[Destiny's POV]
"HAPPY BIRTHDAY DESTINY!" Nagising ako sa sigaw na narinig ko. Kinusot ko ang mukha ko, tumingin ako sa paligid. Ang daming taong nakapalibot sa kama ko. Sinalubong ko sila ng ngiti.
"Salamat." Masayang bati ko sa kanila. Tumingin ako sa wall clock ko. Alas sais palang pala ng umaga. Lumabas na sila ng kwarto ko tapos naligo na rin ako. Nagsuot lang ako ng simpleng red na Tshirt at jumper. Pagkatapos kong mag ayos, lumabas na rin ako.
"SURPRISE!" Sigaw nila, bumungad naman sakin ang napakaraming pagkain sa mesa. Basta sobrang dami.
Kumuha agad ako ng tinidor upang tikman yung mga pagkain sa mesa. Pero pinigilan nila ako. Napapout naman ako.
"Oppps! Kakainin natin yan pero hindi ngayon Bestfriend." Awat sakin ni James. Binitawan ko naman agad yung tinidor ko. Gutom pa naman ako. Nalaman kong pupunta kami ngayon sa hindi ko alam, pero aalis daw kami. Kumuha lang ako ng gamit ko, summer na ngayon at mainit na kaya nagsuot ako ng floral cap.
"Wow soulmate!" Napatingin naman ako kay kuya Warren dahil sa sinabi nya, nagulat ako ng makita ko si Abcd, tapos pareho din kami ng cap. Napaface palm nalang ako, sabay sabay kasi naming binili to e, nagkataon naming magkapareho kami ng nabili kaya ayun. :3
"Heh! Tumigil ka nga kuya!/Shut up Warren." Sabay naming sabi, nagkatinginan kami pero unlike dati, nagkatawanan na kami ngayon. Ang saya sa pakiramdam na Makita mong tumatawa yung taong mahal mo.
"Oh, tara na baka malate tayo." Singgit ni Heart. Nagkangitian lang kami tapos sumakay na kami sa van. As usual, magkatabi na naman po kami ng 'one sided' ko. Walang iba kundi si Abcd. Nagpapansinan na kami pero napakasungit parin nya.
"Tagaytay na naman!" masayang sigaw nilang lahat. Napatawa naman ako doon. Napag usapan kasi namin one time, na sa mga ebook o maging sa reality lagi nalang sa Tagaytay pumupunta yung mga couples tuwing may special day.
"Destiny, dahil birthday mo, ikaw ang mag-ihaw ng mga barbecue, isaw at Betamax!" Sabi sakin ni Jap tapos inabot nya yung lagayan nung mga betamax sakin.
"Ganda ng birthday gift mo a." Sarcastic kong sabi sa kanya, kasi naman, sa kanya inutos kanina ni Maxine yun e, sakin ba naman pinagawa. Sinunod ko nalang sya dahil baka umiyak pa sya.
Nung matapos ko ng ihawin yung mga pina ihaw sakin, tinawag ko na sila. Nagtatayatayan sila, hay nako, minsan talaga para silang mga bata. Imagine 17 years old na kami pero ganyan parin yung pagkikilos nila. Nakakatuwa lang, ang sarap sa pakiramdam.
Kumain kami ng kumain, at naubos namin yung napakaraming pagkain na hinanda nila. Grabe ang tatakaw talaga nila. Napangiti nalang ako, buti binigyan ako ng panginoon ng ganitong klaseng mga kaibigan. Yung alam kong hindi ako iiwan hanggang sa huli. Alam kong nandiyan lang sila para sa akin.
"Palipad tayong saranggola!" excited na sabi ni Brent. Binatukan naman sya ni Zabrina.
"Wala kayang hangin!" sabi sa kanya ni Zab. Isa pa tong dalawang to, ang cute cute nila.
"Anong oras na ba?" tanong sa kanila ni Abcd. Tumingin naman agad ako sa relo ko.
"ten fifteen, bakit?" sagot ko sa kanya.
"Tara na." sabi nya, uuwi na agad kami? Maaga pa a. Sabagay kahit ilang oras lang yun na enjoy ko naman e.
Niligpit na namin yung mga pinagkainan namin. Tapos sumakay na kami sa van.
BINABASA MO ANG
When Love Hits You
Teen FictionThe more you love someone, the more they can hurt you.