Chapter 45

399 24 0
                                    


[Destiny's POV]

After one month

"Wala talagang meron sa inyong dalawa?" paulit ulit na tanong ni Kuya Warren saming dalawa ni ABCD, kasalukuyan kaming kumakain sa canteen. Lunch break namin ngayon at nagbaon kaming lahat ng lunchbox.


"Meron kaming galit sa isat isa. Masaya ka na?" sarcastic kong sagot sa kanya. Paano, Nung isang linggo pa nila kami tinatanong tungkol dyan. Hindi ko naman magets yung tinatanong nila.


"Seryoso ako. Hindi mo ba nililigawan ang kapatid ko, Ash?" tanong ni Kuya kay ABCD. Wow huh, kinacareer ni Kuya Warren ang pagiging kuya nya sakin.


"Bakit ko naman liligawan yang pangit na yan?" Masungit na sagot ni ABCD. Sinamaan ko naman sya ng tingin at tinignan nya lang ako tapos umirap. Kung makapagsabing pangit ako, akala mo sya hindi. Ang sama talaga ng ugali nito. :3


"Lately kasi napapansin namin na nagiging sweet kayo kahit na nag aaway kayo." Sabat naman ni Zabrina. Tapos ngumiti sya saming dalawa ng nakakaloko. Nangunot naman yung noo ni ABCD tapos sinamaan ko lang ng tingin si Zab.


"Akala nyo lang yon, tyaka wala naman akong gusto sa babaeng yan e." Napatahimik kaming lahat sa sinabi ni ABCD. Napayuko ako sa hindi malamang dahilan.


"As if namang may gusto ako sayo." Walang buhay na sabi ko sa kanya. Totoo naman e, wala akong gusto sa kanya. Wala talaga promise. Wala nga kasi! Ay! Wala nga! Oo na! Meron na, pero crush ko lang naman sya e. Ang cute nya kasi kapag nagsusungit.


"Hulaan ko, sa graduation, kayo na." Napaubo naman ako sa sinabi ni Brent. Graduation daw? Hahahaha. Baliw sya. Wala namang balak manligaw tong si ABCD e. Bakla nga siguro sya kasi ayaw nya sa babae. Baka naiinggit sa ganda naming mga babae.

Tyaka, magkakahiwa hiwalay na naman kami sa graduation, kahit na sabihin nating sa iisang academy lang kami papasok, hindi naman pare-pareho ang schedule namin. Oo, napagusapan na namin kung saan kami magcocollege. Una, sa UP dapat ako, kayalang lahat silang siyam, sa Haven's College magaaral. Ang school na pinapasukan namin ngayon at ang Haven's ay iisa lang ang presisdente.

Si Heart lang ang kasama ko sa course na kukunin ko. Pareho kaming magcicivil engineering. Hindi ko pa natatanong sila kung anong kukunin nilang course. Si Maxine magaaccountancy, akala mo naman ang galing ng babaeng to sa Math e.

"Asa pa kayo. Hindi magiging kami no." Sabi ko sa kanila. Oo crush ko si ABCD, pero alam kong hanggang doon lang yun. Ayoko rin namang maging kami. Kahit na madaming beses na nyang sinabi sakin na mamahalin nya daw ako, proprotektahan, aalagaan at kung ano ano, alam kong hindi na ulit sya magkakagusto sakin.

"Kahit na crush ko yan." Nagulat silang lahat dahil sa sinabi ko. Hahaha. Nakita ko namang nanlaki din yung mata ni ABCD.

"Oh, wag kang kiligin dyan." natatawang sabi ko.

"Yiiie! Crush mo pala si Ash huh!" pang-aasar sakin ni Kuya Joseph. Nginitian ko lang sila.

"Crush ko lang naman e. Hanggang doon lang." Sabi ko. Mabait naman kasi si ABCD, hindi lang halata. Hahaha.


Naging close din kami ng lalaking to. Marami din akong alam sa kanya ngayon. Simula ng magbreak kami ni Bryle, lagi na syang nandyan para sakin. Sa lumipas na one month; naging close na ako sa mama nya at kay Irish. Ganon din naman sya. Nalaman ko din na totoo pala talaga yung pagtatapat nya sakin dati tapos nawala na naman daw yun dahil narealize nyang pangit ako. Wala namang nagbago sa way ng paguusap naming dalawa. Hindi parin mawawala yung asaran at murahan pero mas naging close kami.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon