Chapter 43
Sebastian caressed my hair after I said our baby’s full name. Tumingala ako sa kanya at ngumiti. Dra. gave us more minutes to take care of Clae. Titig na titig tuloy ako sa anak ko, hindi maalis ang paningin sa kanya.
His eyes were closed, which made his eyelashes become more visible. Kahit sanggol pa lang, halatang-halata na ang itim na itim at mahaba nitong pilikmata. Ang kanyang kilay ay nasa tamang ayos na rin, manang-mana sa ama. At higit sa lahat, tama si Mama. Maganda ang pagkakaukit ng kanyang ilong, lalaking-lalaki. Pati ang kanyang labi, natural ang pagka-pink at nasa tamang sukat.
And just by one look, habang lumalaki ang anak ko, I couldn't deny the fact that Sebastian is the father of my child. Kahit ata saang anggulo tingnan, kahawig na kahawig niya si Clae lalo na noong bata. I wonder kung ano ang nakuha ng anak ko sa akin? Hindi ko naman masabing ang kaputian niya dahil pareho kaming maputi ni Uno, mas angat nga lang ang puti ko.
Ilang araw akong nag stay sa hospital at kahit gusto ko ng umuwi, hindi ako pinayagan dahil mas gusto nilang i-monitor ako at si Clae sa hospital kaya nagpaubaya na lang ako. Nang makalabas naman, sa bahay nila Sebastian kami dumiretso sa Makati.
Hindi na ako umangal dahil mas mabuti na iyon at may makakasama kami ni Clae kapag wala si Uno. Kapag kasi sa condo nila kami umuwi halos buong araw walang tao roon bukod sa aming mag-ina dahil mga nagtatrabaho na o ‘di kaya ay nag-aaral. Mas mabuti na rin na rito kami para mas malapit sa kumpanya nila at hindi hassle kay Sebastian.
Their house in Urdaneta Village in Makati was huge, classic and modern. Unang tingin pa lang, mamangha ka na kaagad sa ganda nito. Mas malawak pa rin ang mansion nila sa Batangas subalit itong bahay nila Sebastian ay hindi rin magpapahuli. Para na naman akong nasa isang mansion nang unang masilayan at makapasok. Mas modern nga lang ang design ng bahay na ito compared sa Hacienda Vhergarah na may Spanish vibes. White and gold lang din ang kombinasyon ng kulay na makikita rito.
Gate pa lang ng bahay nila, malaki at mahaba na. Kulay puti iyon na hindi kita ang loob. Pagpasok naman ay ang kanilang garage at may guard din na nagbabantay. May driveway din paakyat hanggang sa maganda nilang main door. It was a three-storey house surrounded with glass walls and doors. Sa harap ay ang nakakaakit nilang rectangular na swimming pool with sun loungers, umbrella and couches.
Pagpasok naman sa engrade nilang pinto, parang nakakatakot hawakan ang bawat bagay na naroon dahil kumikinang ang mga iyon sa linis at mahal ng presyo. May engrade silang hagdanan kung saan may nakalatag na mamahaling carpet.
Ang kanilang living room ay nakakatakot upuan dahil napapalibutan ng mamahaling furnitures. Malalaki ang vase na nakatayo at may mga fresh na halaman. May mga painting din na nakadikit sa wall kung saan gawa ng mga sikat na artist at ang iba pa raw ay mula sa auctions.
Pa-curved ang kanilang sofa na kulay puti at ginto. Puting carpet din ang pinagpapatungan ng glass na coffee table at ang mga paa nito ay kulay ginto rin. And what caught my attention in their living room was their Gold crystal chandelier. Talagang nakaka hipnotismo iyon sa ganda. Like I said, their living room was also surrounded with glass walls where you can clearly see their pool. Napatigil ako nang makita ang isang malaking picture frame nilang tatlo rito sa living room.
Sebastian’s mother was in the middle. Si Uno ang nasa kanan ng ina at si Mr. Sebastian ang nasa kaliwa. Mayroon pa akong picture na nakita. Ang batang-bata na si Sebastian. Hindi rin siya nakangiti sa camera at halatang-halata ang pagiging seryoso at suplado sa makapal na kilay, malalim na mata at tikom ngunit namumulang labi.
Iniisip ko tuloy na hindi malayong ganito ang kagwapo ang itsura ng anak ko. Ngayon pa lang, I can say that he’s really a carbon copy of his father. Sana lang ay hindi niya makuha ang pagiging suplado ni Uno.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...