Chapter 47

414 18 0
                                    


[Destiny's POV]

"Mommy, please na po payagan mo na po ako." Pagpapaalam ko kila Mommy at Daddy.


"Okay, but behave huh." sabi ni Mommy, agad akong nagkiss sa kanilang dalawa at umakyat sa kwarto ko para magimpake ng damit. Nung una ayaw nila akong payagan kasi three days kaming magsstay doon.

*Calling Abcd Abnoy*


(Oh?)


"Ganda ng hello mo a." Sarcastic kong sabi sa kanya.


(Bakit ka tumawag?) halata sa boses nya na inaantok na sya.


"Bakit masama? Nagbebeauty rest ka ba? Sorry a." Pang-aasar ko sa kanya.


(Ibababa ko na to kung wala ka namang kailangan.) Cold na sabi nya.


"Oy! Wait! Anong dadalhin natin doon bukas?" agad kong tanong sa kanya kasi baka ibaba nya yung phone. Hindi talaga uso sa lalaking to yung word na 'patience'.


(Kahit ano. Bye.) Walang kakwenta kwenta nyang sagot tapos binaba nya yung phone. Tss ang epal talaga nito.


Napailing nalang ako at nagimpake ng damit na kakasya sa three days. Alam nyo ba kung saan yung Leadership training namin? Sa isang isla sa Batangas, for sure hindi mawawala yung forest doon.


Natulog na ako dahil kailangan ko ng sapat na tulog dahil for sure mapupuyat lang ako doon.


*Blaaaag*


"ARAY!" Napahawak ako sa pwet ko. Pagdilat ko agad kong nakita yung sahig. ang sakit. Tumayo ako at sumalubong sakin ang isang halimaw na abnoy na nakangisi sakin. Napakaepal talaga ng lalaking to. Tss.


"BAKIT BA ANG AGA AGA NANGBWIBWISET KA?!" Sigaw ko sa kanya, diba may kasabihan na magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.


"Goodmorning din." sabi nya lang.


"Anong good sa morning?!" Sigaw ko ulit sa kanya. Ang sakit talaga ng braso at pwet ko. Letche sya.


"Kaninang umaga, good yung morning ko kayalang nung nakita kita hindi na. Magbihis ka na." Sabi nya tapos tumalikod sakin, napatingin ako sa wall clock ko. Alas kwatro palang ng madaling araw. Tss bwiset talaga.


"Hindi mo talaga ako paliliguan?"


"Gusto mo ba? Ganyan ba katindi yung pagkacrush mo sakin kaya gusto mong paliguan kita?" nakangisi nyang tanong sakin habang lumalapit sakin. Napapukpok ako sa ulo ko dahil nagkamali ako ng sabi.


"Mali lang nasabi ko! Paliliguin dapat yun! Lumayas ka na nga sa kwarto ko! Bwiset kang abnoy ka! Halimaw! Bakulaw! Peste! Shooo!" Pagtataboy ko sa kanya, nakakahiya naman kasi mga pinagsasabi ko! T_T


Lumabas na sya sa kwarto ko kaya naligo na ako. Nagbihis lang ako ng pantalon, tapos Tshirt lang. Pagkalabas ko dala ko na yung backpack ko. Nagulat ako ng may biglang hinagis sakin si ABCD na bag binuksan ko yun tapos nagtaka ako sa laman. Isang jacket. Tumingin ako sa kanya at magkapareho kaming dalawa.


"Ano naman to?" tanong ko sa kanya habang hawak hawak ko yung jacket na binigay nya. Isang color white at kulay maong na jacket.


"Isuot mo yan. Y-yan daw y-yung jacket ng mga p-president at vice. Dalian mo na nga!" Nagulat naman ako kasi nung una parang nauutal sya tas bigla nya akong sinigawan. Nagkibit balikat naman ako tapos sinuot ko nalang yung jacket. Sobrang lamig naman kasi talaga e.


"Tayong dalawa lang?" tanong ko sa kanya nung sumilip ako sa kotse nya. Akala ko kasi may kasama pa syang magsundo sakin. Wala naman kasi syang nabanggit na sya ang susundo sakin e.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon