Chapter 19
Pabagsak akong naupo sa malawak na sahig nitong dance studio. Natapos ang isa sa mga linggo na ayaw ng mga estudyante. Ang exam week.
Kaya ngayon, abala naman kami sa pagpa practice ng sayaw dahil bukas na ang simula ng Intrams.
"Five minutes break," sigaw ng pumalit kay Ate Rafaella bilang leader.
Mabilis akong nagtungo sa aking bag para kumuha ng towel at uminom ng tubig.
Makalipas ang ilang minuto, muli kaming bumalik sa pagpapractice ng sayaw.
Alas syete ng gabi nang matapos kami. Sabay-sabay kaming lumabas at nagpaalam na ako sa dalawa, Natalia at Aleece, nang lumiko na 'ko patungong gate.
Pinipilit pa nila 'kong sumabay sa kanila pero tumanggi ako. Lumipat na kasi ako ng apartment dahil ilang buwan akong hindi nakabayad ng upa. Nakiusap akong gagawa ng paraan para makabayad subalit dahil may gustong umupa roon at wala ng bakante, kaya pinaalis ako ng may-ari.
Wala akong magawa dahil may ilang buwan pa 'kong utang at baka maipa-barangay pa 'ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ng mga panahong iyon. Naisip kong umuwi ng Batangas at tawagan si Ara pero in the end, hindi ko ginawa dahil may pasok ako kinabukasan. Ayaw ko rin mag-alala s'ya at natatakot akong pag-umuwi ako, siguradong paalisin lang ulit ni Tiyo. Mas lalong magagalit si Mama sa akin at sasabihin kung gaano kamali ang desisyon kong magpumilit na pumasok ng kolehiyo.
Gabing-gabi, narito pa rin ako sa kalsada, nilalakasan ang loob at hindi alam kung saan tutungo.
Mabuti naman at wala akong masyadong gamit. Gusto ko ng tawagan sina Rikka at Natalia subalit naisip kong masyado ng gabi at natutulog na ang mga iyon. Isa pa, makakaabala lang ako sa kanila.
Umiihip ang panggabing hangin, tahimik ang paligid at umiingay lang sa paisa-isang sasakyan na dumadaan. Hindi man ganoon kadilim dahil sa mga street light, subalit hindi iyon sapat para hindi ako makaramdam ng panginginig at takot.
Wala na ni isang taong naglalakad bukod sa akin. At halos atakihin ako sa puso nang tumunog ang cellphone ko.
Sa nanginginig na kamay at kumakabog na puso, hindi ko alam kung paano ko iyon nasagot.
"Ivanna!" bungad ni Aleece sa kabilang linya.
"A-a... l-leece!" nanginginig ang boses ko nang sagutin iyon.
"Ivanna! Ivanna what's happening? What's wrong?" natataranta na ang boses niya.
"Aleece..." bumigay na 'ko at humagulgol dahil hindi ko na alam ang gagawin.
And that moment... sobra-sobra ang pasasalamat ko kay Aleece at sa pamilya niya.
"Jusko! Mabuti na lang at natawagan ka nitong si Aleece!" bungad ng napakagandang asawa ng gobernador ng Batangas at ina ni Aleece nang makarating kami. Nakasuot na siya ng nightgown at tila ba handa na sa pagtulog. "Nanginginig ka, hija!" may pag-aalala sa tono ni Mrs. Evangelista nang sabihin niya iyon.
Nagtawag s'ya ng isang kasambahay para mabigyan ako ng isang roba. Mabilis niya iyong pinulupot sa akin.
At nang gabing iyon, sobrang hiyang-hiya ako kay Governor at sa Misis nito ng bukal sa loob nila akong pinatuloy sa kanilang bahay.
Sobra-sobra ang pasasalamat ko kay Aleece at simula noon, nawala ang pader at distansya na matagal ng nakatayo para sa akin at para sa ibang tao.
And she's the first person na hinayaan kong makaalam sa kung ano ba ang kwento ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...