HCML 17

668 16 0
                                        

Chapter 17

Naging abala ako sa practice ng sayaw dahil nalalapit na ang Intrams. Nasa room kami at naghihintay na lang ng pagdating ni Sir Almacen. S'ya ang huling prof ko para sa araw na ito.

Nakikinig kami ni Rikka sa kwento ng dalawa nang biglang bumukas ang pinto sa harapan. Mabilis akong napaayos at napabaling doon sa pag-aakala na si Sir Almacen na iyon but unfortunately, it's not him.

The man who entered the room was Carlos, on his usual blank expression and his natural snobbish eyes. Maybe because of his confidence, height and presence, he got everyone's attention as he walked silently and stopped in front.

"Mr. Almacen decided not to meet us today, but he wants us to use his time to start and finish the activity," he said like a boss. Tinatapos na ang meeting subalit sa huli, may pagbibilin.

Mabilis na umingay ang room dahil sa magandang balita ni Uno. Nag-umpisa ng mag labasan ang mga kaklase ko. Tumayo na rin ako at kinuha ang bag. Maglalakad na sana palabas kasabay nina Aleece nang muli kong marinig na magsalita si Sebastian.

"Ivanna!" natigil ang akma kong pag-alis. Mabilis akong bumaling sa likuran at nakitang nakasabit na rin sa balikat niya ang kanyang bag.

Hindi ako nag salita subalit naghintay ng kanyang sasabihin.

"Let's start the activity!"

I nodded.

"Sige," sagot ko at lumabas ng pinto.

Sa may Eco Park namin napiling gumawa. Kasama ko sina Rikka, Aleece at ang mga kapartner nila. Si Natalia, narito kanina subalit umalis din. Ang pumalit sa kanya ay si Alexander kasama ang kapartner nito.

Halos abala kaming lahat na nakaharap sa kani-kanilang mga laptop. Ang gamit ko ngayon ay ang Macbook ni Sebastian. Wala pa siya dahil may inaasikaso ata, sa pagkakaalam ko kasi'y siya ang representative ng klase. Kaya imbes na nakatunganga ako habang nag-aantay, mas mabuting simulan ko na.

Laking pasasalamat ko nang ipahiram at ipagkatiwala n'ya sa akin ang kanyang Macbook. Ang balak ko kasi ay magrent na lang ng computer sa may labas at doon gumawa. Pero mas mabuti na rin at ipinahiram niya sa akin para ma-check at ma-edit n'ya agad kung sakaling may idadagdag s'ya.

Nag-iisip ako ng dapat na i-type nang makitang prenteng nakaupo si Alexander habang abalang nagta-type ng kung ano sa kanyang iPhone. While his partner was busy typing and doing their activity.

Lumipat ang tingin ko kina Rikka at nakitang pareho silang abala ng kanyang partner. Ganoon din iyong dalawa pa. Si Aleece at ang partner niya.

I shook my head and continued what I'm doing.

Bumuntong hininga ako nang maubusan na ng ita-type at wala nang maisip. Saktong pagtunghay ko, ang pagdating ni Uno. Nabuhayan ako ng pag-asa nang makita siya dahil pakiramdam ko'y tumigil na sa pag-iisip ang utak ko.

Mabilis akong nag move pakaliwa nang umupo siya sa tabi ko upang mas mabigyan ng espasyo.

"How many pages have you already finished?" He asked without looking at me.

Mabilis akong naalarma sa tanong niya.

"Kanina pa 'yan ganyan, nakatunganga lang!" nagsusumbong ngunit may halong pang-aasar na sabat ni Alexander.

Gulat akong napatingin kay Alexander at nakitang ngiting-ngiti lang siya at tila ba tuwang-tuwa.

"Hindi ah!" mabilis kong depensa sa sarili sabay tingin sa screen ng Macbook upang makita kung nakailang page na 'ko.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon