HCML 12

545 16 1
                                    

Chapter 12

Tuwang-tuwa ang girls na asarin ako. Kaya tuloy imbes na sa kapatid na si Kuya Ralph sumabay ang magkapatid na si Rikka at Ate Rafaella, napagkasunduan ng mga itong sa amin sumabay.

Sa amin. Meaning... kasabay si Uno dahil silang tatlo ang humila sa akin patungo sa sasakyan nito. Doon pa nila ako pinaupo sa front seat.

Noong una, gusto ko na lang mag commute pero naisip ko rin na bakit nga ba ako iiwas? Hindi naman tunay iyon.

Gaya ng napag-usapan, dumaan kami ng apartment.

Nang dumating sa school, akala ko'y wala na iyon. Subalit nang makita ko si Aleece kasama ni CJ at nang iba pang mga pinsan, alam ko na agad na may kasunod pa.

"Woah! I guess the rumor is true," mapang-asar na bungad ni CJ.

"New couple," nakakalokang ngiti ang ibinigay sa akin ni Aleece. Ilang beses pa siyang nagtaas baba ng kilay.

Couple?

"Congrats couz," tatawa-tawang wika ni CJ habang tinatapik-tapik pa ang balikat ni Uno.

Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang reaksyon ni Sebastian dahil ultimong ako, sinimulan na ulit asarin.

Nag tuloy-tuloy ang asaran at tawanan nila hanggang sa makarating kami kung saan magpapa-enroll.

"Natalia. Aleece," saway ko sa dalawa nang hindi ko na napigilan.

"What?" painosenteng tanong nila.

"Tama na!" pakiusap ko.

"Why? Wala naman kaming ginagawa sa'yo ah!" pagdadahilan nila ngunit naroon pa rin ang tuwa sa kanilang boses.

Bumuntong hininga ako.

"Alright. We'll stop!" si Natalia.

"Namumula ka na dahil sa hiya," si Aleece sabay halakhak.

Pakiramdam ko'y mas lalo akong nahiya sa pagpuna niya.

Nasa pila na kami kaya naasar nila ako ng ganito. Kung tutuusin, lahat ng pang-aasar na iyon ay wala lang sa akin dahil alam ko at alam nilang hindi iyon totoo. Kaya lang habang tumatagal, mas lumalala iyon. Ang nakakahiya pa, hindi lang kami ang nakakarinig.

Halos lahat ng malapit sa aming pila, napapatingin na! Ang iba pa, mga kaklase at kakilala pa namin.

May hindi pa nga nakatakas sa aking paningin ang mga pasimpleng pag-irap at sama ng tingin ng ibang babae na paniguradong nakarinig at may paghanga kay Uno.

Hindi ko na lang iyon pinansin subalit para tuloy akong nagsisi kung bakit hindi na lang iyong dress ang hiniram ko. Sana tuloy hindi na ako pinadidiskitahan ng ganito.

Pero hindi ko naman alam na iyon ang suot n'ya. Ni hindi ko nga sinubukan n i-check ang kanyang damit kanina.

"Bakit kasi 'yan ang suot mo?" biglang tanong ni Aleece.

Pinahiram lang po ito!

"Anong problema dyan? Maayos naman ah!" takang tanong ni Natalia.

Okay sana kung hindi nyo ako inaasar kanina pa.

"It's Ate Rafaella's shirt. Dami-daming damit ni Ate bakit 'yan pa ang naisip na ipahiram sa'yo!?" si Rikka.

"Kung hindi n'yo sana ako inaasar kanina pa, edi sana walang problema. Hindi ko naman alam na pareho pala kami ng suot ni Sebastian," paliwanag ko. "Sana pala iyong dress na lang ang sinuot ko," I added.

"Sana nga!" kunwaring umaasang wika ni Rikka.

"Wala naman kasi talagang problema. Kahit pareho kayo ni Kuya Uno ng damit, okay lang. Ang kaso kase... hindi lang kayo sa damit magkamatch. Buong outfit n'yo, tugma!" paliwanag sa akin ni Natalia.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon