Chapter 40
Nanatili pa ako sa living room ng ilang minuto bago napagdesisyonan na umakyat ng kwarto. I used the elevator since it was on the third floor. Hindi ko na kayang umakyat sa napakahaba at taas nilang hagdan patungong second floor. Pagkatapos, may ikatlong palapag pa kung nasaan ang mga kwarto nilang magpipinsan.
Lumabas akong elevator sa ikatlong palapag. Nanatili akong nakatayo at napabuntong hininga nang mapagtantong hindi ko alam kung nasaan ang kwarto ni Sebastian. Ang daming pinto at hindi ko alam kung saan ba dapat ako pumasok.
Muli akong napabaling sa may elevator nang bumukas iyon, may isang babae ang lumabas mula roon, may dala siyang puting kumot ata iyon. Hindi ako sigurado.
“Uhm… excuse me po!” pigil ko at ngumiti bago pa siya tuluyang makalagpas sa akin.
Natigil siya sa paglalakad nang hawakan ko ang kanyang braso. She looks young. Mas maliit siya sa akin, may kayumangging balat, maganda ang pagkakakulot ng kanyang buhok at higit sa lahat, mabait ang itsura ng kanyang mukha.
Ngumiti siya pabalik bago nagsalita. “Ano po iyon Ma’am?” magalang ang pagkakasabi niya.
“Tatanong ko lang sana kung saan ang kwarto ni Sebastian… ni Uno?” paglilinaw ko para hindi na maguluhan.
Wala kasing tumatawag na Sebastian kay Uno dahil ang ama nito ang tinatawag nila sa pangalan na iyon. Ako lang ang tinatawag siya sa pangatlo niyang pangalan.
“Halika Ma’am, hatid na po kita!” aniya at iginiya ako sa isang hindi kalayuan na pintuan.
Pareho kaming tumigil sa kulay puting pinto. Lumapit siya sa pinto at ch-in-eck iyon kung naka-lock ba, nang marinig namin na tumunog hudyat na bukas, mabilis siyang tumingin sa akin at ngumiti.
“Pasok na kayo, Ma’am!” aniya.
Ngumiti ako at tumango. Nahihiya sa tawag niya.
“Salamat,” ulit ko bago niya ako iniwan.
I went inside Sebastian’s room. It was dark since all lights are off. Binuksan ko ang switch ng ilaw na nasa gilid ng pinto at ganoon na lang ang gulat nang makita ang kabuuan. His room is huge and clean. Unang tingin mo pa lang, halatang lalaki ang may-ari dahil kombinasyon ng white at black ang makikita.
May malaking chandelier na nakasabit sa kisame, nasa gitnang bahagi ang malaking kama na kulay puti ang mga pillow, comforter at mattress samantalang kulay itim naman ang pinaka lalagyan ng kama. There is a carpet around the bed and on the footboard, there is a black velvet ottoman bench. Sa harap noon ay may malaking television with cabinet. There is also a side table with lampshade beside the bed. May malaking itim na kurtina rin sa malayong gilid ng kama na ngayon ay kaharap ko dahil nakatayo pa rin ako malapit sa pinto. Hindi ko na rin inusisa pa ang ibang bagay na narito.
Hinanap ko kaagad ang aking mga gamit subalit wala akong nakita. Ang tanging nakakuha ng atensyon ko, ang isang kulay puting pinto malapit sa may TV. Hindi ko na sana iyon bubuksan dahil buong akala ko banyo lang iyon pero nang hindi ko mahanap ang gamit, bumuntong hininga ako at nagdesisyon na i-check iyon. My eyes widened when I saw that it was a bathroom and walk-in closet with some clothes of Sebastian. Mas lalo pa akong nagulat nang makitang nakaayos na rin ang mga gamit ko roon.
Wala naman akong balak na rito matulog sa kwarto ni Uno pero mukhang iyon ang mangyayari. Nagpunta lang ako rito dahil sabi niya, nasa kwarto niya ang mga gamit ko.
Mahina akong bumuntong hininga at lumabas na roon nang makita ang hinahanap. Nang muli ko naman makita ang kama, para akong inaakit nito na humiga. I went to his bed and lay down. Humikab ako at may nakitang isang libro kaya iyon ang pinagtuunan ko ng pansin hanggang sa hindi ko namalayan na hinila na pala ako ng antok.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...