[Asher's POV]
"Grats." Bati ko sa mga nakakasalubong ko na nakatoga. Finally, nakatapos din. Pero mamimiss ko din naman ang pag aaral at ang school uniform ko. Suma cumlaude. That's my rank. Well, masaya ako. Pero mas masaya ang mga magulang ko. -_- Grumaduate ba naman ako ng Business Management tapos Suma cumlaude pa? Ofcourse matuturn on yung ibat ibang kumpanya sakin.
"Yeahboy! Graduate na ako!" Lumingon ako sa isang direksyon. Nakita ko ang barkada. Ngiting ngiti sila at proud na proud sa sarili nila.
Nagshift shift pa ng course ang mga yan. Mga baliw. -/- Lahat kami graduate na, maliban sa isa. Nakakamiss din pala ang isang yun.
"Nandyan na yung suma oh! Burger burger!" Sigaw ni James kaya nabaling ang tingin nila sakin. Pero ako, sa iisang tao lang ako nakatingin... Sa girlfriend ko.
"Picture!!!" Sigaw nilang lahat. Hinila naman nila ako papalapit sa kanila.
"Opps kulang pa!" Sigaw ni Heart. Ang hilig nilang sumigaw. Nakakairita.
"Destiny!" Sigaw ni Brent. Hindi pa naman kami totally okay. Nagulat nga ako kasi tinawag sya ni Brent. At alam kong nag aalinlangan din si Brent sa ginawa nya.
Lumapit samin si Destiny.
"Game na, aalis pa ako." Cold na sabi nya. Hindi naman ganun kacold pero wala syang emosyon. Pinagtabi nila kaming dalawa.
"One...two...three... Peace!" Sigaw nila. Ang hilig talaga nilang sumigaw. Para silang mga bata na nag una unahan sa pagkuha nung DSLR ni Joseph, photography kasi yung kinuha ni Joseph.
"Ganda ko dito oh!"- Heart
"Yung Abs ko bakat!" -Jap
"Kapal!"-Max
"Ang pogi ko oh!" -James
"May dyosa na naman sa screen."- Zab
"Kapal mo Ex!" -Brent
"Muling ibalik!" -Warren
Oo, break na sila ni Brent. Nagulat na nga lang kami nung nalaman namin na break na sila. Nung nalaman namin, isang buwan na silang break. Hindi naman kasi halata sa kanila na break na silang dalawa.
Tyaka ko lang narealize na kaming dalawa lang pala ni Destiny yung naiwan na nakatayo. Napatingin ako sa camera ng bigla yung nagflash. Kinunan pala kami.
"Grats huh. Alis na ko." Sabi nya samin. Hinawakan nya din ako sa balikat.
"Ingat ka, Kapatid!" Sabi sa kanya ni Warren. Tapos tumingin sya sakin.
"I love you."
Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi nya. 8 months kong hindi narinig yun mula sa kanya. Umalis na sya at hindi man lang ako nakasagot.
"Potek! Wag kang magblush!" Panunukso ni Joseph. Sarap lang banatan e.
Sinapak sapak ko si Joseph, tapos biglang nakitulong yung iba. Ayun nagrambulan kami dun.
"ANO?!" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Hindi nyo ba alam?" Cool na sabi ni Warren. Yung buong barkada, nakanganga at halos lumuwa na yung mata.
"Natural!" Sigaw sa kanya ni James.
"Aysh, kala ko naman nagpaalam sya sa inyo. Dun nya ipagpapatuloy yung one year nya pa sa architecture. Di ko nga lang alam ang school. Pati kung saang bansa." Nanlumo ako sa narinig ko. Napasapo ako sa noo ko. Hindi ko man lang alam na umalis na sya ng bansa.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.