HCML 6

606 19 0
                                    

Chapter 6

Though, I know that Uno can finish our paper works, nag prisinta pa rin akong tulungan siya. Pagsasama-samahin para maayos at madagdagan na lang iyon kung kinakailangan.

At first, nahihiya pa akong magsabi sa kanya dahil pakiramdam ko'y mas gusto niyang gawin iyon mag-isa at mukhang madi-distract ko lang ata siya. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kagustuhan kong tumulong. Hindi ako napapakali hanggat hindi ko nababasa o nakikitang tapos na.

Nakahinga ako ng maayos nang hindi naman siya umapila nang sabihin kong gusto kong tumulong at makita itong matapos.

Wala pang isang oras, natapos agad kami o mas mabuting sabihin na natapos agad siya. Masasabi kong sa ilang beses ko siyang naging kagrupo at ilang buwan ko siyang naging kaklase sa ilang minor subject, hindi maitatangging napakahusay niya. Siya ang tipo ng estudyante na tahimik at hindi pala imik ngunit kapag nagsalita, siguradong bibilib ka!

I felt embarrassed when I realized na kakaunti lang ang ipinagawa niya sa akin. Pakiramdam ko'y napilitan lang siyang bigyan ako ng gawain. Mahina akong bumuntong hininga dahil sa naisip.

Kaya ko naman gawin kung mas marami o tig-kalahati kami ng gagawin.

After that, the next thing I did was our paper works with Natalia and Aleece, on one of our major subject. Nagtulungan kaming tatlo kaya mas mabilis namin natapos.

It was twelve midnight when we decided to sleep. Doon dapat kami ni Aleece matutulog sa guestroom ngunit itong si Natalia, nagpumilit na roon na lang matulog sa kanilang kwarto ni Alicia. Kaya ang ending, nagsiksikan kaming apat sa kama nila. Mabuti na lang at malaki iyon kaya hindi mas'yadong masikip.

Kakaalis lang ni Uno kahit na kanina pa naman kami tapos. Sa pagkakaalam ko, umalis lang ito kapag lahat kaming babae ay nasa kwarto na.

Narinig ko kanina kay Alicia na ganoon daw ang mga pinsan nilang lalaki. Umaalis o bumabalik lang ang mga ito sa kanilang unit kapag nasiguradong okay na o nasa kani-kanilang kwarto na sila.

May kung anong inggit at tuwa akong naramdaman dahil sa nalaman. Hindi ko alam ngunit gustong-gusto ko ang kanilang samahan.

Pagkarating ng kwarto, hindi pa muna kami natulog agad. Nagkatuwaan silang magkwentuhan at mag movie marathon.

"Sulitin natin 'tong gabing 'to," si Aleece.

"First time natin makasama si Ivanna sa ganito," si Alicia sa excited na tono.

"Wait! I'll call Ate Rafaella and Ate Rikka to join us," si Natalia saka umalis sa kama at lumabas para tawagin iyong dalawa.

Nakapagpalit na rin kaming lahat ng pantulog. Kay Natalia ang suot kong pajama samantalang pinili kong suotin ang pinahiram sa akin ni Alicia na plain v-neck shirt. Iyon kasing kapartner ng pajama'ng pinahiram sa akin ni Natalia ay spaghetti strap. Ang kay Rikka naman ay tank top. Kaya nang makita kong may sleeve iyong inilabas ni Alicia, hindi na ako nagdalawang isip na kunin iyon.

Hindi kasi ako sanay magsuot ng tank top o spaghetti strap kahit nasa loob lang ng bahay.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Natalia kasama ang magkapatid na si Rikka at Ate Rafaella. Nagsimula silang magkwentuhan habang pumipili sila at sini-set iyon television para makapag start na. Ako naman, nakikinig lang sa kanilang usapan. Minsan, nakikisabat kung kinakailangan.

Nalaman ko rin na may boyfriend pala si Ate Rafaella. Kay Natalia naman, alam kong maraming nanliligaw sa kanya. Natawa ako nang sabihin niyang wala siyang mapili sa mga ito. Aside from that, she also complained na mas'yado raw protective sa kanya ang mga pinsan n'yang lalaki especially when it comes to her suitors.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon