Chapter 46
Nailapag ko ang kaliwang braso sa kanyang balikat at ang isa, naihawak sa kanyang kaliwang braso para sa suporta.
My heartbeat accelerated as I felt his soft lips against mine. Amidst his kisses, the corner of his lips curls up.
"Open your mouth," he murmurs flaccidly against my lips.
Nagtaasan ang bawat maliliit kong balahibo sa katawan at tila may kung anong kumikiliti sa aking tiyan nang sabihin niya iyon.
Hindi ako nagsalita. Nanatiling bahagyang nakapikit, wala sa sarili ko s'yang sinunod. Marahan kong binuka ang bibig at hindi pa iyon tuluyang nakabukas, agad na niya akong inatake ng halik.
Gumapang ang kanyang kaliwang kamay mula sa aking likod patungo sa aking batok. He held my nape gently and firmly so he could kiss me better. Ang isa niyang kamay, matikas na nakapirmi sa aking likod bilang suporta.
His tongue travels all over inside my mouth. He tastes every bit of it. Pakiramdam ko'y wala s'yang pinapalagpas na bahagi. Mas tumindi ang tibok ng puso ko. Nanatili akong nakapikit habang patuloy niyang inaangkin ang aking labi.
Slowly, I learn the way he kisses me; the way his tongue moves inside my mouth as his lips claim mine. Marahan iyon subalit mapang-angkin. Nang sinubukan kong tugunan ang kanyang halik, halos mabigo ako nang tumigil siya.
Iniwan niyang nakaawang ng bahagya ang labi ko at malakas ang pintig ng puso. Tinikom ko kaagad iyon nang makitang titig na titig siya sa akin. He stares at me, eyes a bit wide and amused.
Nag-akyatan ang dugo ko pataas, pakiramdam ko'y para akong kamatis sa sobrang pula at hiya na nararamdaman.
May mali ba akong nagawa? Bakit siya tumigil? Ayaw niya ba ng halik ko?
Bumagsak ang aking paningin sa kamay kong nakapahinga sa kanyang braso. Hindi na siya kayang tingnan. Nagsisimula na rin tumakbo ang isip ko sa kung ano-anong bagay.
Ayaw n'ya ba akong humalik? Alam kong hindi ako marunong. Hindi ako magaling katulad niya subalit kaya ko naman pag-aralan iyon. Did I disappoint him?
Bahagya akong ngumuso at may kirot na naramdaman sa aking dibdib habang patuloy na naglalakbay ang isip sa mga tanong. Nawala nga lang iyon nang muling maramdaman ang lambot ng labi niya sa akin.
Mabilis akong napatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi para sa isang ngisi at mata niyang kumikislap sa tuwa habang nakatingin sa akin. Muli niya akong pinatakan ng isang mapanuyang halik. Kumunot ang noo ko subalit nagpatuloy siya sa pagbibigay ng marahan na halik sa akin. Tila pagkain na unti-unting niyang tinitikman.
"Sebastian!" pagalit dapat iyon ngunit naging malambing ang tono ko sa hindi malaman na dahilan.
"Hmm…" he responds, his voice was entrancing and there's a hint of a smile playing on his lips.
Napanguso ako. He leans forward again and plants a swift, sweet kiss on my lips. Pakiramdam ko'y pinaglalaruan na lang niya ako.
"Tumigil ka na—"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang muli niyang inatake ang labi ko ng halik. Dahil nagsasalita, agad niyang naangkin iyon. His kisses remain sweet, passionate but possessive.
Ang kamay niyang nasa batok ko kanina, muling gumapang patungo sa aking pisngi. He's holding my face in place. Mas diniin niya ang labi ko sa kanya para mas mahalikan ako ng mas malalim. I clung my arms around his neck as I mirrored the way he kissed me.
Abot-abot ang tahib sa aking dibdib. Sa bawat atake niya ng halik, may kung anong kiliti akong nararamdaman sa aking katawan. Hindi ko alam kung gaano ba katagal iyon subalit nang sabay kaming bumitaw, parehas na kaming kinakapos sa hininga.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...