HCML 11

572 15 1
                                    

Chapter 11


Hindi ko alam kung pinapagaan n'ya ba ang nararamdaman ko o mas lalong mahihiya dahil sa kanyang sinabi. 

Nanatili akong nakaupo at hindi na makatingin sa kanila. Pasimple akong nagpakawala ng mahinang buntong hininga bago tumayo.

Tumingin ako kay Alicia at naabutan na nakamasid sa akin.

"A-akyat lang ako!" paalam ko sa kanya dahil hindi ko magawang tingnan ang iba.

"Ha? Hintayin mo na lang sila rito! I'm sure pababa na ang mga 'yon. And huwag ka mailang. Okay lang 'yang suot mo. I assure you," she smiled.

Gusto ko man ngunit hindi na talaga ako mapalagay sa suot ko. Lalo na't ako lang ang nakaganito.

Wala naman mali sa suot ko. Pero hindi ko alam kung bakit naiilang ako?!

Tatalikod na sana ako nang marinig ang masiglang bati ni Natalia sa lahat.

"Good morning!" kitang-kita ang dimple niya sa magkabilang pisngi at ngiting-ngiti rin itong umakbay sa akin.

"What happened to you?" nagtatakang tanong niya nang makita ang aking mukha.

"See! I told you, Ivanna, hindi ka na dapat naiilang," si Kuya Justin iyon.

"Bakit?" si Rikka at ramdam kong palapit s'ya sa akin.

"Ah! Pasensya na at conservative lang itong kaibigan namin," si Aleece sabay tawa.

Mas lalo akong nahiya sa kanyang sinabi.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo nang muli. Sa aking kaliwa, katabi ko si Aleece na katapat si CJ. Katabi naman ni Aleece si Ate Rafaella. Sa kanan ko naman si Natalia. Katabi niya si Rikka.

Tahimik kaming kumain ng agahan. Minsan, nag-uusap usap ang boys at nakikisali ang girls. Samantalang ako'y minabuting manahimik na lang.

"What time are we going to school?" si Natalia pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

"After this and after n'yong mag-ayos." Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Uno sa mababa ngunit seryosong boses.

Hindi na nagsalita si Natalia at tumango lang. After namin matapos ang pagkain, nagtungo muli kaming apat sa kwarto. Nanatili naman ang iba sa living room at doon nanonood ng movie o 'di kaya, naglalaro.

Habang abalang nag-aayos ang aking mga kasama, naglakas loob akong magsalita.

"Natalia, Rikka, Aleece..." umpisa ko. Napatigil sila sa ginagawa at buong atensyon nila ang ibinigay sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan na magpaalam dahil bahagyang nagtaas ng kilay si Natalia. Medyo nakakunot ang noo ni Rikka at nag-aabang ang mga mata ni Aleece sa aking sasabihin.

"Uhm..." wala akong mahanap na tamang salita.

"You don't have clothes?" si Aleece.

Ngumiti ako at mabilis na umiling.

"Ano kasi..."

Mas lalo akong kinabahan nang dalawang kilay na ni Natalia ang nakataas. Paano ko sasabihin na uuwi na ako?!

Huminga ako ng malalim at mabilis na pinakawalan bago tumingin sa kanila ng diretso.

"Uuwi na ako!" straight to the point kong sabi.

Mas lalong nangunot ang noo ni Rikka. Nagsalubong ang kilay ni Natalia at gulat ang itsura ni Aleece.

"Hindi ka mag-e-enroll?" sabay-sabay nilang tanong.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon