"Maria!" boses ni Mama ang una kong narinig. Wala sa sarili akong napangiti. 

"Po?" sa magalang kong boses na wika. Muli sana akong magsasalita nang maunahan niya. 

"Bibisita kami ni Mara diyan bukas," aniya. 

Napaayos ako ng upo at nakaramdam ng saya. Wala sa sarili akong napatingin kay Sebastian na tahimik lang na nagdadrive. Naabutan ko ang pagsulyap niya sa akin. May kaunting ngiti ang lumitaw sa aking labi.

"T-talaga po?" sa sobrang mangha, iyon ang lumabas sa aking bibig.

"Oo nga. Matagal tagal na rin ang huli ninyong bisita rito. Aba'y gusto ko na ulit masilayan ang apo ko. Nariyan ba?" 

Hindi ko kaagad siya nasagot. 

"Pauwi pa lang po kami, Ma." Nasa kalsada nanatili ang mata ko habang sinasabi iyon.

"Ha? Anong oras na, ah? Mag-aalas nuwebe y media na ay nasa labas ka pa rin? Kasama mo ba ang asawa mo?" mausisa niyang tanong sa kabilang linya. 

Napapikit ako at mahinang napasinghap sa huling narinig. 

"Ma, hindi pa po kami mag a-asawa..." hindi ko napigilang sabihin iyon. 

Naramdaman ko ang pagtingin ng malalim at seryosong mata ni Uno sa akin. Hindi ko na siya tiningnan pa. Ayaw kong magtama ang mata namin pagkatapos kong sabihin iyon kay Mama. 

"Ganoon na rin iyon, Maria. Nagsasama na kayo at may anak na rin, kasal na lang talaga ang kulang. Bakit kase hindi pa ninyo tinuloy ang kasal na dalawa?"

Halos mapasinghap ako at muling mapapikit. Sa loob ng ilang buwan na sitwasyon namin ni Uno simula nang manganak ako, tila ba ngayon lang tuluyang nagsink-in sa akin ang lahat. Na magkasama na nga kami sa iisang bahay at natutulog sa iisang kama. At kung wala si Clae sa gitna namin dalawa, magkatabi na nga talaga kami.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon