Chapter 22
Madilim na gabi. Bilog na bilog na buwan na siyang nagbibigay liwanag sa matataas na damong sumasayaw sa saliw ng malamig na ihip ng hangin. May isang babaeng tumatakbo sa gitna nito. Takot na takot at tila ba hinahabol ng kung sino.
"Tulong!" sigaw ko habang tumatakbo.
Para akong bata na nadapa at nawawala sa gitna ng damuhan.
"Tulong! Tulungan n'yo ako! Mama!" nagmamakaawa kong sigaw habang nakadagan sa akin ang isang nakakakilabot na lalaki.
"Pakawalan nyo po ako! Parang awa nyo na po!" patuloy ko pa rin na sigaw at nagpupumiglas habang inilalapit nito ang mukha sa akin.
Parang tambol na pinapalo ng malakas ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito.
"Lumayo ka sakin. Bitawan mo 'ko!" nanghihina kong wika at pinipilit na makabangon sa pagkakahiga sa lupa. Iniiwas ko rin ang katawan at mukha.
Napatingin ako sa kanyang mata na may pinagsamang nag-aalab na galit at pagnanasa. Malaki ang ngisi at alam mong may gagawin na hindi tama.
Hinawakan n'ya ng mahigpit ang magkabilang pisngi ko at pinilit akong tingnan ang nakakatakot niyang mukha.
"Ah! a... " angal ko nang hinigpitan pa lalo nito ang pagkakahawak sa aking mukha.
"Maganda ka. Napakaganda. Kaya hindi kita hahayaang makawala. Hanggat hindi kita... nakukuha! Naiintindihan mo? Akin ka! At hindi ka makakawala," nagtatagis ang ngipin niyang sabi.
Napapikit ako sa sakit na nararamdaman sa pagkakahawak niya sa akin kasabay noon ang pagtulo ng aking luha mula sa aking mata.
Binitawan niya 'ko. Bahagyang umalis sa pagkakadagan sa akin at astang maghuhubad ng pantalon.
Nanlaki ang mata ko at nanginginig ang katawan. Unti-unti akong umaatras.
"Tulong!"
"H-huwag po!" nanginginig at nagmamakaawa ang tinig ko.
"Tulungan nyo po ako. Tulong! Tulong!" sigaw ko.
Hindi s'ya natinag sa mga sigaw ko. Malaki ang ngisi niyang gumapang muli para umibabaw sa akin.
Nagpupumiglas ako at ipinapaling nang ipinapaling sa magkabilang gilid ang aking mukha.
"Akin ka na!" ngisi niya at unti-unting inilapit ang kanyang mukha.
"Huwag!"
"Huwag po!"
"Bitawan mo ako!"
"Huwag po! Bitawan mo ako!" umiiyak kong sigaw sa pagmamakaawa.
"Ate!" sigaw ng kung sino.
Mabilis akong napabangon. Hinihingal at ang lakas ng kalabog ng aking puso dahil sa bangungot.
Iginala ko ang paningin at nakitang nasa isang kulay puting kwarto ako. Tiningnan ko ang katawan at laking gulat ng nakasuot na ako ng hospital gown. May s'wero na rin na nakakabit sa akin.
Ramdam ko ang kamay ng kung sino na nakahawak sa aking braso at ang isa'y nasa aking likod. Hinahaplos iyon na tila ba pinakakalma ako.
I looked at that person and when I saw that it was... Mara, mabilis ko s'yang niyakap at doon bahagyang umiyak.
"Ate!" mahinahon n'yang bulong at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa akin.
Hindi ako umimik at umiyak lang sa kanya. Nag-uumpisa na rin akong manginig dahil sariwa pa sa akin ang nangyari. Ang lahat.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
Storie d'amoreVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...