Chapter 8

936 33 3
                                    

[Destiny's POV]

Kanina pa ako gising at kanina pa din ako nagiisip-isip. Lahat ng masasaya at nakakakilig na nangyari sa'min ni Bryle nasa isip ko ngayon. What's with the sudden changes? Alam niyo 'yong kakaibang feeling na parang kumokontrol sa katawan niyo whenever that someone is around? The kind of feeling that is slowly engulfing the whole you?

Umiling iling ako para kahit papaano mawala sa isip ko ang mga bagay na 'yon. Nakakalimutan ko atang hindi maganda ang ginagawa at ang iniisip ko. He is committed to someone, and that someone is my close friend. I can't afford to hurt her.

But still, I am happy. Masaya ako na kahit papaano, nararamdaman ko ang gusto kong mangyari and I think, I'm contented with that.

Bumangon na ako dahil may pasok pa ako. Syempre, naligo muna ako bago ako kumain sa baba.

"Good morning mommy!" Bati ko kay mommy habang pababa ng hagdan. Nakataas ang kilay niya ng bumaling siya sa akin, maybe it is too evident that I'm happy.

"Problema mo?" Napanguso naman ako sa tinanong ni mommy. Problema? ang saya saya ko tapos itatanong niya sakin kung may problema ako? Napakamot nalang tuloy ako sa likod ng batok ko.

Biglang dumating si daddy na hawak hawak ang isang brief case. Nakasuot siya ng longsleeves na polo, pants and a black shoes.  Lumapit ako sa kaniya at kiniss siya sa cheeks.

"What happened? Why are you too overjoyed?" Sabi ni daddy habang lumalakad papalapit sa lamesa. Why? Is it bad to be happy?

"Why is it bad?" Sabi ko sabay upo sa hapag kainan. Umupo na din si mommy matapos niyang ilagay yung beef tapa sa lamesa.

"No, I mean, sobrang saya mo ata. What happened?" Tanong sakin ni Daddy. 

"Nothing, daddy." Kumuha ako ng kanin at ng omelette. 

"Inlove ka ba, anak?" Biglang sabi ni daddy. I want to proudly answer yes but I can't. Kahit hindi nila sinasabi na bawal akong magboyfriend, I can feel it. 

"Nagdrodroga lang yan." Sabi naman ni mommy. Napanguso ulit ako dahil tinawanan lang ako ni daddy. 

"Mommy, daddy, masama bang maging jolly? Isa pa, ganito naman ako lagi, diba?" sabi ko habang nakangiti.

"Iba kasi ngayon, ang hyper mo. Daig mo pa mommy mo nung inlove sakin." Sabi ni daddy tapos tumingin kay mommy. Bigla namang kinindatan ni daddy si mommy, nagkunwari namang nandidiri si mommy.

"Hoy, ang kapal ng mukha mo. Baka gusto mong ipaalala ko kung paano nagsimula ang kahindik hindik na love story natin Mr. Axl." Ganti ni Mommy kay Daddy. 

"Joke lang naman, baby. I love you." Sabi ni daddy, si mommy naman sumubo nalang. Napatawa naman ako dahil sa endearment nila.

"Walang forever." Pang aasar ko. 

"Ganoon kasi talaga, ang sweet sweet kasi namin ng mommy mo." Sabi ni Daddy tapos kinindatan ulit si mommy. Tinaasan lang naman ni mommy ng kilay si daddy.

"Kadiri ka, alam mo 'yon?" Sabi ni mommy. Napangiti nalang ako. I want this kind of relationship, 'yong kahit ilang dekada na 'yong lumipas, hindi kayo magsasawa sa isa't-isa. The kind of love they have, kept getting stronger as the time passed by.

"Back to the real topic, may boyfriend ka na ba?" Tanong ni mommy. Napakamot naman ako sa batok dahil bigla na naman nilang naalala ang bagay na yan.

"Opo, si West, Lucas, Jeydon, Zeke, Kaizer, Eros, Elijah, Wade at si Rozen!" Masayang sabi ko. Ilan lang sila sa pinakamamahal kong Wattpad characters. That feeling when you want to have them all but it is impossible because they will never exist.

"Umayos ka, babatukan kita." Sabi ni mommy, I just gave a fake beam dahil alam kong babatukan niya nga ako.

"Yung totoo? Inlove ka ba, anak?" Should I tell them the truth?

"Hindi po!" Pagdedeny ko. I decided not to tell them, it's not the right time. Lalo na kung malalaman nilang si Bryle ang taong 'yon. Alam nilang may girlfriend si Bryle kaya hindi sila pabor kung aamin man ako.

"Kunwari ka pa." Sabi ni Daddy tapos humigop ng kape niya.

"Wala nga po." Pagdedeny ko pa rin. Ang kulit talaga nila, pero kahit ganiyan, mahal ko sila. Kasi 'di sila katulad ng ibang mayayamang magulang na mas mahalaga pa ang pera kaysa sa mga anak nila. Noong kwinento nga nila sa'kin 'yong love story nila kinilig ako ng sobra.

Dad is a typical Casanova/ playboy. Sobrang daw kung magpaiyak ng mga babae at manakit. Masyado kasing gwapong gwapo sa sarili niya. Then one time, 'yong bestfriend ni mommy, pinaiyak ni daddy. My mom didn't gave any glimpse of care sa pinag-gagawa ni daddy. Pero nang bestfriend niya na ang umiyak, doon niya napagtanto na napakagago nga ni daddy. Suicidal daw kasi si tita Ashley noong panahon na 'yun. Kaya ang ginawa ni mommy, sinipa niya sa ano si daddy. Doon, palagi na silang nag-aaway. Tapos napagdesisyonan ni mommy na landiin si daddy tapos gagawin niya yung pinag gagawa ni daddy sa mga babae. Then, nainlove si daddy (cliche) pero si mommy, hindi niya magawang mainlove kay daddy. Nagmakaawa daw si daddy, ginawa niya lahat para lang maging sila. Kayalang si mommy, laging pinagtatabuyan si daddy. Syempre, malay niya ba kung pinagloloko lang siya ni daddy.

Naging boyfriend ni mommy si tito Henry, para lang lubayan siya ni daddy. Kayalang in the midst of her relationship with tito Herry, tsaka naman siya nainlove kay daddy. But that time, nagkabalikan si tita Ashley at si daddy. So, napilitan silang dalawa na kalimutan ang isa't isa. Lumipat pa sila sa magkaibang school. After a year, nagkita ulit sila and many complicated and cool happenings happened. Naka 78 na break pa nga daw sila ni daddy nung sila. But still, here they are right now, having me.

"Alam mo kasi kapag naiinlove ka ganiyan talaga anak. Masaya na malungkot." Sabi ni Daddy. Oo nga, masaya na malungkot. Masaya, kasi ang sweet nya sakin, he is giving me hope to hold on, he is the reason behind my happiness. Malungkot kasi, may girlfriend sya and I can't afford to break their relationship. Ano nga bang laban ko sa girlfriend? Mas may karapatan yun.

"Oo nga, masakit diba? Kasi may girlfriend siya. Masaya kasi lagi kayong magkasama." Sabi ni Mommy.

"Oo nga Mommy at Daddy. Ang hirap talaga pag Inlove. Yan tuwing mag----" Bigla akong napahinto sa sasabihin ko. Did I just confessed?! Napafacepalm ako.

"E di inamin mo din." Sabi ni Daddy tapos naglabas ng dila para asarin ako. Napapukpok naman ako ng ulo, ang tanga ko naman.

"Daya nyo!" Sabi ko tapos nag pout. Ang galing ba naman nilang mang ganyan.

"Si Bryle?" Tanong ni mommy at dahil dun, muntik na akong mabilaukan.

"Pano nyo nalaman?!" Tanong ko, ang mahalaga ay kung paano nila nalamang si Bryle yung dahilan ng pagiging inlove ko.

"Binasa namin yung diary mo." Sabi ni mommy tapos nakipag apir sya kay daddy. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

"OMG! May couple shirt kami ni Bryle! Nakakakilig! I'm gonna die!" Sabi ni daddy habang ginagaya yung boses ko! Nanlulumo ako dahil ayun nga ang eksaktong nakalagay sa diary ko.

"Sa susunod kasi. Try mong ilock yung kwarto mo." Sabi ni Mommy. Nakalimutan ko nga palang ilock yun kahapon.

They knew it already. I'm in love with Bryle.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon