Special Chapter 2

465 14 0
                                    

[Destiny's POV]


Ang hirap pala kung mag isa ka lang. Mag isang pumapasok sa school, mag isang kumakain sa canteen tuwing break at lunch nyo. Mag isang umuupo sa field kapag free time at mag isang umuuwi. Ang hirap ng walang kaibigan. Lalo na kapag nakikita mo yung mga kaibigan mo na masayang dumadaan sa harapan mo habang nagtatawanan at hindi ka man lang mapansin.

Wala naman akong ginagawang masama pero kung ituring nila ako, parang hindi ako naging parte nila.

Sobrang hirap din ng sitwasyon namin ngayon ni Abcd. Hindi ko alam kung kami pa ba o hindi na. Sobrang laking pain nung naidudulot nila sakin. Wala namang gustong lumapit sakin at hindi ko alam ang dahilan nun. Si kuya Warren lang ata yung kumakausap sakin kapag nagkakasalubong kami. Si Clyde, nagising na sya. Sya nalang siguro yung natitirang kaibigan ko. Kayalang magkaiba naman kami ng time, pag free time ko, tyaka naman sila may Klase. Magkaiba din yung oras ng uwian at pasok naming dalawa. Pero lagi syang pumupunta sa bahay para bisitahin ako. Every weekend umaalis kami para daw sumaya saya naman ako. Siya yung sandalan ko ngayon.


Naglalakad ako ngayon papunta sa likod ng highschool building. Nadaanan ko kasi ito noong inutusan ako ng prof namin na ibigay yung isang paper doon sa highschool teacher. Nacurious ako kaya pinuntahan ko ito. Masarap yung hangin doon tyaka tahimik.

Ngayon lang ako pupunta doon kasing madalas sa field lang ako. Tapos two hours pa yung vacant ko kaya pwede akong matulog doon ngayon.




"Ash." Nahinto ako sa nakita ko. Kaharap ko ngayon yung taong mahal ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Pwede ba tayong mag usap?" Kinabahan ako bigla sa sinabi nya. Makikipagbreak na ba sya sakin? Parang hindi ko kaya.

Umupo kami doon sa damuhan. Malinis naman dito kaya ayos lang yun. Nakasandal kami sa isang puno ngayon.

Sampung minuto na ang nakalipas pero hindi parin sya nagsasalita. Hay, ang dami kong gustong sabihin sa kanya.

"Asher, bakit wala ka nung kailangan kita?" Tanong ko sa kanya. Nung tinanong ko yun hindi ko napigilan yung luha ko. Ang sakit pala kapag kaharap mo na yung taong nagbibigay sayo ng sobrang pain.

"Wala naman akong kwenta. Hindi ako yung nagligtas sayo. Wala akong nagawa. Tumakbo lang ako, hinayaan lang kitang iligtas ni Clyde. Ang sakit nun Destiny. Parang wala akong kwenta sa mundo." Sagot nya.

Yun lang yung dahilan nya? Kasi feeling nya wala siyang nagawa para iligtas ako? Kaya nya ako iniiwasan at sinasaktan? Yun lang ba yung dahilan nya? Kasi walang kwenta yung dahilan nya.

"Hindi yun totoo Ash, dabest ka kaya. Kahit hindi ikaw yung nagligtas sakin nun. Ikaw yung nagliligtas sakin araw araw. Ikaw yung sumasalo sakin sa lahat ng bagay. At lahat ng yun, sapat na sapat na." Sabi ko sa kanya. Naiinis ako dahil sa dahilan nya. Tingin nyo tama ba yun para tratuhin nya ako ng ganito? No! Maling mali yun. Dahil ba sa letcheng ego nya yun? Shit lang.

"Im sorry."

"Wala na Ash e, di mo na mababalik yun. Kailangan na kailangan kita nun pero isa ka sa mga nagpahirap sakin. Sobrang sakit nun promise. Ayoko na e." Sabi ko. Napansin kong medyo nanigas sya. Parang napatulala kasi sya. Napansin ko din na parang nagtutubig yung mata nya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nanginginig na tanong nya sakin.

"Hindi ako makikipagbreak, kasi hindi ko kaya. Kailangan ko lang ng space. Yung mahabang space." Matapos kong sabihin yun, tumayo na ako at nagpagpag ng palda. Nakapagdesisyon na ako.


Pinag usapan namin nila mom at dad na sa Amerika ko na ipagpapatuloy yung 1 year ko pa sa architecture. Sinabi nila na magdesisyon muna ako. Pero ngayon, nakapagdesisyon na ako. Siguro kailangan ko munang lumayo sa kanya, sa kanilang lahat para maging masaya naman ako.

Siguro ito muna yung tamang gawin. Ang layuan yung mga taong nagbibigay sakin ng sakit. Ayoko na kasi ng ganito e. Sobrang nahihirapan ako sa sitwasyon naming lahat.

One week nalang naman Graduation na, at one week nalang din at aalis na ako. Iiwan ko na ang Pilipinas. Iiwan ko na sila.


When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon