Chapter 57

388 20 3
                                    


[Asher's POV]



"Hoy! Magkapatid kayo ni Clyde?!" Tanong nya sakin fot the nth time simula nung hinila ko sya papalayo kay Clyde. Tss.


"Hoy! Magsalita ka naman dyan oh." Pangungulit nya.


"Callsign lang namin yun." Sarcastic na sabi ko sa kanya, pero mukhang hindi naman nya nagets kasi tumango tango pa sya.


"Ah. Edi close pala kayo?" tanong nya ulit.


"Hindi."


"Eh? Bakit may callsign kayo? " Napairap nalang ako kasi ang kulit kulit nya. Hindi man lang nya napansin na nasa harap na kami ng room nya. Baliw talaga.


"Mas maganda kaya yun, Hon, babe, bunch, choco, munch, beng beng, choco choco, tyaka StikO!" Masayang sabi nya. Napailing na lang ako tapos tinuro ko sa kanya yung pinto ng room nya. Napalingon naman sya at nanlaki ang mata. Late na sya dahil nakatingin sa kanya yung prof. at maging yung mga classmate nya. O mas magandang sabihing nakatingin sakin yung mga babae at baklang classmates nya.


"Bwiset ka! Bakit di mo sinabing nandito na tayo?!" Sigaw nya tapos tumakbo papunta sa loob ng classroom nya. Narinig kong nag sorry sya sa teacher nya, buti nalang close kami ng teacher nya, nginitian ko ito at ganun din naman ang ginawa nya kay Destiny.

Papaalis na sana ako ng bigla ko syang narinig na nagsabing "May i go out?" kaya napatigil ako.


"Baby ko!" Tawag nya sakin. Napangiti naman ako habang nakatalikod ako. First time nya akong tawaging Baby ko. Baby boy kasi yung tinatawag nya sakin lagi e. Lumingon naman ako sa kanya, at pilit na tinanggal yung ngiti sa mga labi ko.


"Bakit?"


"Pumunta ka samin mamayang uwian huh. Birthday ni Mommy! Magpambahay ka lang!" Sabi nya tapos tumakbo na papasok ulit sa room nya. Bigla naman akong kinabahan. First time kong mamemeet yung parents nya. First time kong mamemeet ang parents nya na kami na. Nakakagago to ah. Bakit kinakabahan ako ng ganito?!

~Fastforward~


"Bye! Bilisan mong maligo huh!" Paalala nya. Uuwi muna ako tapos didiretso na ako sa kanila. Pupunta din naman sila Mommy at Daddy kaya sa kanila nalang ako sasabay. Infact, kinakabahan talaga ako. Alam kong mabait sila pero. Hindi ko maiwasang kabahan dahil narinig ko kila Daddy na matapang daw si Tito pagdating kay Destiny. Ayaw nya pa daw kasing magboyfriend ito. at kahit medyo close kami ni Tito, kinakabahan talaga ako. Nakakabading!


"Oh? ano yang suot mo anak?" napataas yung kilay ko sa tanong ni Mommy. Anong mali sa suot ko? 3/4 na damit at fitted pants? anong mali dito?


"Kuya, eww!" Singit naman ni Wish. Tss. Kumunot yung noo ko ng makita kong nakagown sya. Ang O.A nya huh. Pero nung tinignan ko sila Daddy at Mommy, nakagown at Tux din sila.


"It's a party kuya."


"Hoy babae. Bakit nakamake up ka?" Tanong ko sa kanya ng makita kong napaka kapal ng pula sa labi nya dahil sa lipstick.


"Ah. Eh kuya. Ba-bakit masama?" Nangangatal nyang tanong.


"Sinong pupuntahan mo dun?" Tanong ko ulit sa kanya. Nakita ko namang napalunok sya.


"Ah. Mommy mauuna na ako sa kotse." Sabi nya tapos tumakbo bigla. Babantayan ko naman sya kahit anong gawin nya.


"Anak, mahiya ka nga sa suot mo." Sabi nila umakyat nalang ako sa taas at nagpalit ng pormal. Sa bahay lang naman nila Destiny ah.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon