Chapter 38
Parehas na kaming nakaupong dalawa. Tahimik ako at iniisip ang mga sinabi niya habang siya, nakasandal ang likod sa upuan at mataman akong tinititigan.
Bumuntong hininga ako at hindi mawala sa isip ang sinabi niya kanina. Fours years? Totoo ba iyon?
“Sebastian…” tawag ko at bumaling sa kanya.
Hindi siya umimik at bahagya lang na inanggulo ang ulo bago nagtaas ng kilay. I sighed again and closed my eyes, ayaw ko na sana ‘tong tanungin ngunit mukhang hindi ako mapapakali kapag hindi ko nalaman ang ibig niyang sabihin.
“Anong ibig mong sabihin sa apat na taon?”
His eyes narrowed as he stared at me more. Medyo kinabahan ako nang makitang seryoso na naman ang itsura niya.
“What do you think?” balik tanong niya dahilan para muli akong mapabuntong hininga.
“M-may g-gusto ka na sa akin… n-noon pa?” halata ang kaba sa boses ko.
He chuckled reason why I pouted. Nag-iwas ako ng tingin at hindi na siya kayang tingnan, nahiya sa sinabi dahil pakiramdam ko, mas'yado kong na-misinterpret ang sinabi niya. Iyon naman kasi ang dating sa akin ng sinabi niya. Na gusto na niya ako simula first year pa.
“Hmm…”
Sumulyap ako sa kanya at nakitang malayo ang tingin niya. Bago pa niya maibalik ang tingin sa akin, nag-iwas na agad ako. Takot na magtama ang mata naming dalawa.
“Let's just say that you caught my attention the first time I saw you,” aniya.
My eyes widened in surprise. Lalo na nang may maalala at mapagtanto. Kaya ba? Kaya ba ganoon niya ako tingnan noong unang araw ng pasukan? Pero kung nakuha ko ang atensyon niya, bakit ang cold ng tingin niya sa akin noon?
“First day of class?” wala sa sarili kong naisatinig at napatingin na sa kanya.
He didn’t utter any word and just shrugged. Mas lalo lang tuloy akong naguluhan kaya lang, hindi na niya sinagot ang tanong ko. Nanatili pa kami roon ng mahigit isang oras bago niya ako niyayang umuwi na.
“I’m courting you now,” bigla niyang sabi habang nagdadrive.
Mabilis naman akong napaayos ng upo at tumingin sa kanya, nag-iwas din ng tingin nang maramdaman ang pamumula ng mukha dahil sa narinig. Hindi pa naman ako umo-oo or pumapayag ngunit kailangan pa ba niya iyon? Mukhang determinado na siya sa sinabi at walang makakapigil doon.
I saw his reflection on the window; he glanced at me before he shook his head and smirked while my face heated more.
Napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ang malamig na kung ano sa aking tyan. Mabilis akong napabaling doon at nakitang nilalagyan na ni Dra. Gina ng ultrasound gel ang tiyan ko. Mabilis ko naman nakagat ang labi at bahagyang nailing nang umangat ang paningin ko sa taong nakatayo sa dulo ng kama.
Sebastian’s eyes were watching everything what Dra. Gina is doing on my tummy. Seryoso ang mukha niya ngunit hindi maitatanggi ang mangha sa kanyang mga mata. Para siyang hindi makapaniwala at mangha sa nakikita lalo na nang lumipat sa may monitor ang kanyang tingin.
My eyes immediately drifted to the TV screen in front of the bed. Unti-unting kumislap ang mata ko at tila hinehele ang puso habang tinitingnan sa kauna-unahang pagkakataon ang anak ko sa loob ng aking sinapupunan.
“Let’s see how your baby is lying today,” Dra Gina said in a soft voice.
Tumango ako at malakas ang kabog ng dibdib sa excite na nadarama. Muli, unti-unti kong naramdaman ang paggalaw ng ultrasound transducer paikot sa aking tyan habang ang mata ko’y tila nakadikit na sa monitor.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...