[Destiny's POV]
"Suprise!" Kinusot kusot ko yung mata ko. Ang barkada, nandito sa bahay. Tumingin ako sa relo. Eksaktong 12:00am na. Ibig sabihin, birthday ko na.
"Happy Birthday Destiny!" Sigaw nilang lahat. Ano namang pakulo to? Ngayon ko lang ulit sila nakita after 3 years. Maiingay parin pala sila.
"Salamat?" Patanong na sagot ko sa kanina. Alam nyo ba kung nasaan kami ngayon? Nandito lang naman sa kwarto ko. Sa bintana sila dumaan. Bigla nilang binuksan yung ilaw kaya nagising ako. Bastos talaga tong mga to.
Kumuha sila ng table sa baba. Si James ang kumuha ng table sa baba. Pasalamat sila nasa Bangkok sila mommy at Daddy, ang iingay kasi talaga nila. Ako at ang mga katulong lang ang nandito. Since kababalik ko lang naman, tatlong katulong lang ang nandito ngayon.
Nilapag nila yung cake na may tatlong layer. Puti yung kulay ng cake sa labas pero mukhang chocolate ang flavor nun dahil kanina pa nakatingin si kuya Warren dun. Namiss ko din tong isang to e. Lahat sila namiss ko.
"Kaya tatlong layer yan, dahil dalawang taon ka naming hindi nabigyan ng cake. At yung isang layer, para sa ngayon. Bestfriend." Nagkatitigan kami ni Maxine, almost 4 years na kaming hindi nag uusap. Napag isip isip ko lang na kahit pang mature na yung nangyari samin nun, childish parin yung pagiisip namin noon.
"I miss you, bestfriend." Sabi ko tapos niyakap ko sya. Naramdaman ko namang basa na yung balikat ko. Alam kong umiiyak sya. Iyak? Almost 4 years ko ng hindi nagagawa yun ah. Nasanay na din akong hindi umiiyak e.
"Group hug!" Sigaw ni Zab. Nagsunuran naman kami.
"Sorry." Sabay sabay namin sabi. Nagtawanan nalang kami. Grabe kasi yung mga kaartehan namin dati e.
"Hep hep. Kapatid, may nakakalimutan ka ata." Sabi ni kuya Warren. Inisip kong mabuti kung anong pinagsasabi nya. At dahil si kuya Warren ang nagsabi, nagets ko na agad. Psh.
"Pasalubong." Bored na sabi ko.
"Ay, oo nga no? Yun nga pala talaga ang pinunta natin dito." Sabi ni James.
"Sira! Wag kang maingay! Mabuko pa tayo." Tapos binatukan ni Brent si James. Ayun, nagkarambulan na naman. Bumaba muna ako para ibigay sa kanila yung mga pasalubong nila. Nasa box kasi yun e.
Binuhat ko yung box. Ang bigat pala. -_- muntik na akong mapasigaw ng may yumakap sa likod ko. Kung kidnapper to, hindi naman ako yayakapin hindi ba?Dugdug...
Mukhang alam ko na kung sino.
"Abcd..." Tawag ko sa petname ko sa kanya. Oo PETname. Mukha kasi syang aso. Kidding.
"Happy Birthday, Bebilabs." Kinilabutan ako sa sinabi nya.
"Salamat, Baby boy. Hahaha kadiri naman tayo e! Tigilan na natin yang mga CS na yan. Kadiri talaga e." Sabi ko. Kadiri naman talaga. Hahahaha.
"Ako na dyan." Sabi nya tapos binuhat nya yung box, nung nandun na kami sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Inunahan pa ako sa pagpasok. Tss. Masabi lang gentleman sya.
"Yun oh!" Para silang mga bata na nagsipuntaha dun sa malaking box. Separated na naman yung mga pasalubong ko sa kanila dahil in eexpect ko na talaga na mangyayari. Hindi man kami magkakaayos nung umalis ako, pero im glad na ayos na kami nung bumalik ako.
"Pre! Catch!" Tawag ni kuya Jap sa atensyon ni Abcd. Sinalo nya naman yung pasalubong ko.
"Ano namang gagawin ko sa isang keychain na may mukha mo?" Ang arte talaga nito. Sya na nga binigyan. Opo yan lang binigay ko sa kanya. Unlike kila kuya na nasa bukod bukod pa na box sa dami. Mabait ako e. Hehe.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.