HCML 28

692 16 0
                                    

Chapter 28

Naalimpungatan ako subalit dahil sa sama ng pakiramdam, imbes na magmulat ng mata at gumising na, mas niyakap ko ang katawan na nakadagan sa akin. Wala pang ilang segundo, mabilis ulit akong nakatulog.

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga, nahihilo at nasusukang nagtungo agad ako sa banyo.

Sana talaga... hindi na lang ako sumama sa kanila at minabuti pang umuwi na lang ng Batangas. Hindi naman kasi ako sanay sa gano'n lugar. Kung hindi lang talaga ako nahihiya kina Cia, uuwi na lang ako.

Halos isuka ko na ang lahat ng laman ng aking tiyan. Hindi naman ako uminom pero bakit ganito ang pakiramdam ko?

Pagkatapos kong magsuka, mabilis kong fl-in-ush ang toilet at nanghihinang napaupo sa tiles. Naihawak ko ang isang kamay sa aking sentido sa sakit ng ulo. Hindi ko rin magawang imulat ang mata sa sama ng pakiramdam na nararamdaman.

Maya-maya pa, naramdaman kong may taong nakatayo sa aking gilid. Hindi ko naman s'ya magawang tingnan sa sobrang pagkahilo at panghihina. Sa tingin ko'y si Cia or Thalia lang ito.

"Hey! Are you okay?" nag-aalalang boses ang aking narinig.

Wala sa sariling tumango ako habang nakapikit. Narinig ko ang malakas nitong buntong hininga.

Ilang minutong natahimik ang paligid bago ko naramdaman ang yabag ng paa na papalapit sa akin.

"Here!" muling sabi nito. Naramdaman ko rin ang pagpantay ng kanyang katawan sa akin.

Doon pa lang ako nagmulat ng mata. Kahit masakit at nahihilo, pinilit kong tingnan kung sino iyon.

Halos lumuwa ang mata ko at laglag ang panga nang makita kung sino iyon. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa. Para akong pinutulan ng dila at hindi makapagsalita.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong gulat na gulat na nakatulala sa kanya. Kahit na sumasakit ang aking ulo, hindi ko maiwasang mag-isip ng napakarami. Gaya ng...

Bakit s'ya narito sa harap ko? Anong ginagawa n'ya sa banyong 'to?

Wait!....

No!

Hindi...

Hindi 'to maari.

Mali ang iniisip ko.

"Ivanna!" mabilis akong napabalik sa wisyo nang marinig ang tawag n'ya sa 'kin.

Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili kahit pa nag-uumpisa na 'kong kabahan.

Relax Ivanna! Panaginip lang 'to! Panaginip lang lahat ng 'to. Nasa panaginip mo lang s'ya. Kaya gumising ka na.

Unti-unti at kinakabahan kong iminumulat ang mga mata. Sa aking tuluyang pagmulat, para bang gusto ko ng mahimatay dahil bumungad sa akin ang maamo n'yang mukha.

Ilang minuto na naman akong napatulala bago nagsink-in sa akin kung sino ang nasa kaharap.

Uno Vhergarah.

Muli akong napapikit. Umiling-iling ngunit mabilis din na itinigil dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko.

Napa kurap-kurap ako ng ilang beses bago sinubukang tumayo. Isang subok pa lang, nanghina na agad ako. Kung hindi ko lang naramdaman ang kamay na mabilis na humawak sa aking braso at baywang, baka muli akong bumagsak at napaupo sa sahig nitong banyo.

"You're not okay," wika n'ya.

Halos higitin ko ang sarili, makawala lang sa hawak n'ya. Iyon nga lang, mas'yado siyang mabilis kaya hindi ko nagawang kumawala sa kanyang bisig.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon