Chapter 11

819 36 3
                                    

[Destiny's POV]

"Ma'am, may I excuse the Infinity movers, this is for our incoming acquaintance" Pageexcuse samin ni Debby, remember my seatmate? Nagpalipat kasi sya ng Section B. Hindi na siya nerd ngayon huh.

"Yes you may." Pagkatapos sabihin ni ma'am yun. Tumayo na ako at nagpolbo. Nagcologne din ako. Haha Hindi naman sa maarte ako. Nandoon kasi si Bryle kaya kailangan kong magpaganda. Malay nyo may pag asa pang maakit ko sya. Haha. Bad Destiny.

"Good morning Infinity movers, heard anything about our Acquaintance party? OMG! We're having our first performance! Kyaaa!" Maarteng pagkakasabi ng P.I.O ng dance club. She's Jael.

"I'm so excited na!" Sabi nya ulit. Nakakaasar talaga tong taong to. Napaka arte kasi! Hindi lang sa pagsasalita sya maarte. As in, buong pagkatao nya ang arte. Yung tipong ang kapal kapal ng kilay, pulang pula yung pisngi, at ang haba ng pilik mata nya dahil sa make up. Araw araw syang ganyan. Hello? School to, hindi bar. Gosh!

"So get your P.E uniform now and start practicing. You're all excuse." Sabi ni Debby. Hala bat ganun? Bakit parang si Jael na din sya? Nakamake up kasi sya. Hindi ko napansin kanina yung make up nya. Sayang naman sya, mas maganda na sya kung simple lang sya. Aww. Nagpunta na ako sa room at kinuha yung face towel at tubig ko.

Ako ang president ng dance club sa school namin. Vice president din ako sa supreme student government (SSG). Last month lang kami nag elect sa dance club at sa iba pang club. At alam nyo ba na si ABCD ang naging president ng SSG. Well, ayos lang naman kasi sobrang deserving siya doon. Pero nakakainis kasi lagi kaming nagkikita tuwing may meeting. Nakakabad vibes kaya. Buti sana kung kinakausap nya lang ako. Inaasar pa ako ng bwisit na yun. :3 Ayan nabadtrip na naman tuloy ako.

"San ka pupunta, Farty?" Tanong ni Abcd. Simula nung nagkakilala kami, Farty na ang tawag niyan sakin at ABCD naman ang tawag ko sa kanya. Aba, hindi ako pinalaki ng magulang ko para asar asarin lang. Kaya kung inaasar niya ako, syempre aasarin ko din siya.

"Sa pupuntahan, malamang." Maikling sagot ko.

"Nagtatanong lang ako." Sabi nya tapos nagkunwaring nalulungkot. Acting nya.

"Drama mo." Sabi ko tapos lumakad na ako papunta sa Pinto.

"FARTY! INGAT KA!" Sigaw nya nung nasa pinto na ako.

"Psh"

"Baka mapautot ka na naman!" Pang aasar nya, bwisit talaga! Bakit ba hindi nalang sya mag move on? -_-

***

"1 2 3 4 5 6 7 8, 8 7 6 5 4 3 2 and 1 Stop. Okay, break time." Sabi ko sa kanila. Almost three hours na rin kasi kaming nagprapractice.

"Lovery oh!" Sabi ni Bryle sabay abot ng isang bote ng mineral water.

"Thank you" Sabi ko tapos kinuha ko na yung tubig. Naubos na din kasi yung tubig na dala ko.

(Desryle = Desrayl)

"Pagod ka na?" Tanong nya.

"Oo, three hours na kaya tayong nagprapractice." Sabi ko habang tinatakpan yung bote ng tubig.

"Pawis ka na nga." Sabi nya, nabigla naman ako nung pinunasan nya ng face towel nya yung noo ko.

"T-thanks" Sabi ko tapos kinuha ko na yung face towel ko at ako na nagpunas, kakahiya kaya. Kahit na kinikilig ako! >//////<

"No worries." Sabi nya habang nakangiti.

"Alam mo, Lovery, ang ganda mo" Sabi nya. Kyaa! Nikikilig ako >////<

"Maliit na bagay. Hahaha. Joke." Sabi ko.

"Pero seryoso, ang ganda mo nga. May nanliligaw sayo?" Tanong nya.

"Wala, pagsasapak sapakin ko yung mga yun pag nanligaw." Sabi ko in maangas tone. ^_^ Bawal pang may manligaw sakin. Dahil isa lang ang gusto kong manligaw sakin. Period. Alam nyo na naman kung sino yun.

"So, sasapakin mo ako kung manliligaw ako sayo?" Nabigla naman ako sa tanong nya. Adik to. pinapakilig ako! >/////<

"Ibang usapan pag sayo, Hahaha, Joke lang. Bakit manliligaw ka?" Pabiro kong tanong. Pag to Sumagot ng Oo! Nako ! Sasagu--

"Oo" Sabi nya. Ay! Manligaw ka na ngayon.

"Anong nahithit mo?" Sabi ko, kunwari maangas pero deep inside sasabog na ako sa kilig. Alam ko namang nagbibiro lang siya pero sasakyan ko na din.

"Marijuana, joke. Siguro pag nagbreak kami ni Cara." Sabi nya. KAPAG nagbreak. Sirain ko na kaya sila? Oy! Bad yun Destiny!

"Baliw ka na ba? Ano ba yang pinagsasabi mo?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.

"Bawal na bang magjoke ngayon?" ay, sabi ko nga joke lang yun. Napakafeeler mo naman kasi Destiny Lovery, ayan tuloy nakuha mo.

"Pero malay mo joke lang pala na joke yun." Naguluhan naman ako sa sinabi nya pero after 10 seconds nagets ko na din naman yung sinabi nya. Pinipigilan ko lang yung sarili ko na kiligin at mapatili.

"Pero malay mo din, joke lang pala yung sinabi ko na joke lang yung joke na yun." Binatukan ko sya, nililito lang ako ng lalaking to e. Lanya.

Nasisiraan na ata ng bait tong mahal ko. Yie, anong sabi ko? Mahal KO? Hahahaha sinong mahal NIYA? Edi SIYA. Aray ko! Hehe

"Baliw ka na ata." Sabi ko sa kanya. Napalunok ako ng bigla nya akong akbayan. Hala! Kinikilig ako.

"Nakikita mo yun?" Napatingin ako sa tinuro nya.

Dito kasi sa school, merong view na sobrang ganda. Puno ng bahay tapos yung manila bay na maganda lang pag malayuan.

"Oh?" Bigla akong kinilig sa tinuro nya, napapanuod ko kasi to sa mga movies e. Yung may ituturo yung lalaking magagandang building at malawak na place. Sabay sabing 'Ganyan kalaki yung pagmamahal ko sayo.' o kaya naman, 'Handa kong bilhin ang lahat ng yan para sayo, dahil mahal na mahal kita.'

Yie! Kese nemen eh! Nekekeleg eke!

"Nakikita mo?" Paguulit nya, ang pogi nya talaga.

"O-oo." Kinikilig na talaga ako.

"Aba! Ang linaw ng mata mo! HAHAHAHAHA" Hinampas hampas ko sya ng sobrang dami. Paasa talaga to. Ulul Destiny, ikaw lang yung umaasa.

"Bahala ka nga sa buhay mo." Tumayo na ako.

"Oy! Ito naman joke lang naman eh." Sabi nya tapos tumayo na din sya at hinabol ako.

"Ewan ko sayo." Nakakadisappoint naman kasi talaga e. :3 Pero ako naman yung may kasalanan nun, hindi sya. Feeler ko kasi masyado eh.

"Oy, bati na tayo. Seryoso na." Sabi nya, umupo ulit ako. Nakakapagod naman kasi talagang magpractice kaya bakit pa ako magpapakapagod, eh break time namin?

(A/N: Di ka nga napapagod mahalin yung TAKEN na e.)

Epal ka you know? Huwa! Ay kasi naman si Author eh!

"Seryoso..." Tumingin ulit sya dun sa tinuro nya.

"Ang linaw ng mata mo." Sinapak ko ulit sya.

"G*gu, ay ewan ko sayo! Magprapractice na ako!" Tapos tumayo na ako.





********

(A/N ~ Hello readers. Thanks for reading WLHY. Yung mga silent eeaders dyan. Hello din. Vote and comment po ^_^ Thanks! )

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon