Chapter 40

477 29 3
                                    


[Destiny's POV]

"SURPRISE!"

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Matapos ka naming intayin ng Anim na oras ganyan ka." Sabi ni Kuya Joseph, naguilty naman ako doon. Umupo ako sa couch at humarap sa kanila.

"Kanina pa kayo nandito? Ano bang meron?" tanong ko sa kanila. Nagtingin tinginan naman silang lahat, napakunot yung noo ko.


"SLEEPOVER!" Sigaw nila. Ano daw? Anong sleepover?

"Ano?" baka kasi nagkamali lang ako ng rinig.

"Dito kami matutulog." Sabi ni Zabrina tapos sabay sabay silang nagtakbuhan sa kwarto KO. Nagpapaunahan pa.

"Hoy ako dyan! Katabi ko si Destiny!" Sigaw ni James habang nag aagawan sila sa Kama ko, malaki naman to at kasya ang apat na tao.

"Hephep. Yung girls dyan, boys sa baba kayo." Sabi ni Heart. Nagsibabaan naman yung boys sa kama ko.

"Oh ayan, may comforter dyan sa taas ng cabinet. Tapos may Sofa bed na dalawa, kasya na kayo nyan." Sabi ko sa kanila. Kinuha naman agad nila yung dalawang comforter at naglagay sila ng unan nila. Pasalamat talaga sila mahigit bente yung unan ko sa kwarto. Wala lang nasanay lang ako na maraming unan.

"Tara sa kusina tayo!" Biglang sigaw ni Warren nagsitakbuhan naman sila papunta doon. Buti marami akong stock ng pagkain.

"Woah. Ang dami." Namamanghang sabi ni James nung nakita nya yung stall ng mga Stik-O ko mahigit 50 na garapon ang mga yun. Sorry na, Stik-O lord ako e xDD

"Penge!" Sigaw ni Jap, agad naman akong napatakbo at hinarangan ko yung cabinet na puno ng Stik-O ko.

"Hinde pede! Doon ka sa ref!" Sigaw ko sa kanya. Nagpout naman sya at nagpunta sa Ref. Kumuha sila ng Yema Cake, Chocolate cake, fruit salad, at mga Junk foods at Drinks.

"Feel at home na feel at home kayo no?" Sabi ko sa kanila. Nakakabigla naman kasi, bigla nalang nilang sasabihin na magssleep Over sila. Mga baliw talaga.

"Oo naman. HAHAHAHA." Sagot ni Brent, grabe kahapon lang kami nagkakilala pero sobrang close na namin.

"May pasok pa tayo bukas, hindi pa ba tayo matutulog?" tanong ko sa kanila, alas syete na kasi e. Sanay akong matulog ng ganitong oras kapag half day.

"Gaga, walang pasok bukas." Sabi sakin ni Zabrina. Huh? Anong wala?

"Nagevaporate ka kasi bigla kanina, e inannounce na wala ng pasok bukas at sa Christmas party na ang balik." Sabi sakin ni Maxine. Hala? Ganon ba? Teka, may napapansin ako, bakit kaya di nagsasalita si ABCD.

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.

"Oh?" Sagot nya. Ang sungit kala mo gwapo.

"Problema mo?" tanong ko, wag nyong sabihin na concern ako a. Di lang ako sanay na hindi nagsasalita tong Baklang to.

"Kagwapuhan ko." Sabi nya, lahat naman kami napaubo. Ang kapal talaga ng mukha nya.

"KAPAL." Sabay sabay naming sabi, nagtawanan ulit kami. Sya naman sinungitan lang kami. Meron kaya sya ngayon?

"Laro tayo, mamaya na tayong ala una matulog." Sabi ni Heart. Sumang ayon naman sa kanya lahat. Ano bayan magpupuyat ako. :3

"Spin the bottle tayo, tapos yung matuturo, maglilipstick." Sabi ni James.

"Corny." Sabi ni Kuya Warren.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon