Chapter 52

426 19 2
                                    


[Destiny's POV]

"It's been one month nung nanligaw sayo si Ash, hanggang ngayon kinikilig ka pa rin?" nakakunot na noo na tanong ni Maxine, kanina ko pa kasi sila hinahampas ni Zabrina at Heart. Si Heart kasi yung nagdridrive at si Zabrina naman yung nasa passenger seat, kaya si Maxine yung napupuruhan. Papunta kasi kami ngayon kila Jap, doon kami matutulog. Birthday nya ngayon e.

Bigla na namang nagflashback sa utak ko yung nangyari one month ago. Nakakakilig talaga. Tyaka kaya naman ganito ako makareact kasi doon lang sya naging sweet sakin.

"Wag ka ngang epdu." Kinikilig na sabi ko kay Maxine, kasi naman e.

(Playing - Statue by Lil'eddie)

"KYAAAAAH! Zab! Wag mong ililipat!" Sigaw ko noong tumugtog yung Statue. Bigla tuloy nagflashback sakin yung nangyari dati. Bakit ba ganito yung epekto ng panliligaw nya sakin? Buti nalang talaga nasa kabilang kotse yung mga lalaki at nasa kotse kami, atleast hindi nila kami naririnig.

Pagkatapos na pagkatapos nung kanta sakto naman na dating namin sa bahay ni Jap. ang daming tao dahil pool party to. Puro mga taga Infinity high yung mga tao dito.

"Daming chikababes!" Sabi ni James pagkababang pagkababa nila sa kotse.

"Baka Chakababes." bulong ni Heart, secret lang natin to a. May crush kasi sya kay James. Whahahaha biruin nyo? yung mataray kong pinsan? may crush kay Bestfriend? ang torpe nga nitong si Heart e, hindi man lang masabi kay James. Sabagay babae sya, bakit naman sya yung gagawa nung move?

Inaabangan ko yung pagbaba ni Abcd. OMG! ang hot nya! Bakit ba kasi nagpa dark blue sya ng buhok? Yubg tipong makikita lang na blue kapag nasisinagan ng araw. nakakainlove kaya!

"Inlove ka?" tanong nya sakin. Inirapan ko naman sya, syempre dapat pakipot muna. Hahaha.

"Asa ka." tapos tinalikuran ko nalang sya.

"Oo, aasa nalang ako." Napahinto naman ako sa sinabi nya, parang may laman ata yung sinabi nyang yun. Nagbibiro lang naman ako e.

"Tara na." sabi ko tapos hinila ko naman sya. Hawak hawak ko yung braso nya.

"HAPPY BIRTHDAY JAPOY!" sigaw naming lahat except kay Abcd, ang KJ talaga nito. Nakipag fist to fist lang sya kay Jap. Makikipagbeso beso na sana ako ng hilahin ako bigla ni Abcd.

"Chill bro." natatawang sabi ni Jap. Tinignan ko naman si Abcd.

"Problema mo?" tanong ko dito. Inirapan nya lang naman ako. Ang sungit nya talaga. Opo, ganyan po manligaw ang isang Asher Brixxel C. Damian. Sobrang Wow!

"Anong gusto mong kainin?" tanong nya sakin, at dahil dakilang pakipot ako. Ang sagot ko ay isanh tumataginting na

"Kahit ano."

"Ikaw kaya maghanap ng pagkaing kahit ano?" masungit na sagot nya sakin.

"Ah. hehe" sagot ko. Ang sungit nya parin kahit nanliligaw na sya. Pero ano naman ngayon?

"Hi Asher." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Ang landi ng tono nya infairness a.

"Hi your face." masungit na sabi ni Abcd. Natawa naman ako sa reaksyon nung babae. Bleeeeh buti nga sayo. :P

"Tuwang tuwa ka naman?" napatingin ako kay Abcd. Umiling ako. Hindi naman ako tuwang tuwa e, tawang tawa pwede pa. Ano namang pinagkaiba nun?

"Hindi no." Bigla na namang nagflash back sakin yung napaka epic kong sagot last month. >_< Nakakahiya talaga ako!

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon