Chapter 39
Nakatulala lang ako habang nakaupo sa sofa, paulit-ulit na nag-e-echo sa tainga ko lahat ng salitang narinig ko kanina. Paulit-ulit din na tila sinasaksak ang puso ko.
Why some people says that kapag nabuntis ng maaga ang babae, wala na itong kinabukasan. Hindi na makakapagtapos ng pag-aaral. Walang mararating. Na hindi na pwedeng umangat sa buhay. Pero kapag lalaki ang nakabuntis ng maaga, ayos lang. Madalas, hindi na pinapansin ng iba kung panagutan ba o iwanan na lang ang nabuntis.
At ang sakit because I’m one of that. Na nakakarinig ng ganoon. Hindi naman lahat kasalanan ng babae. Oo, may pagkakamali rin kami pero hindi naman porque nagkaanak ng maaga, sira na agad ang buhay. Hindi ba pwedeng magpatuloy? Dahil may pangarap din naman ako. At mas lalo kong gustong maabot iyon dahil magkakaanak na ako. Na nagbabago at tumitibay ang mga pananaw at desisyon ko sa buhay.
I bit my lips and tried my best to control the tears that slowly forming on the side of my eyes. Huminga ako ng malalim bago pinakawalan iyon. Pinilit kong tanggalin lahat ng masasakit na salitang nakabaon sa aking dibdib.
Tumayo ako at lumapit sa may pinto ng kwarto ko nang may kumatok doon. Bumungad agad sa akin ang natural na supladong mukha ni Sebastian at ang umaalingasaw niyang natural na bango kasama ng kanyang mamahalin na pang lalaking pabango.
“Ready?” he asked in a gentle voice.
Tipid ko siyang nginitian bago mas nilawakan ang bukas ng pinto para makapasok siya. Dire-diretso ang lakad niya sa may kama bago kinuha ang bag na puno ng damit ko. Christmas na bukas at ngayon ay uuwi kami ng Batangas. Sa mansion nila sa Batangas kami magse-celebrate ng Christmas kasama ang buong Vhergarah.
Ayaw ko na sanang sumama dahil nakakahiya pero alam kong hindi naman ako iiwan dito ni Uno. Sinabi ko rin na kina Mama na lang ako ngunit ayaw niya.
“We’ll just visit your mother and sister on Christmas day,” he said and squeezed a bit my cheeks in a gentle way.
Napanguso ako at pumayag na lang kaya ito ako, nakabihis na at handa ng umalis. Wala rin akong mas'yadong damit na dinala dahil hindi naman kami magtatagal doon.
Kinuha ko ang nakahandang sling bag sa may ibabaw ng table at nang mapadaan sa may salamin, tumigil ako ng ilang minuto para pasadahan ang sarili. Isang dusty rose Aubrey volume sleeves knee length dress ang suot ko ngayon. Maganda iyon dahil hindi kita ang dibdib ko kahit pa pa-V ang neckline nito. Mas kita na rin ang umbok ng aking tiyan dahil nasa pitong buwan na ito ngayong December. Hinayaan ko rin na nakalugay ang mahaba at straight kong buhok na hanggang sa may siko. Gusto ko nga sanang magpagupit kaso hindi raw pwede magpagupit kapag buntis sabi ni Madame Alejandra. Hindi ko na rin naman ipinilit dahil may naalala ako noon na sabi rin ng lola ko, nanay ni Mama bago ito namatay. Wala rin naman masama kung susundin ko ang bilin nila.
Hinaplos ko ang tyan ng isang beses at nakitang nakatingin sa akin si Sebastian. Nakaupo siya sa may gilid ng kama, kita sa salamin at mukhang pinapanood ako. He was wearing fitted jeans that make his long legs more visible; a white plain shirt that tucked inside his jeans and a white denim jacket. Nakalagay ang aviator niya sa bulsa ng denim jacket sa may bandang left chest. His long top hair was brushed back with pomade that made him looks clean and fresh, dagdagan pa dahil maputi siya.
He tilted his head a bit to the side and stared at my reflection in the mirror. Ngumiti ako sa kanya habang nakatingin pa rin sa salamin at tipid na ngiti ang ibinalik niya sa akin, bago siya nag-iwas ng tingin at tumayo.
“Can we?” he asked and pointed to the door using his head.
Tumango ako at nauna ng maglakad palabas ng kwarto. Nasa sala na ang iba pang magpipinsan at pare-parehas ng bihis.
![](https://img.wattpad.com/cover/156048618-288-k409066.jpg)
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...