[Destiny's POV]
"One, two, three , four. Stop. Ano ba?! Ganyan ka ba kashunga at hindi mo makuha ang Step?!" nagulat ako kasi sinigawan ni Jael si Debby. Remember Her? the Nerdy one?Nagulat kami ng buhusan ni Jael si Debby ng tubig. Dahil dun napapunta agad ako sa kinaroroonan nila at tinago ko sa likod ko si Debby.
"Jael?! Para saan yon?! Hindi mo kailngang gawin yun!" Sigaw ko sa kanya, nakita ko namang napakagat labi sya.
"Destiny, please stay away." sabi nya tapos nakita ko syang kinagat yung labi nya, alam kong ayaw nyang makipag away sakin dahil narin sa nangyari dati sa H.E alam kong pinagsabihan na sya nila ABCD at Bryle.
"No, mali yung ginawa mo." Pagmamatigas ko. Hindi naman kasi tama yung ginawa nya, hindi lang makuha ni Debby yung step bigla nyang binuhusan ng tubig.
"Stay away, destiny." Sabi nya, feeling ko sasabog na sya Anytime. Pero hindi ako titigil mali yung ginawa nya.
"AYO-----"
"I SAID STAY AWAY!" Sigaw nya pagkatapos nya akong itulak. Oo tinulak nya ako, buti nalang hindi ako nalaglag sa may stage. Hagdan kasi yung nasa likod ko.
"YOU! Ano na naman bang problema mo huh?!" sigaw sa kanya ni Bryle habang tinutulungan nya akong tumayo.
"Masyado kasing pakielamera yang Girlfriend mo!" Sagot naman ni Jael, yung mga kadance club namin, nakatingin lang.
"Wala kang karapatang ganyanin ang Girlfriend ko! Ikaw yung mali kaya tumahimik ka!" Sigaw sa kanya ni Bryle. Napatahimik naman yung buong stage maging ako, natakot ako bigla kay Bryle. Galit sya ngayon.
"So-so---"
"SHUT UP!" Sigaw nya tapos hinila nya na ako palayo dun sa stage kung saan kami nagprapractice.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya, medyo nagaalangan pa ako kasi naman first time ko syang makitang magalit ng ganon, tapos nakakahiya dahil pa sakin yun."Opo, ikaw?" tanong nya sakin nagnod lang naman ako, nagulat ako kasi bigla nyang hinawakan yung kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya.
"Kapag sinaktan ka pa nila, sabihin mo sakin a." seryosong sabi nya kaya napanod lang ako. Hindi ko alam pero wala akong masabi e.
"Sige na, Bell na papasok na ako. Magpractice ka na ulit, hindi muna ako sasali sa sayaw, nakakatamad e, Sige i love you Mako." sabi nya sakin, napangiti naman ako dahil sa sinabi nya, pero bakit may iba?
"I-i love you too." sabi ko sa kanya tapos umalis na sya, nagpahinga lang ako saglit sa may garden tapos umalis na din ako. Bakit may kakaiba?
"Hoy! Gusgusin!" napatingin ako doon sa kumpulan ng tao. Dahil likas na Chismosa ako, lumapit ako, tyaka kasi, parang familiar sakin yung Boses.
"Ang kapal mo! Ikaw yun!" sabi ni teka?! Si Bryle?! T-tyaka si Heart yung pinagkakaguluhan? Nilibot ko yung tingin ko sa paligid, nakita kong maraming Papel na bond paper ang nakakalat.
"Hoy Kuya! Ikaw yung bumangga wag tanga!" Sabi ni Heart kay Bryle, ako naman pinanuod ko lang sila.
"Sasapakin na kita e!" Sigaw ni Bryle sa kanya kaya napalapit ako, baka kasi biglang nga nyang gawin yun. Kayalang wrong move, ako na ngayon ang pinagbubuhusan ng atensyon ng mga Students ngayon. Nice one Destiny, pero? bakit parang hati? napatingin ako sa Side ni Heart, nakita ko si ABCD na nakahawak sa braso ni Heart.
"Subukan mo." Cold na sabi ni ABCD kay Bryle, nakita ko naman yung mata nya na kalmado lang. Napahigpit naman yung kapit ko sa Braso ni Bryle kasi ayan na, nabaling na yung Tensyon sa pagitan nila ABCD at Bryle, kahit si Heart, sya naman ang napahawak sa braso ni ABCD.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.