[Destiny's POV]
Ramdam ko ang malungkot na aura na pumapaligid ngayon dito sa sementeryo. Rinig na rinig ko ang iyakan nilang lahat. Maging ako, pinipigilan ko lamang umiyak. Sobrang sakit. Nawala sakin yung taong lagi ako prinoprotektahan, yung naging kasama ko sa matagal na panahon. Yung taong laging nandyan sa tabi ko tuwing may mang aaway sakin.
Pero mukhang, wala na yung tagapagtanggol ko. Ang sakit sakit. Bakit ba kailangan pang mamatay ng isang tao? Bakit kailangang kunin sya? Ang sakit sakit.
Parang lalabas yung puso ko. Parang tinutusok ng napakaraming karayom. Parang pinupukpok ng maraming martilyo. Yun yung nararamdaman ko ngayon. Bakit kailangan pang magkasabay sabay ng lahat.
Maya maya, natapos na yung seremonyas ng pari. Pinatawag na yung mga magbibigay ng mensahe para sa kanya. At isa ako dun.
"Hello po sa inyong lahat. Una sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nag punta sa libing nya. Maraming salamat po." Biglang tumulo yung luha ko ng magbalik yung mga alaala namin.
Yung mukha nyang nakangiti. Yung mga tawa nya na nakakahawa. Yung kakulitan nya. Yung pagiging protective nya.
"Naalala ko dati, binatukan nya ako kasi nadapa ako. Sabi nya sakin, ang lampa ko daw. Tapos iyak lang ako ng iyak, kasi nakakahiya sa mga nakakita. Nagtaka naman ako kasi hindi nya ako tinulungan. Tapos bigla nyang sinabi 'wala ako lagi sa tabi mo para tulungan at iligtas ka. Dapat matuto kang tumayo sa lahat ng pagkakadapa mo.' Tumigil ako nun sa pagiyak tapos tumawa ako sabay sabi ng 'HUGOT!' pero tama sya. Dapat matuto tayong lahat na tumayo para sa sarili natin." Pinipigilan ko parin yung luha ko. Bakit ba kasi ang sakit?
"Kasi hindi lahat ng tao, magsstay sa tabi natin. Kasi hindi lahat ng tao sasamahan tayo hanggang huli. Dapat ngayon palang sanayin na natin ang sarili natin. Kasi masakit kung di mo sasanayin yung sarili mo." Napahagulgol ako. Binigyan naman agad nila ako ng panyo. Kanina ko pa pinipigilan yung luha na kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko. Pero ngayon, mukhang hindi ko kayang pigilan.
"Sya kasi yun e, Yung Bestfriend ko. Yung lalaking bestfriend ko. Sya na lahat e. Kuya ko, tatay ko, lolo ko, kaibigan ko, at higit sa lahat shield ko. Ang sakit sakit na nawala yung taong kauna unahang naging kuya ko. Sobrang sakit. So-sobra." Matapos yun bumaba na ako sa platfotm. Bakit ba ganito? Pain, bakit ka ba kasi nagexist sa mundo?
Hawak ko ngayon ang isang puting rosas. Lumapit ako sa kabaong nya at hinulog ang piraso nito. Tinitigan ko yung kabaong.
Till we meet again.
Matapos ang libing. Dumiretso na ulit kami sa ospital para puntahan sila. Isang linggo na pala yung nakalipas simula nung nangyari ang bagay na yun.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Hindi na bago sakin ang pagsigaw nya sakin. Alam kong sobra syang nasasaktan sa mga nangyari.
"DAHIL SAYO KAYA NANGYARI ANG LAHAT NG ITO! DAHIL SAYO NAGKANDALECHE LECHE ANG LAHAT!" Napaiyak nalang ako. Hindi ako sanay na ginaganito nya ako.
"Sana ikaw nalang ang namatay.." Mahina nyang sabi. Napatahimik sya at ang barkada.
Sana nga, sana ako nalang yung namatay at hindi sya. Sana ako nalang. Sana mamatay na ako.
"Sana nga..." Ngumiti ako sa kanya, sa Bestfriend ko.
"Max... Im so sorry." Paghingi ko ng tawad. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng nasabi yan sa buong week. Feeling ko ang hina hina ko. Feeling ko worthless ako. Feeling ko isa akong malaking pagkakamali sa mundong ito. Wala akong ibang kakampi kundi ang mga magulang ko at ang panginoon. Sila lang yung kakampi ko.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.