Chapter 54

458 19 2
                                    


[Destiny's POV]


"Napaka paVIP mo talaga." masungit na sabi nya sakin. Bwiset talaga to ang galing manligaw e.


"Sorry po." nag ala Chichay ako sa pagsosorry sa kanya. Napaka talaga nito.


"Sakay na." utos nya sakin. Nag 'bleeeh' muna ako bago ako sumakay sa kotse nya. ang bait nga e, nauna pa syang sumakay sakin. :3 Ang sarap talaga sa feeling na maligawan ng isang 'Asher Brixxel C. Damian' -_-


"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang sinusuot ko yung seatbelt ko. Napaka gentledog nya kasi e. -_-


"Nuvali." Napangiti naman ako sa sinabi nya. Yehey! pupunta kaming Nuvali! It's been seven months since nung huling punta ko dito. January 8 yun, and now July 8 na. Nakakaexcite naman. Hindi ko alam kung anong meron sa lugar na yun pero nung unang punta ko dun alam ko na magiging mahalaga yung lugar na yun sakin.


"Matulog ka na, two hours pa yung byahe papunta dun." sabi nya at dahil dakila akong masunurin, natulog muna ako.


Zzzzzz


Nagising ako pero nakapikit parin yung mata ko. Tinatamad akong imulat. Pinakiramdaman ko muna kung umaandar pa ba yung kotse. Hindi na ito umaandar. Ibig sabihin nandito na kami.


"Gising na." pang gigising sakin ni Abcd, bahala sya dyan mahirapan syang gumising sakin.


"Hoy!" Inaalog nya parin ako.


"Gigising ka o hindi?!" Baliw ba to kinakausap yung tulog?


*Tsup*


Napamulat ako ng mabilis ng maramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Nakapikit sya kaya hindi nya nakikita na mulat na ang mata ko. Itutulak ko ba sya o hindi? Ilang segundo lang humiwalay ma siya kaya mabilis kong pinikit yung mata ko.


"Yung totoo? Anong klaseng modus yan? magtutulog tulugan para mahalikan? Malala ka na." sabi nya. Dinilat ko naman agad yung mata ko tapos tinulak sya. Pero hindi naman masyadong malakas.


"Heh!" sigaw ko. Nakakahiya naman. :3


"Kakain ba muna tayo o hindi?" tanong nya tinignan ko yung paligid. Teka? parang hindi naman ganto yung Nuvali ah.


"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ko parin yung paligid.


"Nasa Paseo tayo. " sabi nya, napa "Ah." nalang ako. Saan yun? Napagdesisyunan naming kumain sa Mang inasal. Nako, may naalala na naman ako. Kumain lang kami tapos nagkwentuhan ng konti.


Naglakad lakad kami, nakakita naman kami ng isang para field pero sementado. Basta. tapos may mga bench sa paligid. Tapos ang ganda nung hallway may mga bulaklak. Tapos may isang malaking tent na bilog. Naupo kami dun sa bench. Nagpahinga lang kami tapos pumunta kami sa malapit sa Racks. Nakakita ako ng Elevator dun sa ibang building dito sa Paseo. Parang ang ganda ng view dun sa third floor. Hinatak ko naman sya ng mabilis papunta dun.


"Pag tripan natin yung elevator." suggest ko. Agad agad akong sumakay dun at nakasunod naman sya sakin. Pag akyat namin sa third floor, nagtatakbo ako dun sa terrace. Wow ang ganda ng view. Nanatili kami dun for five minutes. Medyo mahangin pa ngayon kaya ang sarap sa feeling.


"Pasukan na natin next week diba?" pag oopen ko ng topic. Sa iisang school lang kami papasok lahat e. Naayos na din namin lahat ng kailangan namin. Nakabili na din kami ng mga gamit sa school. Architectural degree ang kukunin kong course, samantalang itong katabi ko, syempre Business management.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon