[Destiny's POV]
Agad akong napatakip sa mga labi ko. Ayan na naman sya, lagi nya nalang binabanta sakin na hahalikan nya ako. Hindi nalang gawin.
O_O
Shut Up utak! Ano bang pinagsasabi mong brain ka. Bad ka. Bad!
"Nirarape mo na naman ako sa utak mo." Bumalik ako sa realidad ng biglang sabihin yun ni Abcd. Rape agad? Di pwedeng pantasya lang. Ang harot ko. Hindi ko sya pinansin at ninamnam ko nalang yung pagkakakapit ko kay Abcd. Ang lapad ng likod nya, OMY.
"Nandito na tayo. Ibaba nyo na lahat ng gamit nyo sa mga tent nyo. Nasa kabilang lugar ang ibang school at kayo lang ang school na nandito." Maarte sabi nung guide namin. Nakakainis naman to, naiirita ako sa kanya e. Binaba ko nalang yung gamit ko sa tent naming mga babae.
"Asher, paki kuha naman yung panyo ko, hindi ako makayuko e." Malanding sabi nung guide namin kay Abcd. Nakakairita talaga sya!
Bored na lumapit si Abcd doon sa lugar nung guide namin. Nung hawak na ni Abcd yung panyo at dadamputin nya na. Biglang yumuko at hinawakan nung guide namin yung panyo or more like sinadya nyang hawakan yung kamay ni Abcd. Grrr.
"Ow, nakakayuko na pala ako salamat." Malanding sabi nung guide namin na sagad hanggang buto yung kaartehan at kalandian. Tinignan lang sya ni Abcd.
"Patulong namang ikabit tong butones ng vest ko oh." Malanding pakiusap ulit ni Ms. Guide. Tatanggalin ko na kamay nito e. Akala mo wala syang kamay kung umasta. Inirapan sya ni Abcd at binutones yung vest nung babae. Habang ginagawa yun ni Abcd nilalapit ni Ms. Guide yung mukha nya kay Abcd. Buti sa ibang direksyon nakatingin si Abcd.
"Thank you ulit, pakuha na din ng mga -------" Hindi nya natuloy yung sasabihin ko dahil hinila ko si Abcd palapit sakin at palayo sa Babaeng yun.
"Wala ka bang kamay para ipagawa sa kanya yung mga bagay na kayang kaya mo naman gawin. Gusto mo tuluyan ko ng putulin yang kamay mo huh?! Guide ka ba o GRO? Tigilan mo yang pagiging maarte mo huh, hindi nakakatuwa. Ang bata bata mo pa." Mataray kong sabi sa kanya. Minsan lang ako magtaray. And im happy na after two months, bumalik na yung Destiny na hindi nagpapaapi at marunong lumaban.
Isang taon lang ang agwat ng babaeng to samin. Oo bata pa tong babaeng to. Galing sya dito sa Batangas kaya sya yung guide. Pero hindi naman namin alam na sobrang arte pala nito.
"Bakit sino ka ba?" maarte nyang tanong sakin. Wow huh. Talagang tinanong nya pa yan.
"Ikaw? sino ka rin ba? Paano mo kami matratrain na leader kung hindi ka umaakto bilang isang leader? Kailangan din ba naming lumandi katulad mo? Maging maarte katulad mo para maging isang mabuting leader?" Matapang na tanong ko sa kanya. Walang pumipigil samin dahil alam kong kahit sila, ito ang gustong gawin.
"Ang tapang mo huh. Hoy bata. Ako lang naman ang nag-iisang Maria Belamide, manager ang tatay ko sa hacienda ng mga De Guzman. e Ikaw?" Napatawa ako dahil sa sinabi nya. Well, salamat sa impormasyon. Ayokong gamitin ang pangalan ko pero kailangan e.
"Im Destiny De Guzman, Arrianne De Guzman grandaughter. May sasabihin ka pa ba?" Nakita kong napatulala sya. Naiirita kasi talaga ako sa kanya ng sobra. Una dahil ang arte nya at sa totoo lang dahil halatang may gusto sya kay Abcd.
"A-akala ko ba public school to?" Napatawa kami. Biglang sumingit si Jael.
"Kaya pala ganyan ka kung umakto. Then, youre wrong. Sorry ka pero samin ka bumagsak miss Maria Belamide." Nakangiting sabi ni Jael.
"Baby ko, tama na yan. Hindi naman kita ipagpapalit sa tulad nya. Wag ka na magselos." Muntik ko ng masuntok si Abcd dahil sa pinagsasabi nya. Walnyang to. Aba! Hindi naman kasi ako nagseselos e. Oo hindi nga! Wag makulit promise hindi ako nagseselos. Oo nga. ayy! Oo na! Nakakainis naman kasi itong si Maria e, kung makapanlandi wagas na wagas. :3
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.