Chapter 20

723 25 1
                                    


[Asher's POV]

"Hoy! Lutang ka na naman!" Sigaw ko kay Destiny. Pano kanina pa sya nakatunganga Tapos bigla biglang Ngingiti. Nakakatakot e.

"Ha?" Tanong nya habang nakangiti. Tss. Parang ewan lang.

"Ang Weird mo." Sabi ko tapos inirapan ko sya. Hindi kasi talaga ako palasama sa mga Babae kasi Ayoko sa kanila. Pero kakaiba tong babaeng to.

"Weird? Bakit naman?" Sabi nya habang nakangiti parin. Inlove ba to o ano?

"Inlove ka ba?" Nandidiri kong tanong. Tss Love? -_-

"Huh? H-hindi a!" Pagtanggi nya, Nakita ko naman syang namula.

"Yuck. Inlove ka nga." Sabi ko nalang. Ayoko talaga sa salitang yan.

"MakaYuck naman to! Sapakin kita e." Pananakot nya. Ts sang Amazona talaga ng Babaeng to. Kaya minsan nagdadalawang isip ako kung Tomboy ba to e.

"Tomboy ka ba o Bakla?" Tanong ko sa kanya. Bwibwisitin ko lang.

"G*gu! Bat may Bakla?!" Sigaw nya tapos Akmang susuntukin ako. Kunwari naming di ako nagpapaapekto.

"Mukha kang Bakla e" Sabi ko sa kanya in a Serious tone.

*Blaaaaag*

"Aray! Ano ba?!" SIgaw ko sa kanya. Bigla ba naman akong Sinuntok?!

"Bakla pala huh!" Sabi nya tapos pinagpagan yung Palda nya. Tapos kinuha yung bag nya. Nasa Field kami ngayon e.

"Joke lang!" sabi ko habang hinahabol sya. Ang bilis namang mag lakad ng babaeng to.

"Heh!" Sabi nya

"Pssst! Baby ko!" Sabi ko habang nakangiti. Sarap talagang asarin ng babaeng to.

"Baby your Face!" Pagsusungit nya.

"Hoy!" Sigaw ko. Bigla kasing umulan.

"Ayy! Putspa! Naulan!" Sigaw nya tapos sumilong sa Waiting Shed. konti nalang yung tao na nasa paligid namin.

"Oh!" Sabi ko sabay hagis nung Coat ko.

"Anong gagawin ko dito?" Sabi nya habang hawak yung Coat ko.

"Pamunas mo sa Upuan." Sarcastic kong sabi.

"Okay" Sabi nya tapos Biglang pinunasan yung Upuan. Agad ko naming kinuha sa kanya yung Coat.

"Oh? Sabi mo. Sinunod ko lang" Sabi nya sabay smirk.

"Tss" Sabi ko sabay patong nung coat ko sa kanya. Tss Kunwari pa syang di giniginaw, e medyo nanginginig na nga sya.

"Salamat" Sabi nya. Kitams? Ginaw na ginaw na sya.

"Alam mo ikaw ang kauna unahang Babaeng Kinausap ko ng ganun katagal. Ikaw yung unang babaeng Sinasamahan ko." Sabi ko sa kanya. Tumingin lang sya sakin.

"Ay! Hindi ka nga pala babae" Sabi ko, bigla naman nya akong hinampas.

"Ang Sakit!" Reklamo ko habang hawak yung Braso kong Hinampas nya.

"Sakay nalang tayo sa Jeep." Sabi nya. Nakakagat labi sya habang sinabi yun.

"O sige" Hays. Second time kong sasakay ng Jeep.

"Ayan na!" Sabi nya tapos. Pinara nya yung Jeep Sabay sakay. Tinabihan ko naman sya.

"Psst, Pano magbayad?" Bulong nya sakin. Hala.

"Hindi ko din alam e." Sabi ko. Nung first time ko kasing Sumakay ng Jeep. Di naman ako yung nagbayad.

"Hayss" Sabi nya nalang. Nagulat ako nung tumayo sya.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Magbabayad." Sabi nya Sabay tuluyang lumakad papunta dun sa Driver ng Jeep.

"Bayad po." Sabi nya sa Driver. Nagulat naman ata yung Driver sa Ginawa nya.

"Ahahahahaha" Pagtatawanan nung mga tao sa Jeep.

"Problema nila? Nagbayad naman ako." Bulong nya sakin nung makaupo na sya. NapaFacepalm naman ako.

"Ewan ko sayo. Malapit na tayo. Kunin mo yung sukli." Utos ko sa kanya.

"SUKLI!!!" Sigaw nya dun sa Jeep. Nagulat naman lahat dahil sa Pagsigaw nya.

"Ano ba?! Di ganyan." Sabi ko sa kanya. Tumayo sya ulit tapos lumapit na naman sa Driver. Napafacepalm ulit ako.

"Kuya yung Sukli po sa P50." Sabi nya sa Driver nung makarating sya dun. Imagine nasa Dulo kami tapos naglakad sya papunta dun. Pigil na pigil naman yung tawa nung mga Pasahero.

"Ito Ineng. Maupo ka na. Di mo naman kailangan tumayo. Maaari mo naming ipaabot sa kapwa mo pasahero yung bayad e." Sabi nung driver sa kanya. Ngumiti lang si Destiny.

"Oy Nandito na tayo" Sabi ko nung Nasa tapat na kami ng Sub.

"Manong Tigil nyo na!" Sigaw nya sa Driver. Tinigil naman nung Driver tapos nakita kong umiling iling yung Driver. Pagkababa namin. Narinig ko pa yung ilang pasahero na Sinabing. "ang Mangyan naman ng batang yun". Nakakahiya si Destiny.

"Pag sasakay ka ng Jeep. Ipaabot mo nalang yung Bayad sa mga pasahero huh. Tapos pag Kinuha mo yung sukli, Sabihin mo sa Driver habang nakaupo ka. Hindi yung isisigaw mo. Tyaka pagbababa ka Sabihin mo, Para po. Nakakahiya ka kasama e." Sabi ko tapos Pumunta na ako dun sa Guard house. Kinuha ko yung Motor ko.

"Sakay dali! Basang basa ka na." Sabi ko sa kanya. Sumakay naman agad sya. Dun sya nakahawak sa Likod ng motor ko. Tss Choosy pa.

"Ge! Sa Susunod ulit" Sabi nya. Tapos tumakbo na papunta sa pinto nila. Napailing nalang ako. Tapos napangiti. Pinaharurot ko na yung Motor kasi basa na ako. Nakakatawa pala talaga si Destiny.

DUG DUG
DUG DUG
DUG DUG

Okay? Something's wrong with my Heart.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon