[Destiny's POV]
"Magkaaway ba kayo?" napatingin nalang ako sa ibang direksyon dahil sa tanong ni kuya Warren. Magkaaway nga ba kami? Halos tatlong linggo na rin kaming magkasama pero hindi kami nagpapansinan. Iniiwasan ko sya, dahil ayoko ng lumala pa yung feelings ko sa kanya.
Pero nagkamali ako. Maling mali ako, dahil tuwing umiiwas ako sa kanya, mas lalo ko syang namimiss. Mas lalo kong namimiss yung mga asaran namin at hampasan. Mas lalo ko lang syang minamahal.
'Hindi pwede'
Yan yung mga salitang hindi ko makalimutan kasi hanggang ngayon hindi ko parin matanggap. Sa totoo lang, akala ko talaga may feelings si Abcd sakin, dahil sa lahat ng mga bagay na pinapakita nya sakin. Sa lahat ng tulong at atensyon na binibigay nya sakin. Akala ko, pareho kami ng nararamdaman pero mali pala ako.
"May kausap ba ako?" paguulit ni kuya Warren, napatingin ako sa direksyon ni Abcd, nagkatinginan kaming dalawa. Agad naman akong umiwas ng tingin, naiilang kasi ako.
"H-hindi kami magkaaway." sagot ko kay kuya. Napansin kong napatingin si Abcd sa direksyon ko. Bakit nga ba nagkakaganito ako. Kahit yung mga kaibigan naming dalawa nadadamay na. Napaka selfish ko kasi yung sarili ko lang yung iniintindi ko.
"Aalis na ako." Pagpapaalam ni Abcd tapos tumayo na sya. Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko.
"Anong problema mo kapatid?" tanong ni Kuya. This time ako at yung iba nalnag ang nandito. Siguro ito na yung right time para sabihin ko sa kanila yung tunya kong nararamdaman kay Abcd.
"K-kuya. Ang tanga ko." Bigla nalang tumulo yung luha sa mga mata. Ilang linggo ko ring pinigilan ang mga luhang ito. Ilang linggo ko ring tinago sa kanilang lahat yung nararamdaman ko.
"Ano ba kasing nangyayari, Destiny?" tanong ni Zabrina tapos nag abot sakin ng panyo. Kinuha ko yun at pinunasan ko yung luha ko, pero patuloy pa rin yun sa pagtulo. Buti nalang nasa bahay kami ngayon ni James.
"Nahulog ako." pinikit ko yung mata ko habang patuloy pa rin sa pag agos yung mga luha ko. Sobrang sakit na hindi nya ako pwedeng mahalin pabalik. Hindi ko pa inaamin sa kanya na mahal ko sya pero hindi na agad pwede. Hindi na pwede.
"Kaya ka umiiwas?" seryosong tanong ni James, tinanguan ko lang sya.
"Bakit ka naman umiiwas? Bakit hindi mo aminin sa kanya?" nagtatakang tanong ni Heart habang hinahagod yung likod ko. Napakagat labi ako para kahit papaano mabawasan yung mga luha sa mata ko. Pero hindi ko talaga mapigilan.
"Kasi hindi pwede." napayuko ako kasi ayokong makita nilang lahat na nagkakaganito ako. Ayokong makita nilang umiiyak ako. Ayokong makita nilang nasasaktan yung Destiny na kilala nilang lahat. Ayokong ipakita sa kanila na mahina ako.
"Hindi mo pa nga nasasabi e, hindi na agad pwede?" tanong namin ni Joseph, nginitian ko lang sya.
"Tinanong nya ako kung totoo bang crush ko sya, syempre sinabi kong joke lang." napahinto ako kasi naalala ko na naman yung gabing yun. Parang hindi ko kayang ikwento yung sunod nyang mga sinabi.
"Sabi nya, mabuti daw kasi hindi pwede." Mas lalong bumilis yung patak ng mga luha ko. Bakit ba ako umiiyak ng ganito? Diba napagdaanan ko na rin ito kay Bryle dati, infact mas malala pa nga yung kay Bryle dahil for ten long years ako umasa sa kanya, for ten long years minahal ko sya kahit na alam kong hindi nya kayang ibigay sakin pabalik yun.
"Hindi nya daw kasi kayang mahalin ako pabalik." Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung panyong binigay ni Zabrina.
"That's impossible! Ramdam naming mahal ka ni Ash." sabi sakin ni Jap. Kahit ako naramdaman ko yun. Wala naman kasi sila tuwing sasabihin ni Abcd na biro lang lahat ng mga sweet words at mga matatamis na bagay na ginagawa nya sakin at sinasabi.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.