Chapter 38

466 19 2
                                    


[Destiny's POV]


"Hoy!" Napahawak ako sa braso ko dahil sa humampas sakin.

"Aray ko Masakit a! Nyeta ka!" Sigaw ko sa kanya tapos hinampas ko din sya ng malakas. Expired na nga pala yung pagiging mabait namin sa isat isa. Thank you naman.

Pagkatapos nya nga palang sabihin yung mga sinabi nya kahapon, hindi sya nagsalita. Tapos hindi din kami natuloy sa Mall. Ang Awkward kaya, buti nga pinansin ako ng Mokong na to e.

"May papakilala ako sayo." Sabi nya tapos tumingin sya sa Likod nya. Napatingin din naman ako. Mga Varsities to ng Basketball a.

Nasa canteen kami ngayon, kasalukuyan kaming kumakain, Natural. Kasama ko si Heart at Maxine.

Nginitian ko naman yung 5 lalaki at isang babae na kasama nya.

"Im James, pinakacute sa kanilang lahat." Sabi nung brown yung buhok, kilala ko to, Section B to e. Kinawayan ko naman sya.

"Ako naman si Joseph, hello." Sabi nung lalaking mukhang seryoso, Haha. Nginitian ko sya.

"Ako si Jap, pinakamatcho sa lahat." Sabi nya tapos pinakita yung muscles nya. HAHA. Natawa naman ako doon.

"Warren, classmate nyo. Hihi." Sabi ni Warren tapos tumingin kay Maxine. tapos nabaling yung tingin nya kay Heart, ngumiti nalang sya.

"Im Brent. And this is my Girlfriend Zabrina." Kaklase din namin si Brent, tapos yung Girlfriend nya, Section B ata.

Well, kilala ko naman silang lahat e.

"Maxine nga pala." Pagpapakilala ni Maxine. Tapos nagpacute pa kay Warren. Crush nya kasi yan. Tss.

"Im Heart, Dyosa nga pala. Joke lang." Pagbibiro ni Heart. Napatawa naman sila.

"Destiny." Sabi ko tapos ngumiti ako.

"Samahan nyo kami mamaya." Sabi ni ABCD samin.

"Mamimili lang kami ng isusuot sa Christmas party." Singit ni James. Hala oo nga, di pa ako nakakabili ng Pangchristmas party ko.

"Di pa rin ako nakakabili e." Sabi ni Heart.

"Sakto, ako din." Sabi naman ni Maxine.

"Good. Mamayang uwian a." Sabi ko. Buti may pera akong binigay ni Daddy kanina.

"Bestfriend! Bili mo ko nyan!" Sigaw ni James, teka? Ako ba yung tinatawag nyang Bestfriend?

"anong Bestfriend?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Bestfriend na kita simula ngayon kaya ilibre mo ko ng Shake." Sabi nya habang nakangiti ng malapad, ako naman napanganga nalang. Napailing ako at bumili ng dalawang shake, isa sakin at isa para kay James.

Nasa mall kami ngayon, Masayang kasama sila James, Jap, Joseph, Warren, Brent at si Zabrina. ang gugulo nila, at alam nyo ba Close na kami agad agad.

"Oh ayan na." Sabi ko sa kanya sabay abot ng isang Chocolate flavored na Shake. Nakita ko namang ang saya saya nya.

"Thank you Bestfriend! The best ka talaga!" Sabi nya sakin tapos humigop sya dun sa Shake nya. Si James, ang kulit kulit kulit nya. Kayalang sa malayuan kahit pogi sya, para syang bakla kasi nya ang Kulit ng kilos nya.

"Hoy! James! Penge ako!" Sigaw sa kanya ni Jap, Si Jap naman ayos lang, makulit din pero di kasing kulit ni James. Ayon, naghahabulan na yung dalawa.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon