HCML 24

574 14 1
                                    

Chapter 24

This year, Natalia started to join in modeling. Madaling nakuha dahil noon pa man, nagmomodel na s'ya ng kanilang mga business. Hindi nga lang pinagpatuloy noon dahil mas inuna ang pag-aaral.

Kilala rin ang pamilya sa industriya. Isa pa, her mother was one of the socialite and most talked fashionista in her generation. Hindi ko naman masasabing madaming kakilala kaya maraming kumukuha dahil noon pa man, magaling na s'yang magdala ng damit.

Kahit simple, iba ang dating kapag s'ya na ang nagsuot. She's also good projecting in front of the camera. She's just like a veteran in the modeling industry because of the way she acts and walk. I think, she was really born to become a model. Maganda, matangkad at makinis kaya pwedeng pwede talaga.

Isang beses, isinama niya 'ko. Susukatan lang naman daw s'ya para sa isang gown na kanyang imo-model kaya pumayag na rin ako.

"Natalia, my dear!" bungad ng isang lalaki na sa tingin ko, ang edad nasa early to mid forties. He's a gay. I stared at him for a few minutes because he looks familiar to me. Para bang nakita ko na s'ya sa TV o kung saan man.

"Hi, Tito Eric!" nakipag beso si Natalia.

Eric? Eric?! Sa'n ko ba nabasa ang pangalan na iyon?!

Eric Saldovar? Tama ba? Oo, s'ya nga! He's one of the most famous Filipino designer today. Kalimitan ng mga design n'ya, sinusuot ng mga artista: local man or international. For red carpet, concert and many events.

Napapahanga akong nakatingin sa kanya. I didn't know that I have a chance to meet him. Sobrang nagagandahan ako sa mga design n'ya.

S'ya pala iyong tinutukoy ni Natalia na matagal na s'ya nitong kinukuha as his model. Kaya lang, hindi pa ganoon ka seryoso si Natalia sa pagmomodelo.

"I thought, you're not coming today," he started. "Michella said that you're too busy in school," he added.

"Of course, pupunta ako, Tito!" Natalia smiled.

"So I thought, hindi mo na imo-model ang isa sa mga design ko. I'm really glad that you're here today," wika nito bago iginaya si Natalia patungo sa kung saan.

Mas lalo akong namangha. Maraming naghahangad na maging model n'ya. Sino ba naman ang ayaw i-model ang gawa ng isang Eric Saldovar?! As far as I know, kung isa kang model at m-in-odel mo ang gawa n'ya, sisikat ka sa modeling industry kaya marami ang naghahangad.

Lumingon ako sa paligid at nakitang may iilan na staff doon. Padaan daan at may dala-dalang kung anu-ano ang mga ito. Siguro gamit panahi o kung ano man. May iilan pang napapatingin sa akin.

Nakaramdam ako ng hiya at bahagyang napapayuko, bilang paggalang na rin at binibigyan sila ng isang tipid na ngiti. Hindi ko tuloy alam kung titigil ba 'ko ro'n o susunod kina Natalia kung saan ang mga ito nagtungo.

Nakakahiya naman kung titigil ako rito dahil pakiramdam ko'y makakaabala ako. Isa pa, panay din ang tingin nila sa akin. Nakakahiya rin naman kung susunod ako kay Natalia dahil baka may importante silang pag-uusapan.

"Miss, what's your name?" tanong ng isang babae na hindi ko namalayan ang paglapit sa akin.

"I... I-ivanna po!" alangan kong sagot. Nahihiya.

"Ivanna?!" ulit niya at tumingin sa iPad na hawak. Parang may chini-check s'yang kung ano roon.

"Your surname?" tanong muli niya habang ang mga mata, nasa iPad pa rin.

Naguguluhan at nagtataka man, sinabi ko pa rin ang apelyido ko.

"Ivanna Fuentes," ulit nito sa sinabi ko. "Wala ka sa mga list ng model," wika n'ya at tumunghay para tumingin sa akin.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon