HCML 3

752 11 0
                                    

Chapter 3

Pagpasok pa lang namin doon sa room, iyon na naman ang mga matang kung makatingin, parang may kakaiba sa amin.

Inilibot ko ang aking paningin at naghanap ng upuan na malapit sa may bintana. Nang makakita ako, mabilis akong nagtungo roon saka naupo.

Gustong-gusto ko talagang pwesto lalo na school iyong malapit o 'di kaya'y katabi ng bintana. Sabi nila, nakaka distract daw iyon lalo na pag discussion ngunit para sa akin, nakakarelax iyon lalo na kapag nag-iisip ako. Hindi naman kita ang labas nito dahil may kurtina at aircon ang room pero gusto ko pa rin.

Hindi ko na namalayan na sumunod pala sa akin sina Aleece. Nakita ko na lang itong nakaupo na sa tabing upuan ko. Tumingin ako sa aking likod at nakitang naroon nakaupo sina Alexander. Katapat niya si Aleece at gaya ko, sa tabi ng bintana iyong Uno.

Muli kong ibinalik ang tingin sa unahan at hindi nagtagal, dumating na rin iyong professor namin.

"Good afternoon! I'm Mrs. Mariano and since today is our first meeting, I'm not going to discuss. So, what we are going to do now is introduce yourself," malumanay na sabi nito.

Nakarinig man ako ng mga reaksyon, mabilis rin iyong nawala.

"May ganito pa rin pala sa college," mahinang bulong ni Aleece.

Nag-start ang introduce yourself. Ang sasabihin mo lang is your name, age and nickname para raw mas makilala niya kami pati na rin ng mga kaklase namin sa subject na ito. Philosophy Analysis ang subject namin sa kanya.

Nang si Rica na ang mag-i-introduce, tumayo na ito. Hindi naman kailangan pumunta pa sa unahan. Tatayo ka lang then introduce. Kahit na ganoon, kinakabahan pa rin ako.

"I'm Rikka Maia Cassondra Vhergarah. 17. Call me Rikka," may pagka mataray na sabi niya.

"Natalia Michayla Vhergarah. 17. You can guys call me Natalia," may pagka maarteng pakilala ni Natalia. Natural lang naman iyon dahil mukhang ganoon talaga siya magsalita.

Vhergarah? Hindi naman sila mukhang magkapatid. Magpinsan kaya? Parang may similarities sila. Hindi ko lang matukoy kung ano.

"Aleece Sofija Evangelista. 17. Aleece for short," sabay upo muli nito.

Ako na!

Halos nanginginig ako. I took a deep breath, calmed myself to vanished the nervousness that I felt before I stood up. I smiled a bit.

"I'm Maria Hanah Ivanna Fuentes. 16. Ivanna." kinakabahan kong pagpapakilala sa sarili.

Tumango si Mrs. Mariano hudyat na okay na iyon. Mabilis ngunit nanlalamig akong naupong muli. Malakas ang tibok ng puso ko kahit wala naman talagang nakaka kaba roon.

May ilang kaklase pa akong nagpakilala bago ko narinig na magpakilala iyong dalawa. Nakatingin na ang lahat kay Alexander nang tumayo ito.

"Alexander Zandro Vhergarah. 18. Alexander," seryosong pakilala niya. 

"Juan Carlos Sebastian Vhergarah. 17." I stopped a bit when I heard the cold yet gentle voice from my back. It was the first time I heard his voice.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ko nang marinig ang boses na iyon. Siguro'y dahil nagulat ako sa paraan ng kanyang pagka kasabi at the same time, nailang din. Kahit hindi ko tingnan, ramdam kong nasa likod ng upuan ko lang siya. Hindi na rin ako nagtangka pang tumingin sa kanya. Itinuon ko na lang sa aming professor ang aking paningin.

Isa pa, gusto ko na rin malaman kung magpipinsan nga ba sila? Nakakahiya naman magtanong.

"Sebastian is your middle?" tanong ni Mrs. Mariano sa kanya.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon