HCML 15

583 15 1
                                    

Chapter 15

Gaya ng aking mga nakaraang bakasyon, ginugol ko iyon sa pagtatrabaho para makaipon ng pera at may maipanggastos na rin sa pasukan.

Nang malaman nina Aleece na nakabalik na ako, madalas silang mag-aya na gumala kung saan saan. But then, I often refused their offer. Hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil nagtitipid ako. Alam kong hindi naman nila ako hahayaang magbayad subalit hindi naman maaring palaging ganoon.

Para sa araw na ito, nasa apartment ko ang tatlo. Wala akong kaide-ideyang pupunta sila rito. Nagulat na lang ako nang may biglang kumatok sa pinto at nang pagbuksan ko, ang maaliwalas na mukha nina Aleece, Natalia at Rikka ang bumungad sa akin. 

"Hi!" tila batang wika ni Natalia. Kumaway pa siya.

"Good Morning!" masigla naman bati noong dalawa.

Hindi pa man ganoon nakaka recover sa pagdating nila, sabay sabay nilang itinulak ng bahagya ang pinto upang mas lumaki ang pagkakabukas nito. Suno sunod silang pumasok samantalang ako'y nanatili pang nakahawak sa door knob, hindi makapaniwala na narito sila ngayon.

"Uhm... B-bakit kayo naparito?" medyo alinlangan ko pang tanong dahil baka  mamis-understood nila.

"Ikaw kasi... madalas ay hindi ka napayag sa pag-aaya namin," tila nagtatampong wika ni Natalia. Humalukipkip pa s'ya at pairap akong iniwasan ng tingin.

"Ano kasi..."

"Busy?" putol sa akin ni Rikka. "Naku, Ivanna! Don't us!"

"Yap. 'Di na tatalab sa'min 'yang gan'an mong excuse," si Aleece naman ngayon.

"That's why we're here in your apartment. Naisip kasi namin na if you cannot come with us, kami na lang ang pupunta sa'yo," Natalia smiled and winked.

"And we have some food we bought for you. For us," Rikka said.

"Charan!" wika ni Natalia at ipinakita pa nila ang kanilang mga dala.

Nagulat ako nang makitang ilang supot iyon na punong puno ng kung anu-ano.

"Hindi na sana kayo nag-abala pa,"  wika ko nang magsimula na si Rikka at Aleece na ilabas at ayusin ang mga nasa supot.

"It's okay!" si Rikka.

"Hmm... you don't have television, refrigerator or other appliances," wala sa sariling wika ni Natalia matapos ang ilang minutong siguro'y pagmamasid-masid.

I looked at her and saw how she looked around just to see the whole apartment. Hindi ako sumagot at pinagmasdan na lang siyang magpatuloy sa paglilibot ng mata.

"You know..." pinutol niya ang sasabihin at bumaling sa akin. "Why don't you move to our condo na lang so that you don't need to pay na for the rent. It's less gastos din for you," she suggested while smiling.

"Oo nga 'no! Bakit hindi ko naisip 'yon?! Lipat ka na sa condo," tumatawang sabi ni Rikka na tila ba kay dali lang noon.

I looked at them. Umiling at huminga ng malalim. Hinding hindi ako lilipat at makiki siksik sa kanila para lamang doon. Hinding hindi ko gagamitin ang pagkakataon na sila mismo ang nag-i-insist na lumipat ako para lamang iwas gastos. Okay na ako rito.  Maganda at maayos naman ang apartment na ito kahit pa wala ngang appliances. Hindi ko rin naman kailangan iyon kaya bakit pa ako bibili? Tama na itong stove na nandito na noong umupa ako.

"But why?" tila naguguluhan tanong ni Natalia nang makita ang pag-iling ko.

"Thalia, Rikka, salamat na lang pero okay na ako rito."

"But it's so boring here!" hindi na napigilang isatinig ni Natalia iyon.

Parehas kaming natawa ni Aleece dahil sa way ng pagkakasabi ni Natalia noon. Frustrated dahil wala man lang mapagkaka abalahan.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon