Special Chapter 1

534 15 0
                                    

Flashback...

[Asher's POV]

"Max, ano ano ba yung gusto ng babaeng yun?" tanong ko sa Bestfriend ng taong mahal na mahal ko. Dalawang taon na din ang nakalipas simula nung umalis sya.

"Umm... Gusto nya kasi may blue na helicopter sa ere habang may tarpaulin na nakasabit dun. Yun kasi yung sabi nya sakin nung nagkwentuhan kami dati e." Napanod naman ako sa sinabi ni Maxine. Ang mahal pa naman ng helicopter. -_-

"Gawan nyo naman ako ng sasabihin oh. Malay nyo bukas na yun dumating tapos hindi pa ako ready." Sabi ko sa kanila, kilala nyo naman ako. Hindi ako mahilig sa sweet stuffs. Pero ewan ko ba, pag kasama ko si Tadhana (Destiny) nagiging keso ako. Badtrip.

"Mahal kong Destiny, napatagal na panahon kong hinintay ang araw na ito. ang araw kung saan papalitan ko ang iyong---" Binato ko ng unan si Joseph.

"Pwede english?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Ano ka Joseph? Makata? Hahahaha" Pang aasar sa kanya ni Jap.

"Arte nyo!" Angal naman ni Joseph. Tanga talaga tong mga to. -_-

"Sumagot kayo ng maayos. Susuntukin ko kayo." Sabi ko naman sa kanila. Nagsiayusan naman sila ng upo. Mga gunggong talaga.

"Bakit ba kami ang pinag gagawa mo? Kami ba magpropropose?" Sinamaan ko ng tingin si James dahil sa sinabi nya.

"BASAG KA--- Hahahaha joke lang naman brother in law!" Bawi agad ni Warren sa sasabihin nya. Sinamaan ko sya ng tingin e. Bwiset tong mga to, hindi na nga ako makapag isip ng maayos tapos kung ano ano pang pinagsasabi ng mga to. -_- Mga ewan talaga.

"Ehem ehem may idea ako." Nagtaas ng kamay si Jap kaya tinignan namin sya.

"Ehem, my baby ko, my farty, my life youre my sunlight.---" Bago nya ituloy binato na namin sya ng unan.

"Oh? May war na naman kayo." Binato ni Heart yung bag nya sa sofa. Galing yan sa internet cafe, nakipag skype na naman sa boyfriend nya. :3 Wala namang Forever. Samin lang ni Destiny nageexist yun.

"Anong meron?" Curious na tanong samin ni Heart.

"Yang si Loverboy kasi nagpapatulong para sa script na kailangan nya dun sa proposal nya kay Kapatid... Kala mo naman mag yeyes sa kanya." Sinamaan ko ulit sya ng tingin.

"Narinig ko yun, Warren." Sabi ko sa kanya, nagpeace sign naman sya. Tss hindi na nagmature, isip bata pa din.

"Sira ka talaga Ash! Tanga lang? Sinong magpropropose? Kami o ikaw?" Masungit na tanong sakin ni Heart.

"Gumawa ka ng sarili mong script. Mag aadvice lang kami sa gagawin mo." Sabi naman ni Maxine. Hindi nga kasi ako marunong sa mga ganung bagay. Oo, nagawa ko na yun dati. Pero ibang iba ngayon dahil MARRIAGE PROPOSAL ang gagawin ko.

"Damn!" Ginulo ko ang buhok. Ang hirap pala ng ganito. Fuck talaga!

"Ano bang magandang proposal?" Biglang tanong ni Brent.

"Sa Airport kaya?" tanong ko sa kanila. Wala talaga akong idea sa gagawin ko. Shit!

"Pwede din, kayalang hindi naman natin alam kung kailan sya babalik. Kahit may communication ako with her, ayaw nyang sabihin kung kailan sya babalik at wala pa daw naman syang balak." Sabi ni Zab. Pffff. Ano bang gagawin ko?

"Ay wait! May naalala ako!"Biglang sabi ni Heart. Tinignan ko sya, sana naman may maitulong sakin yung naaalala ng babaeng ito kung ano man yun.

"Sabi nya sakin, pinagsulat daw sila dati ng teacher nya ng isang essay about 'your dream wedding proposal' tapos ang alam ko ang sinulat nya dun ay Flashmob. Basta less than a year na din nung naikwento nya yun sakin." Sabi ni Heart. Flashmob? Yun ba yung sumasayaw?

"Okay. Its settled! Flashmob tayo! Approve ba guys?!" Tinakpan ko ang tenga ko dahil ang lakas ng boses ni Maxine.

"You dont have to shout, Max. Minimize your voice." Inis kong sabi sa kanya.

"Ay sorry. Hehe excited lang." Sabi nya habang nakapeace sign.

"Okay. Flashmob tayo." Bored kong sabi sa kanila. Wala akong idea sa flashmob na yan pero alam kong tungkol sa sayaw yan. Kaya nga nauso ang google at youtube diba? Para tulungan ako.




PRACTICE...


"One two three four five six seven eight, okay again." Sabi samin nung magtuturo samin ng sayaw.

"Wake up every morning with you in my bed." Kanta ko, tapos ginawa naman nila yung step nila.


"And you know one of this days when i get my money right, buy you everything and show you all the finest things in life---" Napahinto ako ng nagsign sakin si Maxine na huminto muna.

"Break time muna tayo Guys! Hehe. Gutom na ako." Sabi ni Maxine, napakamot naman ako ng ulo.

"Kakakain mo lang diba?" tanong ko sa kanya.

"Sorry na nagugutom ulit ako." Sabi nya tapos tumakbo dun sa gilid at kumuha ng sneakers. Napailing nalang ako.

"Teka? Paano yun? Kung makikita nya kami agad dun sa flashmob edi hindi na yung nakakaexcite?" Biglang singit ni Brent. Napaisip ako, tama sya. Sinabi ko kasi sa kanila na gusto ko sa huling chorus pa magegets ni Tadhana na para sa kanya yung sayaw at kanta.

"Dapat sasamahan nyo sya sa Nuvali, doon nya kasi ako sinagot nun. Gusto ko na doon maganap yung proposal ko. Wala dapat mag iingay sa inyo." Sabi ko sa kanila. Nagnod naman sila.

"Alam ko na! Para mas exciting!" Sigaw ni Warren. Psh pareho sila ng girlfriend nya. Sigaw ng sigaw, ang sarap pag untugin. -_-

"May magkukunwaring sya yung nagpropropose hanggang doon sa second chorus, tapos dapat may babae nakaupo sa medyo tabi ni Destiny. Tapos sa gitna natin ilagay yung red carpet para cool. Tapos boom! Doon lalabas ang napakapogi, eww. Hahaha doon lalabas ang magpropropose. Ano? Pede ba yun?" Pinagbabato namin ng sapatos si Warren. Umilag ilag lang sya.

"Nalevel up ka Warren! Hahaha nakakapag isip ka na! Congrats!" Pang aasar sa kanya ng sarili nyang Girlfriend. Psh.

"Sige approve yun." Sabi ko nalang. Naiinggit ako kila Warren at Max. Buti pa sila mag kasama tyaka alam nilang mahal nila ang isat isa.


Alam nyo ba yung pakiramdam na sa 'I love you' nya nalang ikaw kumakapit? Yung naniniwala ka na mahal ka pa rin nya dahil sa sinabi nya yun. Dalawang taon na ang nakalipas nang umalis sya pero hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman ko sa kanya.

Kaya kahit hindi ako siguro kung mag ye yes sya sa proposal, gumagawa pa rin ako ng effort. Nag lalaan ako ng panahon para sa pagprapractice namin ng flashmob. Ang dami kong sinasakripisyo para sa kanya.

Napaka daming better kaysa sa kanya pero para sakin, sya na talaga yung taong para sakin. Kaya kahit madaming lumalapit sakin, binabaliwala ko sila para kay Tadhana.

Dalawang taon ko na syang hindi nakakausap, nakikita at nakakasama. Alam kong ang tanga ko para gawin to. Yung maghintay sa isang taong hindi mo alam kung mahal ka pa o hindi na. Pero ginagawa ko dahil mahal na mahal ko sya.



At hinding hindi iyon magbabago.



END OF SPECIAL CHAPTER ONE

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon