[Destiny's POV]
"Itong Christmas tree? Saan ilalagay?" tanong ko kay ABCD habang buhat ko yung Christmas tree, magaan lang naman.Nanlaki naman yung mata ni ABCD tapos bumaba agad ng hagdan at kinuha sakin yung christmas tree. Problema nun? Sinundan ko lang sya, nilapag nya yun sa gilid ng stage.
"Salamat." sabi ko, hindi sya sumagot at bumalik lang ulit sa pwesto nya kanina. Inaayos nya pala yung projector sa stage. Ang awkward talaga.
Kinuha ko yung mga Christmas balls at nagdesign ako dun sa Christmas tree. Two days nalang bago yung Christmas party namin. Mamaya, may practice ng lahat ng sasayaw at magpeperform sa Christmas party.
*All SSG and Yes O officers, please proceed to the SSG room.*
Dahil nasa stage lang naman ako nakita kong si ABCD yung nagannounce nun. Nagpunta na ako doon at napansin kong kasunod ko lang si ABCD. Hindi ako sanay na di kami naguusap.
"Gagawa tayo ng program ngayon, ito yung listahan ng mga magpeperform." Pagsisimula ni ABCD tapos binigay nya sakin yung hawak nyang papel, tinitigan ko lang yung papel at sya. Tinaasan nya ako ng kilay. Lutang na naman yung isip ko.
Kinuha nya ulit sakin yung papel.
"Marie, assign ka sa pagkumpas para sa Lupang hinirang." Sabi nya doon sa SSG P.O namin. Nagnod lang naman si Marie sa kanya. Sinulat ko yun since absent yung SSG secretary namin.
Nagulat ako ng Asher yung maisulat ko sa papel. Agad ko itong binura at pinalitan ng pangalan ni Marie. Bakit ba Asher ang naisulat ko doon?
Sinulat ko yung inassign nya. Nagtaka naman ako kasi sa mga inassign nya, wala ako dun at wala din sya.
"Tayong dalawa yung host." Sabi nya, nagulat naman ako. Mind reader ba sya?
"Kailangan natin ng atleast sampong games. Any suggestion?" Tanong nya, nakaisip naman agad ako ng kalokohan.
"Meron ako. Apat na player sya, bali maglalagay tayo ng monoblock chair para maging harang tapos lalagyan natin ng tali sa taas, gagapang sila sa ilalim nun habang nakablindfold at paunahan silang makakuha ng flag. Bawal silang dumikit doon sa lubid sa taas." Sabi ko.
" Pano naman magiging exciting yun?" Sabi ni ABCD ang sungit talaga nun.
"Kapag nakablindfold na sila, tatanggalin natin yung upuan at lubid. Bali gagapang lang sya doon sa stage." Sabi ko wala e. Puro kalokohan naiisip ko e. Napatawa naman sila.
"Sige ilagay mo yan." Sabi nya at sinulat ko naman agad yun.
Marami pa kaming nailagay na game. Example, hahanapin mo yung damo doon sa Chrismas tree. Ganon.
Natapos yung meeting namin, half day lang kami kasi ngayon yung Christmas party ng mga teacher. Tapos bukas puro practice at pagdedecoration para sa Christmas party.
"Mako!" Nilingon ko si Bryle, nakasandal sya sa kotse nya. Ang ganda talaga ng kotse nya. Ang daya, kahit 16 years old palang sila, pwede na silang magdrive. Talk about power and Money. :3 Kahit hindi pa sila eighteen years old. Pero students license lang naman, pero para lang yun sa mga lalaki sa school. Madaya talaga.
"Date tayo." Sabi nya, ngumiti ako tapos nagnod. Umupo na ako sa passenger seat, ngumiti sya bago magdrive.
"Sa mall tayo?" Sabi ko, pinarada kasi nya yung kotse nya sa parking lot ng isang Mall.
Juice colored, sawang sawa na ako sa mall.
"HAHAHA, don't worry, may bibilhin lang tayo." Sabi nya, Hay, salamat naman. Akala ko kasi dito kami magdadate. Kasi naman kapag sa Mall, ang gagawin nyo lang magnunuod ng sine, kakain, mag gagala tapos maglalaro. :3 Ang boring kaya nun.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.