Chapter 41

464 20 0
                                    


[Destiny's POV]

"KumiKPOP a." Sabi sakin ni Maxine, kala mo naman sya hindi.

"Kala mo sya hindi. Tara na." Sabi ko kay Maxine. Nagtaxi lang kami ni Max kasi wala namang dumadaang jeep e. May dala din akong White na dress para sa performance namin ni ABCD.

Mamaya pang alas Nuwebe yung start ng program, pero alas siyete nasa school na ako. Nandito narin yung ibang SSG at Yes O, mag aayos pa kasi kami. Dala dala ko yung mga prize para sa mga games mamaya.

Ang bilis ng oras, ang dami na agad estudyante. Syempre hindi mawawala ang mga estudyante na Nakadress, hindi parin sila makamove on sa Acquiantance. Nabaling yung tingin ko kay Jael, Nashorts sya na jumper, pero hindi ganon kaikli. Tapos nakalongsleeves sya at High wedge. Dati kasi nakadress sya ng sobrang ikli.

"Destiny, pumunta ka na daw sa stage." Sabi sakin nung SSG PIO, nakita ko namang nandoon na din si ABCD at ako nalang yung hinihintay nya. Umakyat na ako at kinuha ang Mic. Awkward talaga!

"Advance Merry Christmas Infiniters!" Bungad ni ABCD sa mga Estudyante, nagtilian naman sila ng makita nilang si ABCD yung Host ng Party.

"Enjoy this party Everyone!" Sabi ko din, pero hindi masyadong maingay, bakit ang daya? Kapag si ABCd parang masisira yung speaker sa tilian ng mga Babae, tapos pag ako, Walangpaki? Madaya.

"Im Asher Damian." Pakilala nya, nagtilian naman yung buong Gym. Tumingin sya sakin,

"And im Destiny De Guzman." Nawala naman yung tilian puro palakpakan lang. :3 Ang Unfair talaga.

"We promise to make this party Extraordinary." Sabi nya, umingay na naman sa buong Gym. ano bang meron sa kanya at nagiingay lahat?

'Masarap kasi syang humalik'

Nagulat ako kasi bigla kong nasabi ko sa utak ko yun. Pinilit kong tanggalin sa utak ko yung ano namin kahapon! Ano ba yan! Napaka paepal naman ng isip ko e. Huwaaa! Bakit ba kung ano anong pumapasok sa utak ko? Madumi na sya! T_T

"Mamaya mo na ako pagpantasyahan." Nagulat ako sa sinabi nya and take note! NAKAMIC SYA!

Nagsigawan naman lahat. Nakakahiya! Ang kapal ng mukha nyang sabihin yon!

"Asa ka pa. Wag ka ngang feeling." Ganti ko sya, naghiyawan ulit lahat.

"Deny ka pa e." Sabi nya, Ang kapal talaga ng mukha nya. ang daming sumisigaw na, bagay daw kami. Boto daw si kay ABCD, paano na daw si Bryle at kung ano ano pa. Siraulo ba sila.

"Go K3Uers!" Biglang sigaw nung kumpol ng mga tao doon sa gilid nakita ko doon si Maxine. Teka?! totoo nga yung sinabi nya sakin? Na meron kaming fansclub?

"Okay, itigil na natin to, masyado ng kinikilig yung katabi ko. For her inspirational message, let's call on our very hardworking Principal, Mrs. Felinda E. Cruz." Sabi nya, bigla namang kinuha sakin nung Principal yung Mic tapos nginitian nya si ABCD. Bakit napaka Ampeyr?! Tss, Hardworking daw. Ge lang.

Bigla kong naalala yung ginawa nya kanina kaya kinurot ko sya ng sobrang lakas. Napa aray naman sya dahil sa sakit. Tumingin sya sakin ng masama pero hindi ako nagpatinag. Anong akala nya? Tss.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw nya sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay tapos inirapan ko.

"Ano yung pinagsasabi mo kanina Huh?!" Sigaw ko sa kanya, buti hindi nya na hawak yung Mic at wala na din akong Mic, nandito lang kami sa gilid ng stage.

"Bakit totoo naman yun a?!" Sabi nya sakin tapos pinitik nya ako sa noo, buwiset talaga tong Baklang to. ang lamya e, hindi nagiisneakers.

"Ang kapal mo! Asa ka pa! Shoo! shoo!" Tinaboy ko sya ng parang aso. Bigla syang ngumisi, diba dapat naaasar na sya ngayon?

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon