[Destiny's POV]
"Anong Pag-uusapan natin?" Curious kong tanong kay ABCD. Bigla bigla nalang ba namang manghihila. Nagmomoment kaya kami ni Bryle dun.
"D-Destiny" Sabi nya na may halong Kaba. Teka? Bakit naman sya kakabahan? Baka yung sasabihin nya dapat sakin kanina yung dapat nyang sabihin.
"Oh?"
"Look. Ano bang meron ka?" Tanong nya sakin sabay tingin from Head to Toe! OMG?! Dont tell me! BAKLA si ABCD and naiinsecure sya sakin?! Stop stop. OA ko.
"Huh?"
"Maganda ka ba? Tss Pangit mo nga!" Sabi nya sakin. ANG KAPAL! Ako pangit?!
"Hoy! KAPAL MO!" Sabi ko sabay suntok sa Braso nya.
"Aray! Patapusin mo nga ako!" Sabi nya. Nanahimik naman ako. Pag may sinabi pa tong negative iipunin ko tapos pagkatapos nya magsalita Papatayin ko. XD
"Tapos. Sexy ka ba? Payat mo nga. Magaling ka daw sumayaw? Tigasin ka nga. Tapos Matalino ka daw? Tss Oo nalang. Tapos hindi ka pa Mahinhin at para ka pang tomboy kung kumilos. Alam mo ba ang gusto ko sa Babae?" Sabi nya, Agad ko namang sinagot yun.
"Hindi." Sabi ko sabay Flip ng Hair.
"Tss. Gusto ko yung. Maganda, Sexy,Matalino, Talented, Medyo mahinhin at Sweet. Pero ikaw? KABALIKTARAN ka e. Lagi mo akong inaaway. Tss. Pero." Sabi nya. Pabitin! Putspa!
"Pero ano?" Sabi ko sabay taas ng kilay. Pabitin kasi e. Ayaw pang Diretsuhin. Alam ko namang hindi ako Perpekto. Tyaka sinabi ko bang Ipagkumpara nya ako sa IDEAL GIRL nya?
"Pero, Dahil dyan sa Pagiging Maingay, Mapangasar, Amazona, Mantritrip at Makulit. Bigla nalang." Sabi nya. Pabitin ulit sya. Ibitin ko kaya to sa Puno para madala! Naeexcite ako sa sasabihin nya ewan ko kung bakit pero biglang Bumibilis yung tibok nung puso ko.
"Biglang ano?" Tanong ko sa kanya.
"Biglang" Pambitin nya parin.
"Biglang?!!" Medyo inis na sabi ko.
"Nahulog ako." Sabi nya. Huh? Nahulog? Saan? Hahahaha Pag nalaman kong nahulog to sa Canal nako. Pagtatawanan ko talaga to at ipagsisigawan sa lahat.
"HAHAHA San ka naman nahulog? Lampa mo talaga!" Sabi ko habang pinipigil yung tawa ko.
"Sayo." Natahimik naman ako dun. Teka nga? Ito yung mga nababasa ko sa Ebook huh.
"S-sakin?" Takang tanong ko. Kahit meron na akong clue dun sa sinasabi nya. Ganito kasi talaga yung nababasa ko sa Wattpad. Pero syemperds ayoko munang mag Assume.
"Destiny. I know Hindi tayo nagkakaintindihan madalas," Sabi nya sabay kuha ng Isang puting papel na may nakasulat. Binasa nya yun. At tumingin sakin.
"Hindi tayo nagkakasundo sa mga bagay bagay." Sabi nya sabay basa ulit dun sa papel. At habang ginagawa nya yun naiintindihan ko na yung silbi ng Papel na yun. Hahahaha
"HAHAHAHAHAHAHAHA" Pagtawa ko, di ko na kasi mapigilan yung tawa ko. Yung totoo? Nagtatapat ba sya? Pero bakit may binabasa sya?! Di ba nya Memorize?! Hahahaha natatawa talaga ako.
"Bakit ka tumatawa?!" Sabi nya. Base sa Expression nya Halo halo e. Maguguluhan, Naiinis at Nabwibwiset. HAhaha
"Wala sige na Continue. Pffft" Sabi ko habang pinipigilan yung pagtawa ko. Kaya kahit naguguluhan sya kung bakit ako tumatawa, Pinagpatuloy nya nalang yung 'SCRIPTED NA PAGTATAPAT' Nya. "Lagi man tayong nag aaway ang Likes. Pag umuuwi ako sa bahay, Ngingiti nalang ako pag nagflaflashback sakin yung nangyayari pag kasama kita. Hindi ko alam kung bakit. Pero masaya ako kapag kasama kita. Kapag nakikita kita Corny pero totoo to. Bigla nalang may kung anong liwanag yung nasa likod mo. Corny no? Pero yun talaga yung nakikita ko." Sabi nya. Tinignan nya ulit yung Papel Pero this time, Tinago nya na yun. Sumeryoso na din ako kasi nakikita kong seryoso na din sya.
"Isa lang ang masasabi ko. I LIKE YOU. Hindi ko alam kung bakit, Kung paano at kung bakit sayo pa. Uulitin ko, Hindi ka naman Yung IDEAL GIRL ko, Infact ang layo mo nga sa kanya e. Pero ikaw yung Nagustuhan ko." Sabi nya. Tapos ngumiti sakin.
Dug Dug
Dug Dug.Napahawak ako sa Left chest ko ng Palihim. Bakit parang tumatalon to? Anong nangyayari?
"Destiny, Sa Gusto at Gusto mo Liligawan kita." Sabi nya. Speechless parin ako. He Likes me? He likes me? He will court me?
Dug Dug
Dug DugIto na naman yung puso ko. Nakakainis na. Di ko alam kung bakit ang bilis din nito ngayon. Naaawkward ako kay ABCD Di ako sanay na Ganito kami. Yung seryoso at may konting drama. I need to stop this.
"Wow naman. Lalaitin mo muna ako bago ka magtapat. Nice Huh" Sarcastic kong sabi sa kanya. Para naman maging light lang yung Atmosphere. Ang awkward kaya.
"Ganun talaga pogi." Sabi nya. Okay ang hangin na naman nya.
"Oh? Nasan ba pogi? Pano kaya pag sinabi kong ayaw ko? May magagawa ka ba?" Tanong ko sa kanya sabay smirk. Kala nya huh. Matapos nya akong laitin at sabihang Pangit? OMY.
"Sino bang may sabing pwede kang umayaw? Di naman ako nagbigay ng Choices e. Wag ka nga" Sabi nya. Napalunok naman ako dun. Oo nga pala Walang choices.
"Oh? e Bat nagpaalam ka pa?" Tanong ko sa kanya. Wala na akong maisagot sa sinabi nya e.
"Nagpaalam ba ako? Sinabi ko lang sayo. Di ako nagpaalam." Sabi nya. Oo nga no? Tss yoko na ngang magtanong. Nababara lang ako e.
"Okay" Sabi ko nalang. Wala na talaga akong Maipambara e. Ayy wait!
"Teka! Mygad! Magtatapat ka na nga lang Scripted pa." Sabi ko sa kanya. Yeah! May naipangtapat na ako sa kanya. Party! Kala nya huh.
"Anong scripted?" Sabi nya habang nakakunot ang noo.
"Yung papel kanina." Sabi ko habang nakasmirk. Kala nya huh.
"Ano naman ngayon? e sa hindi ko makabisado kasi Occupied mo yung utak ko kagabi at hanggang ngayon?" Sabi nya. Sabi ko nga mananahimik na lang ako.
Dug Dug
Dug DugPssh. Puso tama na. !
"Bat ganun yung itsura mo kanina? Di uso magsuklay?" tanong ko. Diba nga? Ang gulo gulo ng Buhok nya kanina?
"Maayos yun kaninang umaga. Nagulo lang dahil habang nasa kotse ako nagugulo ko dahil di ko nga makabisado yung nasa papel na to." Sabi nya. Napakagat labi lang ako para pigilan yung smile na gustong lumabas mula sa labi ko. Baka sabihin pa nitong mokong na to, Kinikilig ako. Tss pede na.
"Bakit may Eyepacks ka?" Tanong ko sa kanya. Halatang halata parin kasi ngayon yung Eyemaleta nya.
"Hindi nga ako nakatulog kagabi dahil sayo" Sabi nya. Bakit parang ang init ng mukha ko ngayon?!
"Wag kang mamula, Halatang kinikilig ka e." Sabi nya. Awtomatiko namang naglanding yung Kamao ko sa Braso nya.
"Kapal mo din no?!" Sabi ko sa kanya. Kapal e.
"Sinasabi ko lang yung totoo. Sige na Hihigitan ko yang si Bryle." Sabi nya tapos umalis bigla. Hihigitan? OMY! Nanliligaw nga din pala sakin si Bryle! What to do?! Nakakasakit sa Ulo MyGHad!
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.