[Destiny's POV]
"Announcement to all Students of Infinity High, you need to present a performance for our incoming Christmas party. No exception. Again, All students of Infinity High, you need to present a performance for our incoming christmas party. No Exception."
Nabaling yung atensyon namin dun sa speaker sa Room, nagannounce na pala yung PIO ng SSG namin. Well, napagmeeting-an na namin to, kahapon. Since values yung susunod na subject namin, hinayaan na kami ng Adviser namin na magpractice nalang.
"Kakanta ba tayo o sasayaw?" Tanong ko sa mga kaklase ko. Since ako yung president ng room namin, ako yung pinagsasalita.
"Kumanta nalang." sabi ni Lychee. Tumango lang ako.
"Wait, diba sabi sa napagusapan, Star sections should have atleast 2 performance? Palibhasa puro pag utot ang alam mong gawin." Sabi ni Asher, nagpantig naman yung tenga ko dahil dun sa huli nyang sinabi. G**o talaga to! Agad ako tumayo at sinipa sya sa binti nya.
"Masakit! Ano ba?!" Iritang tanong nya sakin. Siraulo pala to e, aasar asarin ako tapos gaganyan ganyan,
"atleast hindi ako bakla! Tyaka kung makapang asar ka a! kala mo hindi ka nautot! Suntukan nalang." Hamon ko sa kanya, yung mga kaklase naman namin nakatingin lang samin tapos tumatawa. tapos si ABCD naman ayun, nakakunot lang yung noo.
"Wag mo akong kausapin, di tayo close." Dahil sa inis ko sa kanya, pinagsasabunutan ko sya.
"Bwiset ka talaga!" Inis na sabi ko sa kanya habang sinasabunutan ko sya.
"Tumigil ka na masakit!" Sigaw nya, natakot naman ako dun kaya napabitiw ako. Dahil natatakot ako, hindi ko pinahalata sa kanya yun.
"W-wag ka ngang maglagay ng Fix! A-ang lagkit!" Sabi ko sa kanya habang nakatalikod ako.
"Tss" yun lang yung sinagot nya sakin. Ang sungit talaga ng lalaking to. Tss.
"Okay? Since, narinig ka na naming kumanta Asher, and we knew na maganda ang boses mo Destiny. Kayong dalawa ang kakanta sa Christmas party." Sabi bigla nung Vice president ng room namin.
"Ano?!" Sigaw ko. Si ABCD naman walang pakielam.
"Kasi naman, away kayo ng away kaya pinag-usapan na namin yung gagawin., Bali partner kayo ni Asher sa Kanta, then ikaw din yung maglelead sa Sayaw." Pagpapaliwanag nya, so ayaw nya naman akong pahirapan sa lagay na yan no? Tss.
Nagsimula na kami sa practice. 1 week nalang pala bago yung christmas party namin. Bali, 2 weeks nalang christmas na. Nagpunta kami sa isang sulok ni ABCD.
"Anong kakantahin?" tanong nya sakin, buti naman naisipan nya ng magsalita. Nakakahiya naman sa kanya e.
"Edi kanta. Shunga lang?" Mataray kong sabi sa kanya. Totoo naman diba? ano bang kinakanta?
"Wag kang mamilosopo." sabi nya sakin. Inirapan ko lang naman sya.
"Akina Cellphone mo." Utos nya sakin tapos nilahad nya yung kamay nya. Napakunot naman ang noo ko dun.
"Mahirap ka na ba at may balak ka pang nakawin ang cellphone ko?" Tanong ko sa kanya, tapos nagsmirk ako.
"Sinong magnanakaw ang nagpapaalam sa ninanakawan? Nasaan ang utak mo?" Nagpantig naman ang tenga ko sa narinig ko, Siraulo talaga to.
"Tama na yan, wala kayong matatapos. Ayan kantahin nyo!" Biglang singit samin ni Maxine, tapos may hinagis syang papel. Nung tinignan ko Lyrics ng kanta.
"Walang Iba?" sabi nya, napatingin naman ako sa kanya.
"Oh anong meron?" tanong ko sa kanya at tinignan ulit yung lyrics ng kanta. Hindi ako mahilig sa mga tagalog na kanta pero naririnig ko yan. Kasi nung nagsearch ako sa Youtube ng kanta ni AJ Rafael (My favorite Singer *_*) nakita ko yan tas clinick ko kaya alam ko yung tono, infact meron ako sa cellphone ko nyan.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.