Chapter 46

371 18 0
                                    


[Destiny's POV]


"Anak! Saglit lang yung pouch mo!" Sigaw sakin ni Mommy. Yung totoo? sinong mas excited saming dalawa?


"Mommy, hindi po yan ang dadalhin ko. Wala na po dyan yung gamit ko." mahinahon kong sabi sa kanya. May program kasi kami ngayon sa school. REQUIRED kaming magdress, at dahil mas kikay pa sakin ang nanay ko. Pinagmake up nya pa ako at pinagheels, at dahil mabait akong bata sinunod ko nalang sya.


"Anak hu! Magpakasal ka sa marriage booth!" Paalala nya bago ako sumakay sa Ferarri na niregalo nila sakin ni Daddy. Binigyan na rin nila ako ng students license at tinuruan na nila akong magdrive fifteen years old palang ako.


"Edi ikaw na maganda." Bungad na bati sakin ni Jap, nakared kaming lahat ngayon. Colorcoding ng school. Ewan ko ba, pero napakaraming pakulo ng school namin.


"Hinihintay ka na nung crush mo don." Sinamaan ko ng tingin si kuya Warren at binatukan sya ng sobrang lakas.


"Aray ko naman. Nagsasabi lang ng totoo e." Sabi nya habang hinihimas yung batok nya na binatukan ko.


"Hindi ko na kaya sya crush." Proud na sabi ko sa kanila.


"May bago na akong crush." Napangiti na naman ako ng maisip ko yung crush ko. Ang pogi pogi nya talaga. Sana magcollege na ako. *_*


"Sus. wag ka ng mahiya, hindi ka namin namin aasarin e." Sabi ni Brent kaya napapout ako.


"Inaaway nyo na naman Bestfriend ko a!" pagtatanggol sakin ni James nakipag apir naman ako sa kanya.


"Pero seriously may bago na nga akong crush. este may isa pa akong crush." Sabi ko sa kanila. Naaalala ko na naman sya. Ang pogi nya, ang bango nya pa. Wow *O*


"Sinong wattpad character naman yan?" Tanong sakin ni Maxine.


"Oy hindi yun fiction no. Search nyo sa facebook. Clyde Jayvee Damian. He's so hot!" Kinikilig na sabi ko. Opo, instalk ko yung facebook nung Clyde Damian at sobrang gwapo nya doon sa profile picture nya. Puro photos lang yung tinignan ko kagabi.


Napakunot naman yung noo nila James, kuya Warren, Joseph, Jap, at Brent. Tapos nagkibit balikat lang sila. Pumasok na kami sa loob ng hotel. Opo sa hotel kami magproprogram ngayon, ang yaman nga ng principal ngayon e, sya yung sumagot sa babayaran sa hotel. Pagkain lang kami siguro may lovelife na yun.


"Hoy Abnoy!" Kumunot yung noo nya dahil sa tinawag ko sa kanya. Hahahaha totoo naman e, abnoy sya. Ang cute lang.


"abnormal." bored na sabi nya lang sakin. Sya ata yung 'Hari ng summary'. Ang ikli ikli ba naman nyang magsalita minsan. Parang baliw.


"Ano Destiny?! crush mo si Ash?" sinamaan ko ng tingin si Jap dahil sa sinigaw nya. Napatingin tuloy yung ibang taong nakarinig nung sinigaw ni Jap. Nako kung malapit lang sakin tong lalaking to binugbog ko na to.


"Inggit ka?" pang aasar ko sa kanya.


"Oo! Gaga ka kasi! Mas maganda naman ako sayo." Natawa ako ng sobra dahil umarte syang bakla at ang galing galing nya. Hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko kasi naman e ang pogi pogi tapos ganon umarte napapatawa nga din yung ibang nakakakita sa kanya e.


"Bagay sayo girl!" Napatawa lalo ako ng biglang magbakla bakalaan si kuya Warren tawa din naman ng tawa si Maxine.


"Hoy gaga! Mas magaganda ako sa inyo." Sabi ni Joseph tapos kunwari nagflip ng imaginary hair nya. Napahawak ako sa tyan dahil sa ginagawa nila.

When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon