Chapter 12

739 29 1
                                    

[Destiny's POV]

"Destiny, uuwi ka na?" Tanong sakin ni Bryle habang nagsusuklay ako ng buhok katatapos lang kasi ng practice namin at kaliligo ko lang din.

"Oo. Bakit?" Tanong ko. Ano naman kayang trip nito?

"Yayayain sana kita dun sa bagong bukas na shop." Nakangiting sabi nya. OMO! Date ba to?! Ay 3rd date na!! Ayie!

"Ah ganun ba? sige, tara na. Maya maya pa naman ako uuwi." Sabi ko tapos kinuha ko na yung Gamit ko.

"Tara" Sabi nya. Nagsimula na kaming maglakad, buhat buhat nya yung bag ko. Kung titignan kami, para kaming couple. Pero alam naman ng mga taga school na may Cara sya, kaya hanggang magbest buddy lang kaming dalawa, para sa kanilang lahat.

"FARTY!" Tawag ng isang boses. Napalingon naman ako sa pinanggagalingan nung Boses. Dumating na naman ang dakilang EPAL.

"Oh? ABCD? Bakit?" Tanong ko, Problema nito? Uwian na kaya medyo madaming tao. Makasigaw naman kasi sya, agaw eksena.

"Sama ka sakin." Cool na sabi nya. Ang cool talaga ng lalaking to. Kakaiba siya magsalita. Galing galing!

"Saan?" Tanong ko. Ano ba yan, may date kaya kami ni Bryle. Date? Utot mo Destiny, nangangarap ka na naman.

"Shop namin. Bagong bukas" Sabi nya. Four words counted. Nagsisimula na naman siyang magsalita ng maikli.

"May lakad din kami." Sabi ni Bryle, Whoa! Ang amazing ng pagkakasabi nya. Galing nila magsalita ngayon.
Haha.

"Tuloy niyo nalang, next time." Cold na sabi ni ABCD, nanlaki yung mata ko. Anong next time?! Aba!

"Hey hey, stop that. Bryle, this is Asher, and Abcd this is Bryle." Pagpapakilala ko sa kanila, Mukhang mag aaway na eh. Tyaka para change topic naman.

"So?" -Bryle

"Dont care." -ABCD

Sabay nilang sabi. Ano ba yan, ang sungit naman ng dalawang to ngayon. Si ABCD given na na masungit eh, pero si Bryle? Haha.

"Tss, Lovery tara na." Sabi ni Bryle Tapos hinawakan nya yung kamay ko. Kyaa! Kakakilig! Hindi ako maliligo mamayang gabi! Hinawakan nya kamay ko! I swear!

"Destiny, sakin ka sasama diba?" Sabi naman ni ABCD. Whoa kakatakot. Ang sama sama ng tingin nya sakin at kahit wala siyang sinabi alam kong papatayin nya ako pag di ako sumama sa kanya.

Bakit ba kasi ang wrong timing niyang magyaya. Kung kailan may 'date' kami ni Bryle ngayon tyaka pa siya magyayaya.

"Sakin sabi!" Sabi ni Bryle. Teka? Bakit iba na yung tono ng pananalita ni Bryle?

"Sakin." Sabi ni Asher tapos hinawakan din ako sa kamay. Napatulala naman ako sa ginawa niya, ang lambot... Ang lambot ng kamay niya.

"Sakin nga kasi!" Sabi ni Bryle tapos hinigit ako. Nagising naman ako sa ginawang panghihigit ni Bryle sa akin. Ano na bang nangyayari?

"Sabing sakin!" Sabi naman ni Asher. Infairness masakit. Feeling nila lubid ako, tug of war? Ganon? Ako yung lubid?

"Aray k----!" Hindi ko na naman natuloy yung sasabihin ko kasi pinaghihila na nila ako.

"Ang kulit ng lahi mo! Akin nga kasi!" Sabi ni Bryle.

"Sasapakin na kita! Akin na!" Sigaw ni Asher. Oh no, I smell war.

"Oh! Tara sapakan!" Sabi din ni Bryle, tapos binitawan na nila ako. Hay salamat, kayalang feeling ko ayan na! Magsusuntukan na ata sila.

"Tumigil nga kayo!" Eksena ko, pumunta pa ako sa gitna, nako pag ako nasuntok dito, babatukan ko tong dalawang to. Ayun tumigil naman sila. Ang habang ng hair ko. Dalawang makikisig, gwapo, mayaman, mabango magsusuntukan dahil lang sakin. Oh, feeler ka na naman Destiny.

"Diba may girlfriend ka?!" Tanong ni Asher kay Bryle. Tinaasan sya ng kilay ni Bryle.

"So?" Sabi ni Bryle. Seriously?! So? si Cara, So lang? Sinabi nya talaga yun? Weh?

"G*go ka pala eh!" Sabi ni Asher na hinanda na yung kamao.

"Susuntukin ko kayong dalawa!" Pananakot ko. Di ako nagbibiro, susuntukin ko na tong dalawang to. Kanina pa ang iinit ng ulo eh, oo hot sila. Pero dapat hanggang katawan lang yun. Pati ulo pinag iinit nila e.

"Ayan kasi eh!" -Bryle

"It's your f*cking fault!" - Asher

"Sabing ikaw e!" - Bryle

"Damn you!" - Asher.

*Blag*
*Bogsh*

"Sabi nang tumigil kayo eh. Ayan nakuha nyo." Sinuntok ko na sila. Bulagta sila sa sahig eh. Hala may dugo yung labi nila. Ay Destiny! Bad bad!

"Aray! Ang sakit mong sumuntok Farty!" Reklamo ni ABCD habang hawak yung labi nya.

"Lovery, ang lakas mo!" Sabi naman ni Bryle.

"Tumayo na kayo dyan. Tayong tatlo nalang ang magsama sama" Sabi ko, tumayo naman sila. Hay nako, ano kayang kalalabasan nito?

"Ano?! Ayoko nga!" Angal ni ABCD, tumingin naman siya ng masama kay Bryle.

"Ayoko din!" Nagcrossed arms pa si Bryle, parang bata naman tong mga to oh. Ang sasama ng tingin nila sa isa't isa.

"Ang aarte nyo. Susuntukin ko ulit kayo!" Pananakot ko sa kanila.

"Psh, epal." Bulong ni Bryle pero rinig na rinig naman.

"Tss, bastard." Bulong din ni ABCD. Yung totoo? Sinong babae saming tatlo? Talo pa nila ako eh. Napailing nalang ako.

"Ano? Sasama ba kayo sakin o hindi?!" Nakakainip na ah.

"Ayokong kasama yan/ Hindi suya sasama!" Sabay na sabi nila Bryle at ABCD.

"Letche kayo! Kayong dalawa nalang umalis uuwi na ako! Bwiset!" Nag walk out na ako. Bwiset kasi masyado eh.

"Oy Destiny, tara na." Bigla akong inakbayan ni Bryle. Kunwari nalang nagtatampo ako. Kyah! Kinikilig ako. Nakaakbay sya sakin.

Bigla naman akong hinigit ni ABCD kaya napabitaw si Bryle sa pagkakakbay sakin. Gustong gusto kong batukan, suntukin, sampalin, banatan , sinapain, hali---. Nevermind.

"Bitaw nga!" Nag lakad na ako at nauna sa kanila. Napailing ulit ako. Ano kayang mangyayari? May kasama akong dalawang bata.

Pero ayos lang, basta dapat makachancing ako kay Bryle. Hihi. Ito na ang pagkakataon ko. Hihihi.

"Sakay ka na." Pinagbuksan ako ni Bryle ng pinto. Sasakay na sana ako kayalang bigla na naman akong hinigit ni ABCD. grr! Nakakabwiset!

"Ano na naman?!" Sigaw ko sa kanya.

"Sakay" utos nya. Sasakay na sana ako ng magsalita ulit si Bryle.

"Sakin siya sasabay."

"Sakin." -ABCD

"Sa---" hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Bryle dahil sigurado ako kung saan ang patutunguhan ng pag uusap nila.

"Magtataxi tayo."

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon