Chapter 53

406 18 1
                                    


[Destiny's POV]

"Sa tingin mo? bakit nagkaroon ng pangit sa earth?" napakunot yung noo ko sa tanong ni Abcd, pauwi na kami galing kila Jap. Nasa kotse ako ngayon ni Abcd, kaming dalawa lang.


"Huh? Pakielam ko naman sa pangit sa earth?" sagot ko nalang. Bakit naman biglang naopen yung topic sa mga pangit?


"Tss. Dapat nga magpasalamat ka e, atleast nasa earth ka." Mas lalong napakunot yung noo ko. Ano daw? Hindi ko magets. >----<


Pinaghahampas ko naman sya bigla nung nagets ko na yung ibig nyang sabihin. Walangya talaga to. Kung makapagsabi sakin na pangit ako kala mo naman hindi nya ako mahal ngayon. Huh? anong sabi ko? Ayiiie! Mahal nya ako! >///<

~Im like a statue, stuck staring right at you got me fro---~ Binuksan ko agad yung cellphone ko. Bakit ba kasi yun pa yung ginawa kong ringtone? dahan dahan akong napatingin kay Abcd. Nakangisi sya.


"Ganda ng ringtone mo a. Hindi makamove on?" sabi nya habang nakangisi. Tanging "Ah. Hehe" lang ang naisagot ko sa kanya. Bigla kong naalala yung dahilan kung bakit tumugtog yung kantang yun. Binuksan ko ulit yung phone ko at tinignan kung sino yung nagtext.


From: Bryle
Kita tayo sa yellowcab, malapit sa school.


Napatigil ako sa nabasa ko. After five months ngayon lang ulit sya nagtext sakin. Baka naman hindi para sakin to. Wala naman akong load kaya hindi ko sya marereplyan. Baka nga hindi talaga para sakin to.


Pinalitan ko yung audio profile nung cellphone ko. Ni-silent ko nalang ito baka asarin pa ako ng mokong na to e.


From: Bryle
Lovery, maghihintay ako.


Bigla akong kinabahan. Para sakin nga yung text na yun. Pero bakit? para saan naman to? anong paguusapan namin? guguluhin ba nya kami ni Abcd? kung kailan masaya na kaming dalawa.


ang paranoid ko naman pano kung makikipag ayos lang. Pero pano kung hindi?! Huwaaa! Pupuntahan ko kaya sya? Kasi naman e, kawawa naman sya kung maghihintay sya. Oy! Baka naman kung ano anong iniisip nyo, hindi ko na sya mahal at hindi din ako concern sa kanya. ayoko lang na may pinaghihintay ako.


"Hoy. nandito na tayo." napatingin ako kay Abcd. Ano daw sabi nya? ano ba yan hindi ko narinig.


"Ano?"


"Sabi ko nandito na tayo." sabi nya tapos tumuro sa labas ng bintana. Sinundan ko naman yung tinuro nya. Nasa bahay na pala kami. Ano ba yan! Napaka epal naman kasi nitong si Bryle Reyes e. Patext text pa e, ayan tuloy.


"Ah. Hehe. Sige salamat!" sigaw ko at dali daling lumabas ng pintuan. Nauntog pa ako. Ang tanga ko diba? Sasabihin ko ba kay Abcd na pupuntahan ko si Bryle? hala wag na baka magalit pa sya.


Hinintay ko muna na umalis yung kotse nya, tapos agad agad akong sumakay sa kotse ko.


Nasa harap na ako ng Yellow cab. Hindi ko alam kung bababa ba ako o hindi after months ngayon lang kami magkakaharap ng taong minahal ko for almost 11 years. Huminga ako ng malalim at binuksan yung pintuan ng kotse ko.


Pinagbuksan ako ng pinto ng guard. Nagbow naman ako at ngumiti bilang pag galang at way ng pagsabi ng thank you. Naglakad ako at hinanap sya. Nung nakita ko sya biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan talaga ako. Wag kayong mag-isip ng kung ano ano.


Naginhale exhale muna ako bago ako magdecide na lumapit sa kanya. Nakatalikod sya kaya hindi nya pa napapansin yung presence ko. Patingin tingin lang sya sa relo nya.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon