Chapter 51

493 21 1
                                    


[Asher's POV]

Napangiti ako ng maalala ko yung mga ngiti ni Destiny noong birthday nya. Buti naman at napasaya ko sya. Pero bigla akong nalungkot dahil parang iniiwasan nya ako. Isang linggo na rin ang nakalipas, nagkikita kaming magkakabarkada pero ramdam ko yung pagkailang nya sakin. Hindi nya rin ako masyadong pinapansin at kinakausap.


Dahil ba yun sa inamin ko sa kanya nung nasa ferris wheel kami? Siguro nga wala talaga syang gusto sakin kaya sya umiiwas. Naulit na naman ngayon yung nangyari sakin dati. Bakit lagi nalang akong nafafall sa taong hindi naman ako yung mahal.


Ang mahirap pa doon, sa iisang babae lang ako nahuhulog. Ano bang meron sayo Destiny Lovery De Guzman at nagkakaganito ako. Maraming beses ko ng napatunayan sayong mahal kita at handa akong gawin lahat para lang mapasaya ka at maalagaan ka.


Mahal ko sya kaya hanggang ngayon nagpapakatanga ako. Kaya hanggang ngayon, nasasaktan ako. Bakit ba kasi hindi kita matiis. P*ta! Para akong bading sa mga pinagsasabi ko.

Natatandaan ko pa dati, ako yung taong ayaw na ayaw sa mga babae dahil sobrang moody nila, ang arte nila, ang gastos nila, puro shopping lang ang alam, mahirap silang intindihin, hindi sila nabubuhay ng walang make up at ang sakit nila sa ulo.


Pero nagbago ang lahat ng yun nang makilala ko ang isang Destiny De Guzman, akala ko nung una tomboy sya. Suntukin ba naman kasi ako diba? Sorry naman masyado lang akong nasanay sa mga nakakairitang babae na nanliligaw sakin. Oo! Sila pa ang nanliligaw sakin.


Malayong malayo sya doon sa mga babaeng nakilala ko. Napaka amazona nya, tigasin pa ata sya kaysa sakin e. Kung murahin ako sobra sobra. Kapag naaasar naman sya sakin at nagagalit ang ganda ganda nya sa paningin ko. Sa totoo lang, mas maganda sya kapag galit at inis.


"Iniisip mo na naman kapatid ko no." Pang aasar sakin ni Warren. Natutuwa din ako kay Warren kasi kahit papaano, prinoprotektahan nya si Destiny dahil kapatid daw yung turing nilang dalawa sa isat isa.


"Oo. bakit?" nagulat sya sa sinagot ko. Hindi ko naman kasi nasasabi sa kanila yung nararamdaman ko para kay Destiny e. Alam nilang lahat na ginagawa ko lnag yun dahil sa usapan namin ni Bryle.


"Ano namang kademonyohan yang pinag iisip mo sa Bestfriend ko?" singgit naman ni James. Napangisi ako dahil sa tinanong nya.


"Wala, balak ko lang naman syang pakasalan." Nakangising sabi ko sa kanila. Napalingon naman silang lima sakin (James, Warren, Jap, Joseph at Brent.) Gulat na gulat yung mga mukha nila. Iniwan nilang lahat yung mga ginagawa nila tapos lumapit sakin. Pinalubutan nila ako.


"Anong sabi mo?!" gulat na tanong sakin ni Joseph.


"Anong kasal?!" OA naman na sigaw ni Warren.


"ang OA nyo." natatawang sabi ko sa kanila.


"Umamin ka nga, may gusto ka ba kay Destiny?" napangiti ako sa tanong ni Brent. Ngumisi ulit ako.


"Hindi ko sya gusto." Nakangising sabi ko sa kanila. Binatukan naman ako ni Jap.


"Mga trip mo talaga." natatawang sabi ni Jap.


"Kasi mahal ko sya." Seryosong sabi ko sa kanila. Siguro panahon na rin naman para malaman nila na mahal ko ang kaibigan nila.


"Teka?! Paano yu---." hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si James.


"Sya yung babaeng yun." bored na sabi ko sa kanila. Nung bandang acquiantance kasi nalaman nila umiyak ako dahil sa ibang babae. Kaya kwinento ko sa kanila, pero hindi nila alam na si Destiny yung babaeng tinutukoy ko.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon