Chapter 18
Para kaming pinag bagsakan ng langit nang sinabi ni Mr. Almacen na mapapaaga ang pagpapasa ng activity na kanyang pinagagawa.
Imbes kasi na sa next next week pa ang pasahan noon, m-in-ove niya ito next week, which is Tuesday. Next next week daw kasi ay Intrams na at sa Wednesday, Thursday at Friday naman next week ay Exam.
Friday na ngayon at sa Tuesday na ang pasahan. Ibig sabihin, may ilang araw na lang kami para magtapos noon.
Hindi naman ako ganoon namomoblema sa amin dahil may nasimulan na kami at kaunti na lang ang idagdag at tapos na iyon.
Kailangan namin matapos iyon bago maglunes dahil baka may pa-quiz pa ang ibang subjects bago mag-exam.
"Sir, pwedeng hanggang next friday?" hirit ng isa kong kaklase.
"Hindi!" mabilis at may pinalidad na sagot ni Sir Almacen. Halos manlumo kami nang marinig iyon.
"Bakit? Huwag n'yong sabihin na wala pa kayong mga nasisimulan," medyo galit na niyang wika. "Remember that... that is not only an activity. Your grade on that will also serve as one-half of your prelims," paliwanag nito na ikinagulat namin.
Akala ko ba... one-fourth lang?
"Sir, sabi n'yo po one-fourth lang," saad ng isa ko pang kaklase.
Umiling ang aming professor.
"No. I made it one-half of your score in prelims ay manggagaling dyan sa pinapagawa ko para kaunti na lang ang re-review-hin n'yo sa akin." He explained.
Ang iba, sumang-ayon sa sinabi ni Sir pero may ibang tila ba mas malaking problema iyon. Katulad na lang ni Natalia na kanina pa mahinang nagrereklamo.
"Oh my gosh! Ang dami-dami no'n then sa Tuesday na ang pasahan!" halos mag-isang linya na ang maganda n'yang kilay sa inis. "Ang haba no'n," inis pa rin niyang dugtong.
"Bakit? Wala pa ba kayong nagagawa at ganyan ka kung maka react?" tanong ni Rikka.
"Meron naman pero konti pa lang," nakasimangot na tugon niya
Nginiwian naman s'ya ng pinsan.
"Nakailang page na kayo?" si Aleece naman ang nagtanong.
"Two!" walang gana niyang sagot.
"What?" gulantang na tanong ni Rikka Tito. "Bakit dalawa lang? Ang haba ng oras last time!" may pagkainis niyang wika sa pinsan.
"Sa dalawang page lang nakaya namin!" irap ni Natalia at napanguso.
"Bahala ka!" tanging sagot ni Rikka sa kanya.
Nginiwian naman s'ya ni Natalia at bumulong-bulong ng kung ano. Nagkatinginan kami ni Aleece at sabay na napailing.
"Patapos na rin ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa! Pero nadagdagan na naman kahit papano." Sabay mahinang tawa niyo kaya lumitaw ang kanyang dimple na lalong nakapagpa dagdag sa kanyang ganda.
Nang matapos lahat ng klase ko, kinausap muna 'ko ni Uno bago ako dumiretso ng dance studio kung saan nadatnan kong magsisimula na ang practice. Mabuti na lang at wala akong trabaho ngayon kaya walang problema kahit gabihin ako sa practice.
Iyon nga ang nangyari. Dahil magiging busy na next week dahil ng exam. At Intrams na sa next next week kung saan namin ito ipe-perform.
Mabilis akong napaupo sa hingal at pagod para sa huling practice namin ngayong araw. Nagsisimula ng magpalit at magligpit ang iba pa naming kasama habang ako'y pawisan at hinihingal pang nakaupo sa sahig nitong dance studio.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...